Miss World 1991
Miss World 1991 | |
---|---|
Petsa | 28 Disyembre 1991 |
Presenters |
|
Entertainment | Indecent Obsession |
Pinagdausan | Georgia World Congress Center, Atlanta, Georgia, Estados Unidos |
Brodkaster | E! |
Lumahok | 78 |
Placements | 10 |
Bagong sali | Lupanglunti |
Hindi sumali |
|
Bumalik |
|
Nanalo | Ninibeth Leal Beneswela |
Ang Miss World 1991 ay ang ika-41 edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Georgia World Congress Center sa Atlanta, Georgia, Estados Unidos noong 28 Disyembre 1991.[1] Ito ang unang edisyong ginanap sa Kaamerikahan.
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Gina Tolleson ng Estados Unidos si Ninibeth Leal ng Beneswela bilang Miss World 1991.[2] Ito ang ikaapat na beses na nanalo ang Beneswela bilang Miss World. Nagtapos bilang first runner-up si Leanne Buckle ng Australya, habang nagtapos bilang second runner-up si Diana Tilden-Davis ng Timog Aprika.
Mga kandidata mula sa pitumpu't-walong bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Peter Marshall at Gina Tolleson ang kompetisyon. Nagtanghal ang Indecent Obsession sa edisyong ito.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Lokasyon at petsa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Napagdesisyunan ni Owen Oyston, kasosyo ni Eric Morley at pangulo ng Trans World Communications, na ibenta ang Miss World pageant, dalawang taon bago matapos ang kanilang kontrata. Ibinenta ang Miss World matapos na hindi magkasundo sina Oyston at Morley sa stratehiyang gagamitin nila para sa Miss World. Kalaunan ay naibili ng mga Morley ang Miss World.
Noong Mayo 1991, nilagdaan ni Eric Morley ang kasunduan kasama ang Worldwide Television sa Atlanta upang idaos ang edisyong ito sa Republikang Dominikano. Gayunpaman, noong Hulyo 1991, ipinaalam ng Worldwide Television kay Morley na kinailangang ilipat sa Porto Riko ang kompetisyon dahil sa kadahilanang hindi nila kontrolado. Tinaggap ito ni Morley at nilagdaan niya ang isang bagong kasunduang idaraos sa Porto Riko ang kompetisyon, at ang mga paunang aktibidad sa Timog Aprika. Inanunsyo na rin na magaganap ang kompetisyon sa 28 Disyembre 1991.
Gayunpaman, noong 22 Nobyembre, inanunsyo ng mga Morley na ang kompetisyon ay muling ililipat sa Georgia World Congress Center sa Atlanta, Georgia. Naganap pa rin ang kompetisyon noong 28 Disyembre.
Pagpili ng mga kalahok
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga kalahok mula sa pitumpu't-walong bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Dalawang kandidata ang nailuklok matapos ang pag-urong ng orihinal na kalahok.
Mga pagpalit
[baguhin | baguhin ang wikitext]Iniluklok ang second runner-up ng Miss Hungary 1991 na si Orsolya Anna Michina upang kumatawan sa Unggarya matapos mapatalski si Antónia Bálint bilang Miss Hungary dahil lumitaw ito sa isang men's magazine.[3] Hindi siya pinalitan ng kanyang first runner-up na si Timea Raba dahil sa kaparehong dahilan. Iniluklok si Rebecca Lin Lan-chih bilang kinatawan ng Republika ng Tsina matapos umurong ang orihinal na kalahok na si Lu Shu-Fang dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.
Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong
[baguhin | baguhin ang wikitext]Lumahok sa unang pagkakataon ang teritoryong Lupanglunti sa edisyong ito. Bumalik sa edisyong ito ang mga bansang Timog Aprika na huling sumali noong 1977, Antigua at Barbuda na huling sumali noong 1986, Lebanon at Suwasilandiya na huling sumali noong 1988, at Ekwador, Malaysia, at Republika ng Tsina na huling sumali noong 1989.
Hindi sumali sa edisyong ito ang mga bansang Barbados, Ehipto, Hong Kong, Kanada, Kapuluang Cook, Luksemburgo, Madagaskar, Papua Bagong Guinea, Peru, Sri Lanka, at Unyong Sobyetiko. Dapat sanang sasali si Tara Paat ng Kanada, ngunit nagkasakit ito labindalawang araw bago ang kompetisyon. Hindi sumali sina Lamia Mohamed El-Noshi ng Ehipto, Elizabeth Lai ng Hong Kong, Annette Feydt ng Luksemburgo, Marcia Muir ng Papua Bagong Guinea dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Hind sumali si Raema Chitty ng Kapuluang Cook at Claudia Figueroa ng Peru dahil sa problema sa pananalapi. Dapat sanang lalahok si Ilmira Shamsutdinova ng Unyong Sobyetiko sa edisyong ito, ngunit dahil sa hindi siya umabot sa age requirement, hindi siya nagpatuloy sa kompetisyon.
