Pumunta sa nilalaman

Kalye Victorino Mapa

Mga koordinado: 14°35′57″N 121°1′1″E / 14.59917°N 121.01694°E / 14.59917; 121.01694
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Kalye Victorino Mapa
Victorino Mapa Street
Impormasyon sa ruta
Haba1.6 km (1.0 mi)
Bahagi ng
  • R-5 R-5
  • N141 (P. Sanchez - Valenzuela)
  • N183 (Valenzuela - Magsaysay)
Pangunahing daanan
Dulo sa hilaga N180 (Bulebar Magsaysay)
 
  • Old Santa Mesa Road
  • N141 (Kalye Valenzuela)
  • N141 (Kalye Padre Sanchez)
Dulo sa timogKalye Pat Antonio
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Kalye Victorino Mapa (Ingles: Victorino Mapa Street, na kilala rin sa maikling pangalan na Kalye V. Mapa, ay ang pangunahing daang mula hilaga pa-timog ng distrito ng Santa Mesa sa Maynila, ang kabesera ng Pilipinas. Ang kalye, kung isasama ang ekstensyon nito sa silangan, ay may kalakip na haba na 1.6 kilometro (1 milya) mula sa panulukan nito sa Bulebar Magsaysay sa hilaga hanggang sa Kalye Pat Antonio sa timog-silangan sa tabi ng Ilog San Juan na nagsisilbing hangganan sa pagitan ng distrito at San Juan/Mandaluyong. Isang bahagi ng kalye, mula Bulebar Magsaysay hanggang Kalye Padre Sanchez, ay bumubuo sa bahagi ng Daang Radyal Blg. 5 (R-5) ng sistema ng pinagsamang daang arteryal ng Maynila.

Isa ang Kalye V. Mapa (dating "Calle Buenavista") sa mga pinakaunang kalye na inilatag ng mga Kastila sa dating pueblo (distrito ngayon) ng Santa Mesa. Matatagpuan rito noon ang dating Sociedad de Tiro al Blanco (Manila Gun Club) na matatagpuan malapit sa panulukan ng Calle Valenzuela. Pinahaba ang kalye pa-hilaga mula Calle Santa Mesa (ngayon ay Lumang Daang Santa Mesa) patungo sa bagong bulebar na itinayo noon sa panahon ng mga Amerikano. Noong 1929, ang kalye ay binigyan ng bagong pangalang Kalye Victorino Mapa (sa pamamagitan ng Republic Act 3581), mula kay Victorino Mapa, ang ikalawang punong mahistrado ng Korte Suprema ng Pilipinas.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Did you know..." Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Disyembre 2013. Nakuha noong 22 Disyembre 2013.

14°35′57″N 121°1′1″E / 14.59917°N 121.01694°E / 14.59917; 121.01694