Pumunta sa nilalaman

Wikipedia:Kapihan/Arkibo 8

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Archive Isang arkibo ang pahinang ito. Paki-usap, huwag baguhin ang nilalaman nito.. Ilagay ang mga bagong komento sa kasalukuyang pahina ng usapan.

Pagsasalin sa BetaWiki

[baguhin ang wikitext]

(Dahil kumplikado ang mensahe, ang mensaheng ito ay nasa Ingles. Maaaring mag-iwan ng komento sa Tagalog kung nais niyo.)

In an attempt to unify the various Tagalog translations used on all current and future Wikimedia projects, I decided to start translating on BetaWiki. So far, 369 messages (and counting) have been successfully translated. However, there are a few discrepancies with regard to translation, as well as a lot of changes, so take note carefully:

  • English translations have been completely eliminated. This means that the BetaWiki translation for "Upload file" is Magkarga ng talaksan and not Magkarga ng talaksan (file). Those having difficulty in understanding can be referred to a glossary of terms that we can make as a help page.
  • Translations taken from both the Tagalog Wikipedia and the Tagalog Wiktionary, the two Wikimedia projects with the most complete Tagalog translations for their interfaces, will be used. Both sets of registers will be merged, resulting in a unified translation. However, this will mean that some messages will be changed when the other is used, or it will result in a completely new message.
  • New technical terms will be introduced. Unless we reconcile with the Philippine free-software community about technical terms, some terms are not just grammatically but also lexically and conceptually incorrect, and as such will be replaced with the following terms:
    • Database: talaan (table, Debian translation) has been replaced with kalipunan ng datos ("data repository", see Spanish base de datos). A database is not a mere table of information, but it is a repository of easily-accessible information.h
      • From this, you can get aliping kalipunan ng datos (database slave) and pinunong kalipunan ng datos (database master)
    • Install: iluklok (install as in "Iniluklok si Arroyo bilang pangulo") has been replaced with instala (Spanish, install as in "Nag-instala kami ng mga ilaw"). See the English-Tagalog Dictionary (Fr. English).
    • Cache: baunan (Sagalongos). Derived from this is ibaon (to cache).
    • Browse: basa-basahin (Fr. English). Derived from this is pambasa-basa (browser, so "pambasa-basang Internet" would be "Internet browser"). Unless you want nabigador (Spanish-derived).
    • Server: serbidor (Fr. English)
    • Cookie: kuki (Sagalongos)
    • IP address: direksyong IP (Spanish-derived)

If you have any additions or suggestions, please say them! --Sky Harbor 03:54, 5 Enero 2008 (UTC)[tugon]

