Reaktansiya
Sa elektronika, ang reaktansiya ay ang pagsalungat sa daloy ng naghahalinhinang daloy ng kuryente, na sanhi ng pagkakaroon ng induktansiya at kapasitansiya (lulan o kapasidad) sa isang sirkito.[1] Ito ang oposisyon ng isang elemento ng sirkito sa isang pagbabago ng daloy, na dulot ng pamumuo ng elektrikomagnetikong mga pook ( magnetic field sa Ingles) sa loob ng elemento. Gumaganap ang magnetikong mga pook na ito upang gumawa ng pook na elektromagnetiko na katapat o proporsyonal sa halaga ng pagbabago (deribatibo ng oras), o akumulasyon (integral ng oras), ng daloy. Ang ideyal na resistor ay may reaktansiyang sero o wala, habang ang ideyal na mga induktor at mga kapasitor ay pangkalahatang binubuo ng reaktansieyang may sero o walang resistensiya.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.