Pumunta sa nilalaman

Bulebar Mel Lopez

Mga koordinado: 14°37′31″N 120°57′35″E / 14.62528°N 120.95972°E / 14.62528; 120.95972
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Bulebar Mel Lopez
Mel Lopez Boulevard
Daang Marcos (Marcos Road)
Bulebar Mel Lopez malapit sa Manila North Harbour Container Port
Impormasyon sa ruta
Haba6.2 km (3.9 mi)
Bahagi ng
Pangunahing daanan
Dulo sa hilaga N120 (Daang C-4) sa Navotas
 
Dulo sa timogAnda Circle sa Port Area
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodMaynila
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Bulebar Mel Lopez (Ingles: Mel Lopez Boulevard), dating tinawag na Daang Marcos (Ingles: Marcos Road), ay isang lansangang may anim hanggang sampung linya at hinahatian sa gitna at matatagpuan sa hilagang Maynila, Pilipinas. Inuugnay nito ang Abenida Recto sa San Nicolas sa Daang Palibot Blg. 4 sa Navotas sa hilaga. May haba ito na 6.2 kilometro (3.9 milya). Isa itong karugtong ng Daang Bonifacio at Bulebar Roxas (ng R-1) sa hilaga ng Ilog Pasig, at dumadaan mula hilaga-patimog sa paligid ng Manila North Port at nagsisilbi sa mga pandalampasigang komunidad ng Tondo at Navotas.

Bahagi ang lansangan ng Daang Radyal Blg. 10 ng sistema ng daang arteryal ng Kalakhang Maynila, at Pambansang Ruta Blg. 120 (N120) ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas

Itinayo ang lansangan sa lupang tinambak (reclaimed land) na tinawag na Tondo Foreshoreland, naitambak noong dekada-1950 bilang bahagi ng isang panukala ng pamahalaan na pagpapalawak at pagpapaganda ng mga pasilidad ng pantalan ng Maynila. Kalaunan, ito ang naging resettlement site para sa libu-libong mahihirap na pamilyang urban na ginawang isa sa mga pinakamalaking pook ng mga squatter sa Timog-Silangang Asya.[1] Ang mismong daan ay itinayo sa pagitan ng 1976 at 1979 bilang bahagi ng Proyektong Manila Urban Development ng administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.[2]

Noong Enero 2017, inihain ni Lito Atienza, dating alkalde ng Maynila at kasalukuyang kinatawan ng Buhay Party-List, ang isang panukalang batas sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas na naglalayong palitan ang pangalan ng Daang Marcos sa Mayor Gemiliano Lopez Boulevard (Bulebar Mayor Germiliano Lopez), bilang pagkilala sa yumaong alkalde ng Maynila na si Mel Lopez.[3] Noong Abril 2019, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Batas Republika Blg. 11280 na opisyal na binabago ang pangalan ng lansangan sa Mel Lopez Boulevard.[4][5]

Nagsisimula ang Bulebar Mel Lopez sa Anda Circle sa sangandaan ng Abenida Andres Soriano bilang karugtong ng Daang Bonifacio (dating Calle Malecón) sa Pantalan ng Maynila. Tatawid ito sa Ilog Pasig sa pamamagitan ng Tulay ng Roxas at tutumbukin nito ang Abenida Recto sa San Nicolas. Tutungo ito pahilagang-kanluran patungong Pier 4 ng Hilagang Daungan ng Maynila bago bumaluktot pahilaga papuntang Moriones at Don Bosco sa Tondo. Dadaan ito sa silangan ng buong terminal complex ng Hilagang Pantalan ng Maynila at aalis ng Baryo Magsaysay papuntang Baryo Vitas paglampas ng Kalye Capulong. Mamaya, tatawid ito sa ibabaw ng sapang Estero de Vitas at papasok sa pook ng Balut ng Tondo kung saan matatagpuan ang dating tambakan ng mga basura na Smokey Mountain. Nagtatapos ang lansangan sa Tulay ng Estero de Marala (Estero de Sunog Apog)

Sa hilaga ng estero, durugtong ang Bulebar Mel Lopez sa tinambak (reclaimed) na hugnayan ng pantalang pangingisda ng Navotas kalinya ng Bulebar North Bay bilang Daang Radyal Blg. 10 (Radial Road 10). Nagtatapos ang R-10 sa Tulay ng Bangkulasi sa ibabaw ng Bambang ng Bangkulasi bago lumiko ang daan pasilangan bilang Daang C-4 ng Daang Palibot Blg. 4 na tutungo pasilangan sa Malabon at Timog Caloocan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Case Study: Zoto and the twice-told story of Philippine community organizing". University of the Philippines Diliman. Nakuha noong 18 Disyembre 2013.
  2. "Presidential Decree No. 931". The Lawphil Project. Nakuha noong 18 Disyembre 2013.
  3. "House Bill No. 4737" (PDF). House of Representatives of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 16 Pebrero 2017. Nakuha noong 15 Pebrero 2017.
  4. "Road in Manila renamed to honor late sportsman and politician Mel Lopez". BusinessWorld. 20 Mayo 2019. Nakuha noong 31 Hulyo 2019.
  5. "Republic Act No. 11280". Official Gazette (Philippines). Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Hulyo 2019. Nakuha noong 31 Hulyo 2019.

14°37′31″N 120°57′35″E / 14.62528°N 120.95972°E / 14.62528; 120.95972