Mabuting pagsasalin! -- Felipe Aira 09:14, 5 Enero 2008 (UTC)[tugon]
Para sa bagong teknikal na mga termino, kailangan nating magbanggit ng sanggunian. Kung maisasalin pa ito sa mas mauunawaan ng mga ordinaryong nagsasalita ng Tagalog, mas mabuti. Katulad ng salin ng random page, imbis na "artikulong walang-pili" naging "pumili ng alin mang artikulo". Kung masyadong tayong nababahala sa mga teknikal na terminong na naka-panaklong ang salin mula sa Ingles katulad ng "Magkarga ng talaksan (file)", maganda ang gumawa ng glosaryo ngunit kailangang lagi nakikita ang link nito (siguro nakalathala sa MediaWiki:Sitenotice). Pero practice na ng ibang mga manunulat ng mga Tagalog ang ilagay sa loob panaklong ang salin mula sa Ingles. Nakita ko ang ganitong istilo sa mga libro ni Zaide. Personally, mas pabor ako sa mga terminong madaling intindihin. --Jojit (usapan) 02:51, 7 Enero 2008 (UTC)[tugon]
Kahit na, kailangan natin ng konsistensi. Dito lang sa Tagalog Wikipedia ang kaisa-isang Wikipedia na kailangan pa ng Ingles na salin sa interface ng katutubong wika. Hindi ito matatagpuan sa ibang Wikipedia kundi sa dito at baka lang sa ibang mga Wikipedia sa mga wikang Pilipino. Mahiya naman tayo sa ating sarili: tayo ay nagiging biktima ng Taglish na pag-iisip ng sambayanan at ng KWF. Oo, kailangan na madaling gamitin ang Wikipedia para sa mga nagbibisita, pero kailangan pa ba nating tumaliwas sa karaniwan? --Sky Harbor 11:18, 7 Enero 2008 (UTC)[tugon]
Para sa akin, ok lang naman tanggaling ang Ingles na salin at maganda rin naman ang suhestyon mo na lumikha ng isang glosaryo. Nabanggit ko lang ang ibang practice ng ibang manunulat, para lamang ikumpara. Ngunit ganito pa rin dapat ang patakaran sa pagsalin:
  1. Kailangang may sanggunian ang teknikal na terminong hindi pamilyar. Hindi dapat tayo mag-imbento ng bagong termino dahil hindi tayo mga eksperto. At kahit pa siguro eksperto tayo, kailangan pa rin magbigay ng sanggunian dahil ganoon din ang ginagawa sa ibang proyekto ng Wikipedia, partikular ang Ingles na Wikipedia. Tingnan en:Wikipedia:Verifiability.
  2. Kung walang maibigay na sanggunian sa mga hindi pamilyar na mga teknikal na termino, ipapanatili ang Ingles na termino. Sang-ayon po sa KWF, acceptable ang paggamit ng wikang banyaga, kung hindi ito maisasalin sa katutubong wika. Huwag po nating balewalain ang KWF dahil mas may awtoridad sila kaysa sa atin. At isa pa, ito na po ang pangkalahatang kasunduan o consensus dito sa Tagalog Wikipedia, tingnan ang kaso ng United Kingdom.
  3. Gumawa ng glosaryo para sa lahat ng teknikal na termino (pamilyar man o hindi) na ginagamit sa system messages. At tiyakin na madaling makita ito ng publiko. Maaaring ilagay ito sa MediaWiki:Sitenotice.
--Jojit (usapan) 03:25, 8 Enero 2008 (UTC)[tugon]
Sa tingin ko ay hindi maipapaganap ang mga batas ng Wikipedya dito, maging ang batas laban sa mga bagong salita. Bakit? Kasi ang mga patakarang iyon ay para lamang sa mga artikulo, at sa tingin ko ay hindi na natin kailangan manangguni dahil mga salita lamang naman iyan na nasa wikang Tagalog (kaya matatagpuan sa mga talasalitaan). Problema nga lamang, totoong naging at nagiging biktima tayo, at, sana hindi, lahat ng mga Pilipino at mananagalog ng kinabukasan ng Komisyon at ng Taglish/Filipino/Englog na patuloy na sumisira sa ating panitikan. Pati na rin ang mga