Ang uranyo o uranyum (Kastila: uranio, Ingles: uranium, may sagisag na U, atomikong bilang na 92, atomikong timbang na 238.03, punto ng pagkatunaw na 1,132 °C, punto ng pagkulong 3,818 °C, espesipikong grabidad na 18.95, mga balensiyang 3, 4, 5, at 6). Isa itong elementong mabigat, parang pilak ang kaputian, likas na radyoaktibo at parang metal, na madaling sumailalim sa oksidasyon, at nakakalason. Mayroon itong 14 na kilalang mga isotopo, kung saan ang U 238 ang siyang likas na pinakamalaganap. Kabilang ang uranyo sa mga serye ng aktinido at ginagamit ang kanyang isotopong 235U bilang panggatong na nukleyar, mga panggatong sa mga nukleyar reaktor, at bilang mahalagang sangkap ng mga sandatang nukleyar. Karaniwang matatagpuan ang uranyo sa maliit na bahagi sa mga bato, tubig, lupa, mga halaman, at mga hayop (kabilang ang mga tao). Natuklasan ito ni Martin Heinrich Klaproth noong 1789.[8]
↑ 3.03.1Arblaster, John W. (2018). Selected Values of the Crystallographic Properties of Elements. Materials Park, Ohio: ASM International. ISBN978-1-62708-155-9.
↑Morss, L.R.; Edelstein, N.M.; Fuger, J., mga pat. (2006). The Chemistry of the Actinide and Transactinide Elements (sa wikang Ingles) (ika-3rd (na) edisyon). Netherlands: Springer. ISBN978-9048131464.