Pumunta sa nilalaman

Miss World 1974

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Miss World 1974
Petsa22 Nobyembre 1974
Presenters
  • Michael Aspel
  • David Vine
PinagdausanRoyal Albert Hall, Londres, Reyno Unido
Brodkaster
Lumahok57
Placements15
Bagong sali
  • Barbados
  • Guernsey
  • Jersey
  • Sambia
Hindi sumali
  • Luksemburgo
  • Lupangyelo
  • Mawrisyo
  • Peru
  • Portugal
  • Seykelas
  • Tsipre
  • Turkiya
Bumalik
  • Alemanya
  • Dinamarka
  • Ekwador
  • Indiya
  • Kosta Rika
  • Madagaskar
  • Nikaragwa
NanaloHelen Morgan
United Kingdom Reyno Unido (bumitiw)
Anneline Kriel
South Africa Timog Aprika (pumalit)
← 1973
1975 →

Ang Miss World 1974 ay ang ika-24 na edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Royal Albert Hall sa Londres, Reyno Unido noong 22 Nobyembre 1974.

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Julia Morley si Helen Morgan ng Reyno Unido bilang Miss World 1974.[1][2] Ito ang unang inang nagwagi at ang ikaapat na tagumpay ng Reyno Unido sa kasaysayan ng kompetisyon.[3][4] Nagtapos bilang first runner-up si Anneline Kriel ng Timog Aprika, habang nagtapos bilang second runner-up si Lea Klein ng Israel.[5]

Bagama't alam ng mga pageant organizer na si Morgan ay isang nag-iisang ina at may anak nang siya ay nagwagi bilang Miss Wales,[6][7][8] bumitiw sa titulo si Morgan apat na araw matapos ang kompetisyon dahil sa matinding interes ng media na nagkaroon ng negatibong epekto sa kanya.[9][10][11] Siya ay pinalitan ng kanyang first runner-up na si Anneline Kriel.[12][13] Ito ang pangalawang beses na nagwagi ang Timog Aprika sa kompetisyon.

Limampu't-pitong kandidata mula sa limampu't-anim na bansa at teritoryo ang kumalahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Michael Aspel at David Vine ang kompetisyon.[14][15]

Royal Albert Hall, ang lokasyon ng Miss World 1974

Pagpili ng mga kalahok

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Limampu't-pitong kandidata mula sa limampu't-anim na bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Limang kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang mga bansa/teritoryo matapos maging runner-up sa kanilang pambansang kompetisyon,[16][17] o napili sa isang casting process, at isang kandidata ang nailuklok matapos bumitiw ang orihinal na kalahok.

Dapat sanang lalahok ang first runner-up ng Miss Mexico 1974 na si Rebeca Pico Zazueta sa edisyong ito. Gayunpaman, hindi ito lumahok dahil sa hindi isiniwalat na dahilan, at siya ay pinalitan ni Miss Mexico 1974 Guadalupe Elorriaga bilang kinatawan ng Mehiko sa Miss World.[18]

Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Lumahok sa unang pagkakataon ang mga bansang Barbados, Guernsey, Jersey, at Sambia. Bumalik sa edisyong ito ang mga bansang Madagaskar na huling sumali noong 1961, Dinamarka na huling sumali noong 1970, Nikaragwa na huling sumali noong 1971, at Alemanya, Ekwador, Indiya, at Kosta Rika na huling sumali noong 1972.

Hindi sumali ang mga bansang Luksemburgo, Lupangyelo, Mawrisyo, Peru, Portugal, Seykelas, Tsipre, at Turkiya sa edisyong ito. Hindi nakasali si Valgerdur Hjartarsdóttir ng Lupangyelo, Nirmala Sohun ng Mawrisyo, at Hale Soygazi ng Turkiya dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.[19] Hindi sumali si Alice Vieira ng Portugal bunsod ng rebolusyon na naganap sa Portugal noong Abril 1974.[20] Hindi sumali si Christiana Agathaggelou ng Tsipre bunsod ng krisis ng paglusob ng Turkiya sa nasabing bansa.[21] Hindi sumali ang mga bansang Lupangyelo, Peru, at Seykelas sa edisyong ito matapos na mabigo ang kanilang organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.

Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss World 1974 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pagkakalagay Kandidata
Miss World 1974
1st runner-up
2nd runner-up
3rd runner-up
4th runner-up
Top 7
Top 15

Tulad noong 1961, labinlimang semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon na ginanap sa araw ng pinal na kompetisyon na binubuo ng swimsuit at evening gown competition. Lumahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang labinlimang mga semi-finalist, at kalaunan ay napili ang pitong pinalista na sumabak sa final interview.

Komite sa pagpili

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Shirley Bassey – Ingles na mang-aawit
  • Alexandra Bastedo – Ingles na aktres
  • John Conteh – Ingles na boksingero
  • Anita Harris – Ingles na aktres at mang-aawit
  • David Hemery – Ingles na Olympic medalist para sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 1968
  • Eric Morley – Pangulo ng Mecca at tagapagtatag ng Miss World
  • Patrick Mower – Ingles na aktor
  • August Scerri – High Commissioner ng Malta sa Reyno Unido
  • John Spencer-Churchill – ika-sampung Duke ng Marlborough

Mga kandidata

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Limampu't-pitong kandidata ang lumahok para sa titulo.

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad[a] Bayan
Alemanya Alemanya Sabrina Erlmeier 22 Fürstenzell
Arhentina Arhentina Sara Barberi[24] 22
Aruba Esther Marugg[25] 18 Oranjestad
Australya Gail Petith[26] 19 Sydney
Austria Austrya Eveline Engleder[27] 20 Viena
New Zealand Bagong Silandiya Sue Nicholson[28] 22 Auckland
Bahamas Bahamas Monique Cooper 18 Nassau
Barbados Barbados Linda Field[29] 19 Bridgetown
Belhika Belhika Anne-Marie Sikorski[30] 21 Liège
Venezuela Beneswela Alicia Rivas[31] 19 Vargas
Bermuda Bermuda Joyce de Rosa[32] 22 Hamilton
Botswana Botswana Rosemary Moleti 20 Gaborone
Brazil Brasil Mariza Sommer[33] 19 Brasilia
Denmark Dinamarka Jane Moller[34] 20 Copenhague
Ecuador Ekwador Silvia Jurado 19 Playas
Espanya Natividad Rodríguez[35] 19 Valverde
Estados Unidos Estados Unidos Terry Ann Browning[36] 20 Ormond Beach
Greece Gresya Evgenia Dafni[37] 17
Guam Guam Rosemary Cruz Pablo[38] 21 Agana
Guernsey Gina Atkinson 18 Saint Peter Port
Jamaica Hamayka Andrea Lyon[39] 22 Kingston
Hapon Hapon Chikako Shima[40] 18 Gifu
Gibraltar Hibraltar Patricia Orfila 19 Hibraltar
Honduras Leslie Suez 24 Tegucigalpa
Hong Kong Judy Dirkin[41] 18 Hong Kong
India Indiya Kiran Dholakia[42] 17 Maharashtra
Irlanda (bansa) Irlanda Julie Farnham[43] 17 Dublin
Israel Israel Lea Klein[44] 22 Tel-Abib
Italya Italya Zaira Zoccheddu[45]
 Jersey Christine Sangan 23 Saint Helier
Canada Kanada Sandra Campbell 22 Leamington
Colombia Kolombya Luz María Osorio[46] 18 Antioquia
Costa Rica Kosta Rika Rose Marie Leprade[47] 21 Guanacaste
Lebanon Libano Gisèle Hachem[48] 18 Beirut
Madagascar Madagaskar Raobelina Harisoa 20 Antananarivo
Malaysia Malaysia Shirley Tan[49] 21 Johor Bahru
Malta Malta Mary Louis Elull 19 Sliema
Mexico Mehiko Guadalupe Elorriaga[18] 20 Mazatlán
Nicaragua Nikaragwa Francis Duarte[50] 21 Leon
Norway Noruwega Torill Larsen[51] 20 Ålesund
Netherlands Olanda Gerarda Balm[52] 18 Amersfoort
Finland Pinlandiya Merja Ekman[53] 20
Pilipinas Agnes Rustia[54] 17 Baliwag
Puerto Rico Porto Riko Loyda Valle[55] 21 Camuy
Pransiya Edna Tepava[56] 19 Papeete
Republikang Dominikano Republikang Dominikano Giselle Scanlon[57] 18 La Vega
United Kingdom Reyno Unido Helen Morgan[58] 22 Barry
Zambia Sámbia Christine Munkombwe[59] 18 Lusaka
Singapore Singapura Valerie Oh[60] 23 Singapura