saling Ingles sa tabi ng mga teknikal na salita ay kailangang alisin. At hindi tamang dahilan para sa akin na dahil kakaunti lamang ang nakakaalam ng ganoong kalalalim na salita ay kailangan na nating maglagay ng mga salin, hanggang Tagalog ang salita ay maaari pa rin iyon. Paano na kung sa balang panahon mamatay na nang tuluyan ang wikang Tagalog, ang gagawin ba ng mga Wikipedista ng kinabukasan ay "Wikipedya, ang malayang ensiklopedya (Wikipedia the free encyclopedia)" na ang ating pambungad. Aba siyempre hindi! Bakit ang Latin at Esperanto hindi naman sila gumagamit ng mga saling Ingles kahit gaano pa kaluma, kalalim at kahirap-intindihin and wika, at kakaunti ang nagwiwika. At bilang isang purista, sang-ayon ako sa lahat ng sinabi ni Sky Harbor. Ating tandaan na ito ang Tagalog na Wikipedya hindi ang Taglish Wikipedia, ang freeng encyclopedia. -- Felipe Aira 10:14, 8 Enero 2008 (UTC)[tugon]
Akala ko ba kailangang consistent, kung ginagamit ang patakaran sa artikulo, dapat gamitin din sa system messages. Ang exception lang siguro ay ang mga pahina ng Usapan. Kailangan talagang may sanggunian, hindi po tayo mga eksperto sa linggwistika. Igalang po natin ang mga totoong dalubhasa. Kung matatapuan sa talasalitaan ang hindi pamilyar na salita, ibigay ang sanggunian sa pahina ng Usapan ng MediaWiki namespace. Kapag nagbigay tayo ng mga bagong salita na walang sanggunian, ito'y original research. --Jojit (usapan) 10:57, 8 Enero 2008 (UTC)[tugon]
Sana naman mareresolbahan ito. Totoo na dapat umiiwas tayo sa mga neolohismo at may sapat na sanggunian ang mga salitang ginagamit, na dapat madaling gamitin ang Wikipedia, at dapat may konsistensi tayo sa ibang mga Wikipedia. Pero dapat rin na kailangan nating panatilihin ang kalinisan ng Tagalog. Maaari man na magbago ang Tagalog, pero hindi ito magbabago kapag salat pa rin ang Tagalog sa mga salitang teknikal. Bakit kaya tayo'y nilipasan ng Malay at Indones sa kaalaman ng wika? Sana makakapagusap tayo sa isang taga-KWF tungkol dito. Pero naman, nakakahiya mula sa kanila kung sila'y nagbigay-suhestiyon na gamitin ang Taglish. --Sky Harbor 11:44, 8 Enero 2008 (UTC)[tugon]
Ito ang tinutukoy ko na sinabi ng KWF tungkol sa mga pagbaybay ng hiram na salitang teknikal: http://wika.pbwiki.com/f/ORTOPDF.pdf. Tingnan ang nakasaad sa pahina 12, Seksyon B.1. --Jojit (usapan) 12:02, 8 Enero 2008 (UTC)[tugon]
Sa anong wika? Nakakahiya naman na ginagawang pormal ng KWF ang Taglish. At iyan ay isang mungkahi sa palabaybayan na hindi pa natutupad ngayon. --Sky Harbor 12:17, 8 Enero 2008 (UTC)[tugon]
Sa kahit anumang wika. Kung teknikal na termino, madalas ang paghiram sa wikang Ingles. --Jojit (usapan) 00:27, 9 Enero 2008 (UTC)[tugon]
Marahil hindi pa napapatupad ang ortograpiyang iyan ngunit ito'y bunga ng konsultasyon sa iba't ibang sektor katulad ng mga guro at dalubhasa sa wika. (Sabi yan dito: http://wika.pbwiki.com/KWF%20Komisyon%20sa%20Wikang%20Filipino .) Samakatuwid, mabisang patakaran ito dahil maraming kasangkot na eksperto dito. At sabi rin doon na matatapos ang pinal na bersyon pagkatapos ng 2007. 2008 na ngayon, malamang may pinal na bersyon at naipapatupad na ito. --Jojit (usapan) 06:32, 9 Enero 2008 (UTC)[tugon]
