28 Weeks Later
28 Weeks Later | |
---|---|
Direktor | Juan Carlos Fresnadillo |
Prinodyus | Andrew Macdonald Allon Reich Enrique Lopez-Lavigne Danny Boyle Alex Garland |
Sumulat | Juan Carlos Fresnadillo Enrique Lopez-Lavigne Rowan Joffe Jesús Olmo |
Itinatampok sina | Robert Carlyle Rose Byrne Jeremy Renner Harold Perrineau Catherine McCormack Idris Elba Imogen Poots Mackintosh Muggleton Amanda Walker |
Musika | John Murphy |
Sinematograpiya | Enrique Chediak |
In-edit ni | Chris Gill |
Tagapamahagi | Fox Atomic |
Inilabas noong | 11 ng Mayo 2007 |
Haba | 99 min. |
Bansa | London, Reyno Unido |
Wika | Ingles |
Kita | $64,227,835
£32,113,424 (worldwide) |
Ang 28 Linggong Nakalipas (salin mula sa Ingles na 28 Weeks Later) ay isang apokaliptitong pelikulang aksiyon na nakakatakot na kasunod ng palabas na 28 Araw na Nakalipas (Ingles: 28 Days Later). Ang naturing palabas ay naratingan na R dahil sa sobrang biolente at mga sekswalidad sa naturing palabas.
Buod
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Don at ang asawang si Alice ay naghahanda ng hapunan para sa kanilang pamilya na natitirang mga nakaligas sa naturing pangyayari sa isang bahay sa rural ng Britanya. Habang kumakain may batang lalaki na kumatok at pinapasok ni Don na nagsasabing nangaling siya sa Sandford at tinatakbuhan ang mga magulang na ngayo'y may impeksiyon. Maya-maya isang malaking grupo ng impektado ang naka-diskubre ng kanilang taguan at napatay silang lahat. Tumangi si Alice na umalis na hindi kasama ang lalaki; isang natatarantang Don ang umabandona sa dalawa at tumakas habang sinakripisyo ang isa pang kasamahan at ang natanging nabuhay nang umalis gamit ang isang de-motor na bangka.
Sinimulan ng Amerika ang pag-lalagay ng tao sa lugar nang malaman ligtas na ito. Dalawa sa mga pumunta ay ang anak ni Don at Alice na sina Andy at Tammy na nasa Espanya nang magkaroon ng hindi inaasahang trahedya. Sa 12 gulang, si Andy ang pinaka-bata sa buong populasyon ng Britanya, at nung nagkaroon ng medikal na inspeksiyon, Major Scarlet Ross, ang medikal na opisyal ng District 1, ay pinaalalahan si Andy sa kanyang heterochromia, isang ugali na nakuha ni Andy sa kanyang nanay. Si Andy at Tammy ay parehong tinangap sa Distrito 1, isang masagana at protektadong lugar sa Lungsod ng London sa Isle of Dogs na binabantayan ng armi ng Estados Unidos, na may kasalong Delta na nagiging observasyon ng Distrito. Sa grupo nabibilang si Doyle at isang piloto ng helikapter na si Flynn. Ang mga bata at si Don ay nagkatagpo, na ngayon ay taga-pangasiwa ng Distrito. Sa loob ng bago nilang apartment, napa-iyak si Don ng muling gunitain ang kanyang pagtakas na kanyang sinabi na si Alice ay pinatay ng mga impekted, pero kasinungalingan ang lahat, na sinasabi niyang nakita niyang napatay si Alice, na sa katotohanan, ay iniwan niya ito at itinakas ang sarili at di na siya natulungan.
Sa sumunod na araw, ang dalawang magkapatid ay tumakas sa Distrito 1 at bumalik sa luma nilang bahay, kung saan nakita ni Andy si Alice, sabog at magulo pero buhay. Si Andy at Tammy ay muling nakuha ng Militar ng Estados Unidos habang si Alice ay ikinulong. Isang pagsusuri sa dugo ang nagpahiwatig na may impekto na siya ng Rage birus, pero di nagpapakita ng sintomas, na nagpapatunay na isa siyang asymptomatic carrier, bilang ebidensiya sa kanyang mata. Gustuhin man ni Ross na buhayin si Alice para sa possibleng gamot, pero ay napaghigitan ng kapangyarihan ng nakatataas, si General Stone, na gustong ipapatay si Alice para maiwasan ang muling pagkalat ng Rage.
Binisita ni Don ang kanyang mga anak sa isang kwarto at kinopronta siya sa sinabi niyang pagkamatay ni Alice. Binisita niya naman si Alice sa kanyang selyo, at humingi ng tawad, na pinahintulutan niya. Pero nung naghalikan sila, ang Rage birus sa kanyang laway ay biglang umapekto kay Don, sobra sa takot ni Alice. Ngayon ay impektado, pinatay niya si Alice ng brutal at naghasik ng lagim sa Distrito 1, pinapatay, inaatake at hinahawaan ang mga sundalo.