Sri Lanka Sri Lanka Vinodini Roshanara Jayskera
Suwesya Suwesya Jill Lindqvist[61] 19 Gothenburg
Switzerland Suwisa Astrid Angst 21 Bern
Thailand Taylandiya Orn-Jir Chaisatra Bangkok
South Africa Timog Aprika Evelyn Williams[62] 18 Cape Town
Anneline Kriel[63] 19 Johannesburg
Timog Korea Timog Korea Shim Kyoung-sook 22 Seoul
Yugoslavia Jadranka Banjac[37] 19 Belgrado
  1. Mga edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "The most beautiful mum– it's Helen!". Evening Times (sa wikang Ingles). 23 Nobyembre 1974. p. 1. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  2. "Unwed mother reigns as new Miss World". Ellensburg Daily Record (sa wikang Ingles). 25 Nobyembre 1974. p. 4. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  3. "Helen is. first unwed mum to be Miss World". The Straits Times (sa wikang Ingles). 24 Nobyembre 1974. p. 1. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
  4. "British model Miss World". Greeley Daily Tribune (sa wikang Ingles). 23 Nobyembre 1974. p. 26. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
  5. "Terry Ann takes fifth". Daytona Beach Morning Journal (sa wikang Ingles). 23 Nobyembre 1974. pp. 7A. Nakuha noong 6 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
  6. "It's the rule". Daily Post (sa wikang Ingles). 16 Setyembre 1974. p. 6. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
  7. "Motherhood no bar to beauty contestant". Eugene Register-Guard (sa wikang Ingles). 16 Setyembre 1974. p. 3. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  8. "Runner-up an unwed mother". St. Joseph Gazette (sa wikang Ingles). 16 Setyembre 1974. p. 18. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  9. Owen, Jonathan (6 Nobyembre 2011). "Miss World who gave up her crown returns to the pageant for the first". The Independent (sa wikang Ingles). Nakuha noong 11 Enero 2023.
  10. "Miss World 74 treedt af". Het Parool (sa wikang Olandes). 27 Nobyembre 1974. p. 11. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
  11. Tidey, John (28 Nobyembre 1974). "It's all over now for most beautiful mother". The Age (sa wikang Ingles). p. 4. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  12. "Anneline says 'No skeletons in my cupboard'". Evening Times (sa wikang Ingles). 28 Nobyembre 1974. p. 1. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  13. "World crown goes to South Africa". The Glasgow Herald (sa wikang Ingles). 28 Nobyembre 1974. p. 19. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  14. Anderson, Ron (22 Nobyembre 1974). "Television". The Glasgow Herald (sa wikang Ingles). p. 26. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  15. "Tonight's TV". Evening Times (sa wikang Ingles). 22 Nobyembre 1974. p. 5. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  16. "Nicoline Broeckx (20) uit Maastricht miss Holland". Tubantia (sa wikang Olandes). 5 Enero 1974. p. 13. Nakuha noong 30 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
  17. ""Quest of Quests" 1974". The Australian Women's Weekly (sa wikang Ingles). 18 Setyembre 1974. p. 21. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
  18. 18.0 18.1 Morales, Isela (9 Nobyembre 2015). ""Por sus atributos, las mujeres de Sinaloa siempre han destacado en los certámenes"" ["Because of their attributes, the women of Sinaloa have always stood out in the contests"]. El Noroeste (sa wikang Kastila). Nakuha noong 7 Abril 2023.
  19. "Miss Turkey listesi, geçmişten günümüze Miss Turkey birincileri" [All past Miss Turkey winners]. Habertürk (sa wikang Turko). 22 Setyembre 2017. Nakuha noong 12 Marso 2024.