Magandang Araw! makikisawsaw po. :D Ang aking mungkahi lamang po ay gamitin ang orihinal na salita kung ito ay teknikal tulad ng "Cache"...ang iba naman ay gamitin ang masAngkop na salita tulad ng sa "Install",masmainam pong gamitin ang "ikabit" o "ipasok" kaysa sa salitang "instala" na sa unang basa pa lamang ay si Judy Ann ang unang pumasok sa aking isipan. :D Salamat po! Squalluto 10:00, 20 Enero 2008 (UTC)[tugon]
Huwag sundin ang patakaran ng KWF dahil iyon ay para sa Filipino at hindi sa Tagalog. Kung susundin ang patakaran ng KWF, mababawasan ang mga mananalita ng Tagalog. Lumalabas na Filipino ang salita ng mga Tagalog dahil pinipili nila ito sa halip na Tagalog. (<---Nakarinig ka na ba ng ganitong klase ng Tagalog sa kalye, paaralan, media atbp.? Hindi ganitong Tagalog ang maririnig mo kundi ang mas natural na klase nito, Filipino.)
Una sa lahat, ang KWF ay hindi lamang para sa wikang Filipino. Nilikha ang komisyon para din sa iba't ibang wika sa Pilipinas. Ngunit maliban sa puntong iyon, kung mayroon kang maibibigay na dokumento tungkol sa opisyal na Ortograpiyang Tagalog na ginawa ng mga dalubhasa sa wika, maaari nating gamitin iyon. Kung wala, kailangan natin sundin ang Ortograpiyang Filipino ng KWF dahil unibersal ang sakop nito (i.e. nalalapat sa lahat ng wika sa Pilipinas) at ginawa ng mga eksperto. Tandaan na maraming Ortograpiya ang Tagalog, hahanapin natin iyong opisyal. --Jojit (usapan) 02:20, 22 Enero 2008 (UTC)[tugon]
Parang masyado naman nating pinagdidiinan ang salitang "Opisyal". Gusto ko lang pong ipaalala na ang wika ay hindi batay sa mga sinasabi ng mga lingwistiko kundi sa totoong binibigkas ng mga nagwiwika nito. -- Felipe Aira 10:39, 22 Enero 2008 (UTC)[tugon]
Kailangan kasi opisyal dahil kundi opisyal, hindi tayo magkakasundo kung ano ang dapat na standard o pamantayan na gamiting ortograpiya. At kung aasa lamang tayo sa mga likas na tagapagsalita, hindi tayo makakabuo ng gabay o patakaran para sa ortograpiya dito sa Tagalog na Wikipedia dahil iba't iba ang palabaybayan ng mga likas na tagapagsalita ng Tagalog. --Jojit (usapan) 11:42, 22 Enero 2008 (UTC)[tugon]
Nakasawsaw na rin naman ako...tama po si Jojit...dahil kung hindi opisyal ang ginagamit nating wika o ortograpiya,hindi na ito isang wikipedya ng Filipino/Tagalog...dahil lahat ay maaari nang gumawa ng sarili nilang wika,sariling wikang pinoy o kung anumang wika ang kanilang mabubuo...Sundin na lamang ang opisyal na patakaran dahil ito ang giginhawa sa buhay ng mga manunulat. Kung hindi tayo maninindigan sa opisyal na patakaran..parang sinabi na rin nating hindi ang BATAS ang magsasabi kung MALI ang magkaroon ng kabit kundi ang siyang nangangabit at kinakabitan. :D hehehe. Squalluto 05:03, 23 Enero 2008 (UTC)[tugon]
Magandang halimbawa! Parang ang gusto ko lamang sabihin ay hindi kailanman nangangailangan ng isang batas upang ipagbawal ang pagpatay, likas na sa tao para isipin na masama ito. Parang sa Tagalog, hindi na nangangangailangan ng mga batas upang sabihin na tama ang "Siya ay naglalakad.", at mali ang "Sina ay nangalakadan." dahil sapat na para sa isang Tagalog upang malaman ito. -- Felipe Aira 10:42, 23 Enero 2008 (UTC)[tugon]
Iluklok ba talaga o instala? Sa tingin ko ay mas mabuti kung iluklok at mas katutubo pa. -- Felipe Aira 04:14, 26 Enero 2008 (UTC)[tugon]
Sa "feed" din ay wala tayong salin, mayroon ba kayong mga mungkahi? Ito iyong feed sa "RSS Feed" at "Atom Feed". -- Felipe Aira 08:34, 26 Enero 2008 (UTC)[tugon]

