Burol
Ang buról ay isang anyong lupa na lumalagpas sa taas ng pumapalibot na kalupaan, sa isang limitadong sukat. Kadalasang may natatanging tuktok, bagaman sa ibang lugar na may ungos, maaaring tumukoy ang isang partikular na seksiyon ng dalusdos ng ungos na walang malinaw na tuktok. Tinatawag na punso ang maliit na burol.
Terminolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Hindi malinaw ang pagkakaiba sa pagitan ng burol at bundok at karaniwang subhetibo, subalit sa pangkalahatan, tinuturing ang isang burol na hindi kasing-taas o kasing-tarik ng isang bundok.
Sa kasaysayan, kinikilala ng mga heograpo ang mga bundok bilang mga burol na higit sa 1,000 talampakan (304.8 metro) sa taas ng antas ng dagat, na naging batayan ng balangkas ng pelikula noong 1995 na The Englishman Who Went Up a Hill But Came Down a Mountain. Sa pagkakaiba, kinikilala ng mga naglalakad sa burol ang mga bundok bilang mga tuktok na nasa taas na 2,000 talampakan (610 m) sa taas ng antas ng dagat: minumungkahi din ng Oxford English Dictionary ang hangganan na 2,000 talampakan (610 m) at sinabi ni Whittow[1] na "Some authorities regard eminences above 600 m (1,969 tal) as mountains, those below being referred to as hills." (Kinikilala ng ilang mga awtoridad ang mga mataas na lugar na lagpas sa 600 m (1,969 tal) bilang mga bundok, at tinutukoy ang mas mababa dito bilang burol." Sa ngayon, kadalasang binibigyan kahulugan ang bundok sa Reino Unido at Irlanda bilang kahit anumang tuktok na hindi bababa sa 2,000 talampakan or 610 metro ang taas,[2][3][4][5][6] habang ang opisyal na kahulugan ng bundok ng pamahalaan ng Reino Unido ay isang tuktok na may taas na 600 metro (1,969 talampakan) o mas mataas pa.[7] Kabilang sa ilang mga kahulugan ang isang pangangailangan ng topograpikong tangos, na tipikal na nasa 100 talampakan (30.5 m) o 500 talampakan (152.4 m).[4]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Whittow, John (1984). Dictionary of Physical Geography. London: Penguin, 2004, p. 352. ISBN 0-14-051094-X.
- ↑
Nuttall, John & Anne (2008). The Mountains of England & Wales - Volume 2: England (sa wikang Ingles) (ika-3rd (na) edisyon). Milnthorpe, Cumbria: Cicerone. ISBN 978-1-85284-037-2.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Survey turns hill into a mountain" (sa wikang Ingles). BBC News. 18 Setyembre 2008. Nakuha noong 3 Pebrero 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 "A Mountain is a Mountain - isn't it?" (sa wikang Ingles). www.go4awalk.com. Nakuha noong 3 Pebrero 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ mountain sa dictionary.reference.com. Hinango noong 3 Pebrero 2013 (sa Ingles).
- ↑ Wilson, Peter (2001). ‘’Listing the Irish hills and mountains’’ sa ‘’Irish Geography’’, Bol 34(1), University of Ulster, Coleraine, p. 89 (sa Ingles).
- ↑ What is a “Mountain”? Mynydd Graig Goch and all that… Naka-arkibo 2013-03-30 sa Wayback Machine. sa Metric Views. Hinango noong 3 Pebrero 2013 (sa Ingles).