Pumunta sa nilalaman

Panimpla

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang panimpla

Ang panimpla o pampalasa (Ingles: flavoring) ay isang pandagdag sa pagkain na ginagamit upang mapabuti ang lasa o amoy ng pagkain. Pinapalitan nito impresyong perseptibo ng pagkain na pangunahing natutukoy ng kimiyorreseptor ng mga sistemang panlasa at pang-amoy.[1][2] Kasama ng mga pandagdag, tinutukoy ng ibang bahagi tulad ng asukal ang lasa ng pagkain.

Binibigyang kahulugan ang panimpla bilang isang sustansiya na nagbibigay ng lasa sa isa pang sustansiya, na binabago ang katangian ng solusyon, na nagdudulot dito na maging matamis, maasim, mabango, atbp. Bagaman ang katawagang panimpla, sa karaniwang lengguwahe, ay nagpapahiwatig ng pinagsamang mga sensasyong kimikal ng lasa at amoy, ginagamit ang parehong katawagan sa mga industriya ng pabango at pampalasa upang tukuyin ang nakakaing kimikal at katas na binabago ang lasa ng pagkain at mga produktong pagkain sa pamamagitan ng pang-amoy.

Dahil sa mataas na presyo, o walang mapagkukunang likas na mga katas na panimpla, "identikal sa kalikasan" ang karamihan sa mga pampalasang pangkomersyo, na nangangahulugan na katumbas pangkimika sila ng mga lasang natural, subalit kimikal na hinalo sa halip na kinatas mula sa materyal na mapagkukunan. Maaaring makuha ang pagkilala ng mga bahagi ng mga pagkaing likas, tulad ng sampinit, gamit ang teknolohiya tulad ng kaparaanang headspace, para magaya ng isang nagtitimpla ang lasa sa pamamagitan ng ilang parehong kimikal na naroroon. Sa lehislasyong Unyong Europeo, walang "identikal sa kalikasan na panimpla". Tinutukoy ng lehislasyon kung ano ang isang "panimpla" at isang "panimplang natural".

Paghahati ayon sa kaparaanang pamproduksyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Maaring mahati ang mga panimpla sa tatlong pangunahing uri: "mga panimplang likas", "identikal sa kalikasan na panimpla", at "mga panimplang artipisyal".[3] Sa Estados Unidos, tradisyunal na nahahati sila sa mga panimplang likas at artipisyal, kung saan kinabibilangan ng huli ang identikal sa kalikasan na panimpla.[4] Sa kaibahan, hindi pinagkakaiba ng lehislasyong Europeo ang likas at identikal sa kalikasan na panimpla, habang sumasailalim lamang sa ilang regulasyon ang katawgang "likas".

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Small DM, Green BG. "A Proposed Model of a Flavor Modality Naka-arkibo 2021-09-19 sa Wayback Machine.". Sa: Murray MM, Wallace MT, mga pat. The Neural Bases of Multisensory Processes. Boca Raton (FL): CRC Press/Taylor & Francis; 2012. Kabanata 36. (sa Ingles)
  2. Wolfe, Jeremy; Kluender, Keith; Levi, Dennis (2012). Sensation & perception (sa wikang Ingles) (ika-3 (na) edisyon). Sinauer Associates. p. 7. ISBN 978-0-87893-572-7.
  3. Flavourings and Flavour Enhancers — User Guide, Agosto 2002. The Australia and New Zealand Food Standards Code (naka-arkibo) (sa Ingles)
  4. U.S. Food and Drug Administration, Food Labeling Naka-arkibo 2022-02-09 sa Wayback Machine. Sa: Code of Federal Regulations, Titulo 21 — Food and drugs, Kabanata I. (bersyong 6 Ene 2022) (sa Ingles)