(Indent reset) Hindi ako natutuwa sa mga salin ni Felipe Aira. Sa kanyang "simplipikasyon" ng mga salin, pati na ang tuntunin ng balarila ay binabaliwala! Mas grabe pa ito sa mga kasalukuyang saling matatagpuan dito. Linilinis ko na ito. Kailangan natin rin ng konsultasyon sa mga dalubhasa tungkol sa balarila. --Sky Harbor 12:15, 8 Pebrero 2008 (UTC)[tugon]

Nag-ambag siya sa Pinoy Idol, ngunit marami siyang maling ginawa:

  • Naglagay siya ng interwiki na Indones, kahit na wala pang artikulo ukol dito.
  • Naglagay siya ng template para sa "Napiling Artikulo" nang walang nominasyon at konsenso.

Maidagdag ko rin na marami rin siyang mali-maling pag-ambag sa Inggles na bersyon ng nasabing artikulo, na siyang binago ko na't inireklamo na rin sa WP Tambayan. Nais ko lamang pong malaman kung ano po ang nararapat nating gawin ukol dito. Salamat. Starczamora 14:50, 5 Enero 2008 (UTC)[tugon]

Makhang mabuti naman ang kanyang mga binago sa mga artikulo, maliban na lamang ang pagdaragdag ng {{napiling artikulo}}. Inalis niya naman ang suleras na ito sa Mau Marcelo. 'Di bale hindi niya naman kailangan ng harang, sana, at mukhang makakausap pa nang maayos. -- Felipe Aira 01:02, 6 Enero 2008 (UTC)[tugon]
Nawa'y hindi na niya ulitin ang walang-habas na bandalismo upang hindi siya mabigyan ng babala. Starczamora 10:56, 6 Enero 2008 (UTC)[tugon]
Hindi na. Ang akala ko lamang naman noong una ay magiging nominado sa mga Napiling Artikulo ang aking ginawa kapag nilagay ko ang -Featured Article- sa aking ginawa. Nang kinopya ko yun sa artikulo ni Mau Marcelo, hindi ko sinasadyang mapindot ang (BAGUDHIN) at yun na nga. Pasensya na. Celester Mejia 21: 42, 6 Enero 2008 (UTC)
Kung hangad mong magharap (nominate) ng isang artikulo para ito ay maging isa Napiling Artikulo, maaari mong iharap ang artikulo rito: Wikipedia:Mga nominasyon para sa Napiling Artikulo at Larawan. Kung mayroon ka pang iba mga tanong maaari mo akong tanungin nang personal sa aking usapan. (pindutin yung "Aira" sa aking lagda) -- Felipe Aira 11:43, 6 Enero 2008 (UTC)[tugon]

Mga Litrato Sa Tagalog Wikipedia ng MariMar

[baguhin ang wikitext]

Ako po ang nag-ambag ng mga larawan nakasaad sa Tagalog Wikipedia ng MariMar. Hindi ko po alam kung paano mabago ang lisensya ng paggamit ng litrato ng hindi ito nabubura. Paano ko ito mababago, kasama na ang pagbago ng gamit ng larawan. Salamat. Celester Mejia 14:09, 6 Enero 2008

Kung gusto mo ako na lamang ang magbabago. -- Felipe Aira 09:13, 6 Enero 2008 (UTC)[tugon]
Pinalitan ko na. -- Felipe Aira 09:52, 6 Enero 2008 (UTC)[tugon]
Salamat! (ö,) Celester Mejia 20:45, 6 Enero 2008

Bagong suleras

[baguhin ang wikitext]

Mga tagapangasiwa mayroon pangkat (kategorya) na sa tingin ko ay dapat iragdag sa inyong mga binabantayan: category:Mga pahinang minungkahing burahin

Ay oo nga pala hindi lamang ga tagapangasiwa ang inaanyayahan ko. Lahat kayo! Parang en:WP:AfD ang magiging halaga nito. Kaya please! Kung maaari lamang ay mabura na ang mga iyon dahil sa tingin ko ay kailangan na. -- Felipe Aira 11:04, 13 Enero 2008 (UTC)[tugon]

Katanungan sa Infobox

[baguhin ang wikitext]

