Ang nobelyo o nobelyum (Kastila: nobelio, Ingles: nobelium, may sagisag na No, atomikong bilang na 102, isotopikong mga masang 252, 253, 254, 255, at 256, mga kalahating-buhay na 4.5, 95, 75, 180, at 8 mga segundo) ay isang sintetikong elementong radyoaktibo at trans-uranikong matatagpuan sa mga seryeng aktinido. Unang nakilala ito nang tama ng mga siyentipiko noong 1956 o 1958.[6] Natuklasan ito nina A Ghiorso, T Sikkeland, J Walton at GT Seaborg. Natuklasan ito sa Laboratoryo ng mga Reaksiyong Nuklear ng Flerov (Flerov Laboratory of Nuclear Reactions sa Ingles) sa Dubna, Rusya. Kaunti lamang ang nalalaman ang tungkol sa elementong ito ngunit may limitadong bilang mga eksperimentong kimikal ang nagpakitang bumubuo ito ng matatag na dibalenteng iyono (divalent ion), maging ng prediktado o inaasahang tribalenteng iyono (trivalent ion) na may kaugnayan sa pag-iral nito bilang isa sa mga aktinoyd. Nagbuhat ang pangalang nobelyo at nobelyum mula sa Suwisongkimikong si Alfred Nobel.
↑Dean, John A., pat. (1999). Lange's Handbook of Chemistry (ika-15 (na) edisyon). McGraw-Hill. Section 4; Table 4.5, Electronegativities of the Elements.
↑Sato, Tetsuya K.; Asai, Masato; Borschevsky, Anastasia; Beerwerth, Randolf; Kaneya, Yusuke; Makii, Hiroyuki; Mitsukai, Akina; Nagame, Yuichiro; Osa, Akihiko; Toyoshima, Atsushi; Tsukada, Kazuki; Sakama, Minoru; Takeda, Shinsaku; Ooe, Kazuhiro; Sato, Daisuke; Shigekawa, Yudai; Ichikawa, Shin-ichi; Düllmann, Christoph E.; Grund, Jessica; Renisch, Dennis; Kratz, Jens V.; Schädel, Matthias; Eliav, Ephraim; Kaldor, Uzi; Fritzsche, Stephan; Stora, Thierry (25 October 2018). "First Ionization Potentials of Fm, Md, No, and Lr: Verification of Filling-Up of 5f Electrons and Confirmation of the Actinide Series". Journal of the American Chemical Society. 140 (44): 14609–14613. doi:10.1021/jacs.8b09068.