Mga resulta
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga pagkakalagay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagkakalagay | Kandidata |
---|---|
Miss World 1991 |
|
1st runner-up |
|
2nd runner-up |
|
Top 5 |
|
Top 10 |
|
Mga Continental Queens of Beauty
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kontinente | Kandidata |
---|---|
Aprika |
|
Asya at Oseaniya |
|
Europa |
|
Kaamerikahan |
|
Karibe |
|
Kompetisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pormat ng kompetisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tulad noong 1988, sampung semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon at mga personal interview na naganap sa Timog Aprika. Lumahok sa swimsuit competition, evening gown competition at casual interview ang sampung mga semi-finalist. Pagkatapos nito ay pinili ang limang pinalista, at kalaunan ay hinirang ang dalawang runner-up at ang bagong Miss World mula sa pinagsamang resulta ng mga hurado sa Timog Aprika at Atlanta.
Komite sa pagpili
[baguhin | baguhin ang wikitext]Paunang kompetisyon (mga hurado sa Timog Aprika)
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Bruce Fordyce – Atleta mula sa Timog Aprika
- Krish Mackerdhuj – Pangulo ng South African Cricket Association
- Marina Maponya – Manggagawang panlipunan sa Timog Aprika; pinsan ni Nelson Mandela
- Andrea Stelzer – Miss South Africa 1985 at Miss Germany 1989
- Peter Soldatos – Taga-disenyo
- Wilma Van De Bijl – Miss South Africa 1987
- Dawn Weller-Raistrick – Artistic Director ng Johannesburg PACT Ballet
Final telecast (mga hurado sa Atlanta)
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Jarvis Astaire – Pangulo ng Variety Club International
- Jane Ambrose – Australyanang negosyante
- Paul Block – Pangulo ng Revlon Professional Products
- Edgar Botero – Pangulo ng International Conic Construction Company sa Kolombya
- Marie DeGeorge – Taga-disenyo mula sa Atlanta
- Mike Favre – Tagapag-ensayo ng Atlanta Falcons
- Phil Hayes – Executive director ng
- Brenda McLain – Mamahayag sa telebisyon
- Eric Morley – Tagapagtatag ng Miss World
Tala: Ang mga hurado sa Timog Aprika ang nagsilbing ika-samoung hurado para sa final telecast
Mga kandidata
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pitumpu't-walong kandidata ang lumahok para sa titulo.
Bansa/Teritoryo | Kandidata | Edad[a] | Bayan |
---|---|---|---|
Alemanya | Susanne Petry | 18 | Saarbrücken |
Antigua at Barbuda | Joanne Bird | 20 | San Juan |
Arhentina | Marcela Noemí Chazarreta | 20 | Buenos Aires |
Aruba | Sandra Croes | 23 | Santa Cruz |
Australya | Leanne Buckle | 21 | Brisbane |
Austrya | Andrea Isabelle Pfeiffer | 18 | Graz |
Bagong Silandiya | Lisa de Montalk | 21 | Taupō |
Bahamas | Tarnia Stuart | 19 | New Providence |
Belhika | Anke van Dermeersch | 19 | Amberes |
Belis | Josephine Gault | 21 | Lungsod ng Belis |
Beneswela | Ninibeth Leal | 20 | Maracaibo |
Brasil | Cátia Silene Kupssinskü | 20 | São Paulo |
Bulgarya | Liubomira Slavcheva | 17 | Sofia |
Bulibya | Mónica Gamarra | 20 | Cochabamba |
Curaçao | Nashaira Desbarida | 23 | Willemstad |
Czechoslovakia | Andrea Tatarkova | 20 | Košice |
Dinamarka | Sharon Givskav | 17 | Copenhague |
Ekwador | Sueanny Bejarano | 20 | Guayaquil |
El Salvador | Lucía Beatriz López | 22 | San Salvador |
Espanya | Catia Moreno | 20 | Tenerife |
Estados Unidos | Charlotte Ray | 25 | Voorhees |
Gana | Jamilla Danzuru | 23 | Accra |
Gresya | Miriam Panagos | 20 | Atenas |
Guam | Yvonne Speight | 19 | Asan |