Gumawa ako ng infobox para sa artikulo ng Haribon ngunit hindi lumalabas ang litrato ng agila. Binalik ko na lamang sa "Hidden comment" ang taxobox_image na parte ng taxobox. --Lenticel 12:33, 11 Enero 2008 (UTC)[tugon]

Inayos ko na ang problema. -- Felipe Aira 12:37, 11 Enero 2008 (UTC)[tugon]
Salamat sa mabilis na pag-aksyon--Lenticel 12:54, 11 Enero 2008 (UTC)[tugon]

Katanungan sa Kategorya

[baguhin ang wikitext]

gumawa ako ng kategoryang "Category:Mga karakter ng Marvel Comics". Naging sub-kategorya ito ng "Category:Mga karakter" ngunit hindi ng "Category:Komiks". Pareho ko namang inilagay sa pahina ng "Category:Mga karakter ng Marvel Comics" ang parehong kategorya.--Lenticel 22:52, 12 Enero 2008 (UTC)[tugon]

Inayos ko na rin. Ang ginawa ko ay nilagyan ko nito. [[Category:Komiks|*]] -- Felipe Aira 07:54, 13 Enero 2008 (UTC)[tugon]
Salamat muli. Marami talagang kailangang ayusin sa Wikipedya na ito.--Lenticel (usapan) 00:06, 14 Enero 2008 (UTC)[tugon]

Bagong nominasyon sa pagka-Tagapangasiwa

[baguhin ang wikitext]

Ninomina ni Estudyante si Felipe Aira sa pagka-Tagapangasiwa. Maaaring tingnan ang nominasyon at bumoto dito. --Sky Harbor 06:11, 13 Enero 2008 (UTC)[tugon]

Tingnan niyo itong mga artikulong ito: Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Marikina, Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Lungsod Quezon at Mataas na Paaralang Nasyonal na Pang-Agham ng Rizal. Pansinin niyong sinasama roon ang isang talaan ng mga guro. Kailangan pa ba nating isama sila? Sa tingin ko hindi, maliban na lamang sa mga opisyales, kasi hindi naman sila tanyag en:WP:Notability. Kung oo naman na kailangan natin silang isama, isasama ko rin ang isang talaan ng mga guro sa RC. Pero talagang sa tingin ko ay hindi. -- Felipe Aira 11:04, 13 Enero 2008 (UTC)[tugon]

Dapat tanggalin ang mga listahan ng guro. Hindi sila tanyag at maaari ring mapalitan ng walang pasabi.--Lenticel (usapan) 02:23, 15 Enero 2008 (UTC)[tugon]
Tinanggal ko na maliban sa Mataas na Paaralang Nasyonal na Pang-Agham ng Rizal. --Jojit (usapan) 06:27, 15 Enero 2008 (UTC)[tugon]

Malawakang pagbura

[baguhin ang wikitext]

Kagaya ng mga naunang puna rito, ang dami (bilang) ng ating mga artikulo ay lubha ngang lumaki. Ngunit ang mga "artikulong" bagong ito ay walang kaalamang ibinibigay o useless at pandagdag lamang ng estadistika. Kayo ako -- Felipe Aira 11:54, 17 Enero 2008 (UTC) -- ay nagmumungkahi ng malawakan at mabilisang pagbura sa lahat ng mga artikulong ginawa nina Wikiboost at iba pang manggagamit na gumawa ng mga artikulong kagaya ng mga ginawa niyang isang pangungusap lamang ang laman, na hindi nabago o napahaba matapos ang isang linggo ng pagtatapos ng botohan para sa mungkahing ito. Minumungkahi ko ring itakda ang pagsasara ng usaping ito isang buwan pagkatapos ng araw na ito. -- Felipe Aira 11:54, 17 Enero 2008 (UTC)[tugon]