  20. "Portugal's Carnation Revolution". Tribune Magazine (sa wikang Ingles). 25 Abril 2023. Nakuha noong 5 Abril 2024.
  21. Smith, Colin (5 Mayo 2014). "Cyprus divided: 40 years on, a family recalls how the island was torn apart". The Observer (sa wikang Ingles). ISSN 0029-7712. Nakuha noong 5 Abril 2024.
  22. 22.0 22.1 22.2 22.3 22.4 22.5 "Miss World proud of baby". The Post-Standard (sa wikang Ingles). 23 Nobyembre 1974. p. 2. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
  23. "Fourth in World test". RAAF News (sa wikang Ingles). 1 Disyembre 1974. p. 8. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
  24. "Wet visit". The Windsor Star (sa wikang Ingles). 19 Nobyembre 1974. p. 54. Nakuha noong 6 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  25. "Esther Marugg naar M. World-verkiezing". Amigoe di Curacao (sa wikang Olandes). 9 Nobyembre 1974. p. 8. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
  26. "Quest title". The Canberra Times (sa wikang Ingles). 17 Setyembre 1974. p. 3. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
  27. Trompisch, Lisa (28 Hulyo 2022). "Schauspielerin Evelyn Engleder: Von der Miss Austria zum Kaisermühlen Blues". Kurier (sa wikang Aleman). Nakuha noong 5 Abril 2024.
  28. "Mishap that nearly ended it all..." New Nation (sa wikang Ingles). 11 Nobyembre 1974. p. 5. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
  29. "A quick recap of Barbados' track record at international beauty pageants". Loop News (sa wikang Ingles). 19 Setyembre 2016. Nakuha noong 5 Abril 2024.
  30. "Erelijst Miss België". De Morgen (sa wikang Olandes). 11 Enero 2010. Nakuha noong 24 Disyembre 2022.
  31. "Belleza venezolana". El Tiempo (sa wikang Kastila). 24 Hunyo 1975. p. 9. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  32. Smith, Lois (Hulyo 1974). "Miss Bermuda 1974". Fame Magazine (sa wikang Ingles). pp. 32–34. Nakuha noong 17 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Bermuda National Library.
  33. ""Miss Brasil". Marisa Sommer, saluda a "Miss Canada", Sandra Campbell, durante el almuerzo en trajes típicos de las aspirantes de "Miss Mundo"". La Nacion (sa wikang Kastila). 17 Nobyembre 1974. p. 11. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
  34. "Missen in Engeland". Leeuwarder courant (sa wikang Olandes). 14 Nobyembre 1974. p. 7. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
  35. "Críticas de concursantes al jurado de "Miss Mundo"". La Nacion (sa wikang Kastila). 25 Nobyembre 1974. p. 11. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
  36. "Florida girl Miss World hopeful". Lakeland Ledger (sa wikang Ingles). 16 Setyembre 1974. p. 2. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
  37. 37.0 37.1 "Untitled". Evening Times (sa wikang Ingles). 21 Nobyembre 1974. p. 11. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  38. "Tomorrow's pageant will choose Miss World candidate". Pacific Daily News (sa wikang Ingles). 24 Agosto 1974. p. 28. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
  39. "Early arrival for the "Miss World" contest". Evening Times (sa wikang Ingles). 7 Nobyembre 1974. p. 11. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
  40. "Glimpse of Orient for Glasgow". Evening Times (sa wikang Ingles). 8 Nobyembre 1974. p. 15. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
  41. "FOUR WITH AN EYE ON MISS WORLD CROWN". The Straits Times (sa wikang Ingles). 15 Nobyembre 1974. p. 8. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
  42. "Mirror, mirror on the wall". Republican and Herald. 20 Nobyembre 1974. p. 6. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