Guwatemala | Marlyn Lorena Magaña | 20 | Lungsod ng Guatemala |
Hamayka | Sandra Foster | 21 | Kingston |
Hapon | Junko Tsuda | 21 | Tokyo |
Hibraltar | Ornella Costa | 17 | Hibraltar |
Honduras | Arlene Rauscher | 19 | Tegucigalpa |
Indiya | Ritu Singh | 20 | New Delhi |
Irlanda | Amanda Brunker | 18 | Dublin |
Israel | Li'at Ditkovsky | 19 | Nordia |
Italya | Sabina Pellati | 19 | Reggio Emilia |
Kapuluang Birheng Britaniko | Marjorie Penn | 18 | Tortola |
Kapuluang Birhen ng Estados Unidos | Cheryl Milligan | 20 | St. Croix |
Kapuluang Kayman | Yvette Jordison | 19 | Grand Cayman |
Kenya | N'kirote Karimi M'mbijjiwe | 21 | Meru |
Kolombya | Adriana Rodríguez | 20 | Bogota |
Kosta Rika | Eugenie Jiménez | 20 | San Francisco de Heredia |
Letonya | Inese Šlesere | 19 | Riga |
Libano | Diana Begdache | 20 | Beirut |
Lupanglunti | Bibiane Holm | 18 | Nuuk |
Lupangyelo | Svava Haraldsdóttir[4] | 19 | Reikiavik |
Makaw | Cristina Guilherme Lam | 20 | Makaw |
Malaysia | Samantha Schubert | 22 | Kuala Lumpur |
Malta | Romina Genuis | 18 | Gzira |
Mawrisyo | Marie Geraldine Deville | 18 | Centre de Flacq |
Mehiko | María Cristina Urrutia | 19 | Lungsod ng Mehiko |
Namibya | Michelle McLean | 19 | Windhoek |
Niherya | Adenike Oshinowo | 24 | Lagos |
Noruwega | Anne-Britt Røvik | 18 | Molde |
Olanda | Linda Egging | 21 | Stramproy |
Panama | Malena Betancourt | 19 | Lungsod ng Panama |
Paragway | Vivian Benítez | 21 | Asuncion |
Pilipinas | Gemith Gemparo | 19 | Katowice |
Pinlandiya | Nina Autio | 20 | Tampere |
Polonya | Karina Wojciechowska | 19 | Katowice |
Porto Riko | Johanna Irizarry | 20 | Lajas |
Portugal | Maria do Carmo Ramalho | 20 | Lisbon |
Pransiya | Mareva Georges | 22 | Punaauia |
Republikang Dominikano | Rosanna Rodríguez | 21 | Concepción de La Vega |
Republika ng Tsina | Rebecca Lin Lan-chih | 23 | Taipei |
Reyno Unido | Joanne Elizabeth Lewis | 21 | Mansfield |
Rumanya | Gabriela Dragomirescu | 20 | Bucharest |
Singapura | Jasheen Jayakody | 18 | Singapura |
Suwasilandiya | Jackie Emelda Bennett | 20 | Manzini |
Suwesya | Catrin Olsson | 23 | Kungsbacka |
Suwisa | Sandra Aegerter | 22 | Aargau |
Taylandiya | Rewadee Malaisee | 21 | Bangkok |
Timog Aprika | Diana Tilden-Davis | 22 | Johannesburg |
Timog Korea | Kim Tae-hwa | 20 | Busan |
Trinidad at Tobago | Sastee Bachan | 21 | Port of Spain |
Tsile | Carolina Michelson | 23 | Santiago |
Tsipre | Anna Margaret Stephanou | 18 | Nicosia |
Turkiya | Dilek Aslıhan Koruyan | 19 | Istanbul |
Unggarya | Orsolya Michina | 19 | Budapest |
Urugway | Andrea Regina Gorrochategui | 23 | Montevideo |
Yugoslavia | Slavica Tripunović | 20 | Vukovar |
Mga tala
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Mga edad sa panahon ng kompetisyon
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Casi un centenar de bellas mujeres". La Nacion (sa wikang Kastila). 17 Disyembre 1991. p. 48. Nakuha noong 24 Enero 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
- ↑ "New Miss World is crowned". The Dispatch (sa wikang Ingles). 30 Disyembre 1991. pp. 2A. Nakuha noong 8 Enero 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
- ↑ "Hat évig harcolt a koronájáért Bálint Antónia" [Antónia Bálint fought for her crown for six years]. Blikk (sa wikang Unggaro). 12 Nobyembre 2013. Nakuha noong 9 Enero 2024.
- ↑ "Líklegur arftaki Lindu Pétursdóttir" [A likely successor to Linda Pétursdóttir]. Morgunblaðið (sa wikang Islandes). 5 Mayo 1991. p. 6. Nakuha noong 10 Hulyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Timarit.is.