Pumunta sa nilalaman

Yakgwa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Yakgwa
Ibang tawagGwajul
UriYumil-gwa
LugarKorea
Kaugnay na lutuinLutuing Koreano
Pangunahing SangkapHarinang trigo, hani, langis ng linga
Enerhiya ng pagkain
(per 1 paghain)
67.5 kcal (283 kJ)[1]
Pangalang Koreano
Hangul약과
Hanja藥菓
Binagong Romanisasyonyakgwa
McCune–Reischaueryakkwa
IPAjak̚.k͈wa

Ang yakgwa (약과; 藥菓) na tinatawag ding gwajul (과줄) ay isang pritong-lubog, de-trigong hangwa (Koreanong kumpites) na gawa sa hani, cheongju (alak-bigas), langis ng linga, at katas ng luya.[2] Ayon sa tradisyon, inihain ang minatamis sa jesa (seremonya ng ninuno) at tinatamasa sa mga araw ng kapistahan tulad ng chuseok (pista ng pag-aani), kasalan, o selebrasyon ng hwangap (ikaanimnapung kaarawan).[2][3][4] Sa modernong Timog Korea, inihahain ito bilang panghimagas at maaaring bilhin sa mga tradisyonal na merkado o sa mga supermarket.[5][6]

Nangangahulugan ang yakgwa (약과; 藥菓), na binubuo ng dalawang pantig, yak (; ; "gamot") at gwa (; ; "kumpites"), ng "medisinal na kumpites".[7] Hango ang pangalan sa napakaraming hani na ginagamit sa paghahanda nito,[4][8] dahil itinuring na nakapagpapagaling ang hani ng mga pre-modernong Koreano kaya pinangalang yak ("gamot") ang mga de-haning pagkain.[7]

Mahaba ang kasaysayan ng pagkaing yakgwa. Inihanda ito para sa mga ritwal ng Budismo noong panahon ng Huling Silla (668–935).[9] Sumikat ito noong Dinastiyang Goryeo at tinamasa ng mga maharlikang pamilya, aristokrata, templo, at pribadong bahay.[10] Noong panahong Goryeo (918–1392), ginamit ang yakgwa sa pyebaek (pormal na pagbati) sa kasalan ng mga Haring Goryeo at prinsesang Yuan.[11]

Dati, hinubog ang mga yakgwa sa hugis ng mga ibon at hayop, ngunit pinapatag ito sa kalaunan para mas madaling ipagpatung-patong noong panahong Joseon (1392–1897).[11] Nagpapahiwatig ang bawat padron ng kahilingan; kumakatawan ang paru-paro sa magaliyang pag-aasawa, nagdadala ang paniki ng swerte, at sumisimbolo ang mga puno ng pino ng simula ng bagong taon. Iimprenta ang lotus para sa pagkakasundo at granada para sa pag-aanak. Pagkatapos, sa Kahariang Joseon, pinasimple ang hugis sa isang globo. Subalit hindi naging angkop ang mga bola sa pagtatanghal sa mesa para sa mga ritwal ng ninuno. Kaya naging kubo ito. Sa bandang huli, inistilo ang yakgwa sa kasalukuyang hugis nito, bilog na may pakurba-kurbang gilid.[12]

Sa pre-modernong Korea, tinamasa ang yakgwa ng mga mayayaman, dahil bihira at pinahahalagahang sangkap ang trigo noon, at mataas din ang pagtingin sa hani.[5] Ngayon karaniwan ang paghahain ng yakgwa kasama ng tsaa, ngunit maaari ring iregalo sa mga espesyal na okasyon.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Yakgwa" 약과. Korean Food Foundation (sa wikang Koreano). Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-08-19. Nakuha noong 19 Agosto 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Goldstein, Darra, pat. (2015). The Oxford Companion to Sugar and Sweets [Ang Kompanyerong Oxford sa Asukal at Mga Minatamis] (sa wikang Ingles). New York: Oxford University Press. p. 385. ISBN 978-0-19-931339-6. Nakuha noong 19 Agosto 2017.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Yakgwa" 약과. Doopedia (sa wikang Koreano). Doosan Corporation. Nakuha noong 24 Mayo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Roufs, Timothy G.; Roufs, Kathleen Smyth (2014). Sweet Treats around the World: An Encyclopedia of Food and Culture [Mga Minatamis sa Buong Mundo: Isang Ensiklopedya ng Pagkain at Kultura] (sa wikang Ingles). ABC-CLIO. p. 213. ISBN 978-1-61069-220-5. Nakuha noong 24 Mayo 2015.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 Yeon, Dana (3 Pebrero 2011). "Traditional Korean Cookie Delights". The Chosun Ilbo (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Agosto 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Korea Tourism Organization (23 Disyembre 2015). "A Bite of Sweetness! Korean Desserts" [Isang Kagat ng Tamis! Mga Koreanong Panghimagas]. Stripes Korea (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Agosto 2017. Nakuha noong 19 Agosto 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 Wood, Alecia (29 Hunyo 2016). ""Fairy floss with butterscotch, caramel and vanilla": meet the exciting single-flower honeys of Australia". SBS. Nakuha noong 19 Agosto 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 염, 초애. "Yakgwa" 약과. Encyclopedia of Korean Culture (sa wikang Koreano). Academy of Korean Studies. Nakuha noong 19 Agosto 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Hangwa[Korean Sweets]". Korean Food Foundation. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Agosto 2017. Nakuha noong 25 Mayo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "약과". terms.naver.com (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2021-06-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. 11.0 11.1 Yoon, Seo-seok (2008). Festive Occasions: The Customs in Korea [Mga Maligayang Okasyon: Ang Mga Gawi sa Korea] (sa wikang Ingles). Seoul: Ewha Womans University Press. pp. 122–123. ISBN 9788973007813. Nakuha noong 19 Agosto 2017.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Hyun-gi, Noh (19 Enero 2012). "Art and history of 'hangwa" [Sining at kasaysayan ng 'hangwa]. The Korea Times (sa wikang Ingles).{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)