  43. "Beauties to compete". The Greenville News (sa wikang Ingles). 18 Hulyo 1975. p. 28. Nakuha noong 14 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
  44. "Queen is unwed mother". Reading Eagle (sa wikang Ingles). 23 Nobyembre 1974. p. 3. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  45. "Concurrerende missen" [Competitive misses]. Het vrije volk (sa wikang Olandes). 16 Nobyembre 1974. p. 1. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
  46. "Ella, nueva reina". El Tiempo (sa wikang Kastila). 12 Nobyembre 1973. pp. 1, 16A. Nakuha noong 17 Enero 2023.
  47. "Cuatro bellas costarricenses nos representan en el exterior". La Nacion (sa wikang Kastila). 10 Hunyo 1974. pp. 2A. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
  48. Maroun, Bechara (2 Setyembre 2022). "Yasmina Zaytoun, une Miss Liban qui veut tracer son propre chemin" [Yasmina Zaytoun, a Miss Lebanon who wants to chart her own path]. L'Orient-Le Jour (sa wikang Pranses). Nakuha noong 5 Abril 2024.
  49. "JULIA'S THE 'CHASTITY BELT' OF WORLD'S BEAUTIES..." The Straits Times (sa wikang Ingles). 24 Nobyembre 1974. p. 2. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
  50. "Occidente rumbo". La Prensa (sa wikang Kastila). 1 Disyembre 2006. Nakuha noong 5 Abril 2024.
  51. "Missen". Nieuwsblad van het Noorden (sa wikang Olandes). 15 Nobyembre 1974. p. 3. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
  52. "De mooisten van't land". Limburgsch dagblad (sa wikang Olandes). 5 Enero 1974. p. 7. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
  53. "Cruising down the river". The Amarillo Globe-Times. 15 Nobyembre 1974. p. 18. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
  54. Burton-Titular, Joyce (1 Oktubre 2013). "From Vivien to Megan: The PH in Miss World history". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 3 Hunyo 2023.
  55. "La representante de Filipinas, Agnes Rusta (izquierda), y la de Puerto Rico, Loyda Valle, posan durante el almuerzo en traje típico de las participantes en el concurso de "Miss Mundo"". La Nacion (sa wikang Kastila). 17 Nobyembre 1974. p. 11. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
  56. Barrais, Delphine (6 Mayo 2021). "Edna Tepava, Miss Tahiti 1973 et première Miss France polynésienne" [Edna Tepava, Miss Tahiti 1973 and first Polynesian Miss France]. Tahiti Infos (sa wikang Pranses). Nakuha noong 5 Abril 2024.
  57. Corripio, Grupo de medios (29 Hulyo 2004). "Intentan secuestrar reina de belleza". Hoy Digital (sa wikang Kastila). Nakuha noong 5 Abril 2024.
  58. "I'm an unwed mother, says Miss United Kingdom". New Straits Times (sa wikang Ingles). 14 Setyembre 1974. p. 15. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
  59. Mubuyaeta, Mukwiza (24 Marso 2021). "Trailblazer & Provocateur: The first Miss Zambia". Lusaka Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 5 Abril 2024.
  60. Byramji, Nancy (19 Nobyembre 1974). "Colder in London without mum's curry". The Straits Times (sa wikang Ingles). p. 6. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
  61. "Unmarried Welsh mother is Miss World '74". New Nation (sa wikang Ingles). 23 Nobyembre 1974. p. 6. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
  62. "Evelyn's weighting to be Miss World". Evening Times (sa wikang Ingles). 9 Nobyembre 1974. p. 26. Nakuha noong 6 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
  63. "Anneline: An 'aye' for her country's policies". The Straits Times (sa wikang Ingles). 30 Nobyembre 1974. p. 6. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]