Ang nangyari ay pwumersa sa "Lockdown". Lahat ng sibilyano ay kinulong sa isang ligtas na kwarto, kung saan pinuwersa ni Don ang sarili, at nagsimulang impektohan ang ma sibilyano. Si Ross ay nagawang iligtas si Tammy at Andy sa pagkakulong, at sila ay umalis n magkasabay habang ang gulo ay umabot sa mga kalye. Si Doyle at ang mga sundalo ay inutusan na barilin lahat ng impektado, pero ang gulo ay napunta sa "Kodigo: Pula"": isang pangunahing pagligpit sa populasyon. Ang mga sundalo ay pinagbabaril ang lahat dahil sa utos ng Kodigo: Pula. Doyle, di kayang ilagay ang sarili sa utos, ay inabandona ang kanyang lugar at tumakas kasama si Ross at ang mga bata kasama ang iba pa sa mga ilalim na kanal. Ang distrito 1 ay nanapalm, ang pumatay sa buong populasyon ng sibilyano at ng mga natirang sundalo kasama ng ibang impektado at sumira ng grabe sa buong Distrito 1. Ang pagbobomba ang nag-abo sa bangkay ni Alice. Malaking grupo ng mga impektado, kasama si Don, ay nakatakas sa pag-bobomba, ang sumakop sa lungsod.
Sa Regent's Park huminto ang grupo at nakatagpo si Flynn at ang kanyang helikapter, pinaalalahan ni Ross si Doyle na ang susi sa gamot para sa impeksiyon ay nasa bata, na maaaring nakuha ang imyunidad ng kanilang nanay. Dumating pala si Flynn para kunin si Doyle, pero tumanggi na kumuha ng iba pang tao, nangangahulugan na papasabugin sila sa ere kung ginawa niya ang pagsira sa Kodigo: Pula na utos. Biglang isa sa mga myembro ng grupo ay tumalon sa kapitan na bakal, sinisigawan si Flynn na kunin siya. Inalog ni Flynn ang helikapter at idineretso sa mga padating na impektado, na napatay gamit ang rotor blades ng helikapter, at nailaglag ang lalake. Sinabi niya kay Doyle na pumunta sa Wembley Stadium, at pinuntahan nila kasama ang ilang grupong sibilyano. Ang grupo ay nag-nakaw ng kotse para takasan ang mga Impektado at ang mga ulap na nakalalason na gaas na nilagay sa lungsod ng militar. Sa proseso ng pagtutulak para mapaandar ang sasakyan, napatay si Doyle ng mga sundalo gamit ang pambuga ng apoy. Si Ross ang nagpatakbo ng kotse sa Ilalim ng London para maiwasan ang humahabol na helikapter, kung saan siya, gamit ang M4 ni Doyle, at ang kasamang mga bata ay nagpatuloy sa paglalakad. Noong sila ay nagkahiwalay, si Ross ay pinatay ni Don, na nakasunod sa kanila. Inatake ni Don si Andy at kinagat. Binaril ni Tammy si Don para mailigtas si Andy sa kamatayan, pero si Andy ay impektado na rin ng birus na Rage. Si Andy ay walang sintomas na naapektohan, pero ang mata niya ay naging pula katulad ng sa kanyang nanay. Nagpatuloy ang magkapatid sa Wembley Stadium at kinuha ni Flynn, na inilipad sila sa La Manche papuntang Pransiya. Habang lumilipad, nakita nila ang wasak at sunod na Distrito 1 at ang mga natira nalang sa London.
28 araw ang nakalipas, may tumawag sa radyo ni sa helikapter ni Flynn, na inabandona. May mga impektado na tumatakbo sa subway, Palais de Chaillot, at ilang sirena ng pulis at putok ng baril ang maririnig. Ang mga impektado ay tumatakbo papuntang Toreng Eiffel habang ang mga tao ay nagsisigawan, na nagpapahiwatig na kumalat na ang birus sa buong Europa.[1][2][3]
Mga Artista at Tauhan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Artista | Tauhan |
---|---|
Robert Carlyle | Don Harris |
Jeremy Renner | Doyle |
Rose Byrne | Major Scarlet Ross |
Imogen Poots | Tammy Harris |
Mackintosh Muggleton | Andy Harris |
Shahid Ahmed | Jacob |
Emily Beecham | Karen |
Garfield Morgan | Geoff |
Amanda Walker | Sally |
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Sanggunian 28 Weeks Later
- ↑ Ang pelikulag 28 Weeks Later
- ↑ Ang pelikulang 28 Weeks Later sa All Movie[patay na link]
Panlabas na kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Opisyal na website Naka-arkibo 2007-07-14 sa Wayback Machine.
- 28 Weeks Later at Allmovie
- 28 Weeks Later sa IMDb