Sinabihan ko na ang Tambayan sa Ingles na Wikipedya upang malaman ang opinyon nila.--Lenticel (usapan) 12:09, 18 Enero 2008 (UTC)[tugon]
Kung gusto nyong burahin ang mga artikulong ginawa ko, sige gawin nyo pero dapat rebyuhin nyo lahat ng artikulong ginawa mula Disyembre 2003 at hindi mula noong nagsimula akong sumali sa wikipedia. --Wikiboost
Hindi lahat ng tao dito ay sang-ayon o tutol sa malawakang pagbura. Bilang isa sa mga user na gumawa ng mga stubs na ito, dapat ay magsabi ka rin ng iyong kuru-kuro upang maayos natin ang poblemang ito.--Lenticel (usapan) 06:40, 19 Enero 2008 (UTC)[tugon]

Sang-ayon(1)

[baguhin ang wikitext]
  1. Para sa mas mataas na kalidad ng Wikipedya! Nangako rin si Emir na siya ay magbabalik kapag nawala na ang mga artikulong iyon nang kami ay nagchat. -- Felipe Aira 11:54, 17 Enero 2008 (UTC)[tugon]
  2. Labis akong sumasaang-ayon sa mungkahing ito. Maari ko na bang simulang ng kategoryang mabilisang pagbura? Mananaliksik 01:01, 18 Enero 2008 (UTC)[tugon]
  3. Sang-ayon Maibalik ang kalidad ng Wikipedia! (Mahirap mag-isa sa isang krusada.) - Emir214 12:14, 18 Enero 2008 (UTC) Tignan sa ilalim.[tugon]
Tutol. Mas mabuti na palawakin ang mga artikulong ito imbes na burahin. 58.71.27.88 13:40, 18 Enero 2008 (UTC)[tugon]
  1. Tutol Ayon sa itaas. Ito dapat ang pakay ng aking mungkahi sa pag-impruba ng kalidad. Nakakasama hindi lamang sa Wikipedia kundi rin sa mga nag-ambag ng mga artikulong iyon na binabaliwala natin ang kanilang mga kontribusyon. --Sky Harbor 23:36, 18 Enero 2008 (UTC)[tugon]
  2. Ayoko nga. Ang hirap kayang gawin yun. Hindi po ako bot, taong-tao ako. Manual kong pinasok yan. Willing akong i-recategorized ang mga ginawa ko, just like yun sinabi sa akin ni Lenticel at i-improve na rin. -Booster Gold 08:34, 19 Enero 2008 (UTC)[tugon]
  3. Tutol. Dapat igalang ang kontribusyon ng bawat nilalang. - Auto007 01:15, 20 Enero 2008 (UTC)[tugon]
  4. Tutol. Hindi ko na nagugustuhan ang palakad dito sa Tagalog Wikipedia lalo na nang pinaghihinalaan pa akong si User:Wikiboost na mahirap patunayan sa pamamagitan lamang ng pasilip sa IP Address. Kung nais nilang simulan ang proyektong ito, ako ay hindi magsasayang ng aking oras para lamang sa paghanap at pagtukoy ng artikulong buburahin. Sila na lang. Mas gusto ko pang palawagin ang mga artikulong nagawa na tulad ng mga kilalang personalidad at kilalang mga lugar sa mundo. --Exec8 03:16, 20 Enero 2008 (UTC)[tugon]
  5. Tutol. Sang-ayon ako sa mungkahing palawigin na lamang ang mga artikulo. Nagagawa nila ang pagbubura sa wikipedyang Ingles dahil malaki na ang komunidad...kumbaga kung sakaling may maikling artikulong naiambag,maraming manggagamit ang maaaring magpalawak sa nasabing artikulo sa loob ng kaunting panahon at kung sakaling hindi ito mapalawak,ibig sabihin ay hindi importante ang artikulo. Sa kaso ng ating Tagalog Wikipedya,kakaunti lamang tayo rito kung kaya't subukan na lamang nating palawakin ang mga ito...sa bilis ng ating makakaya. :D Squalluto 09:13, 20 Enero 2008 (UTC)[tugon]
  6. Tutol. Siguro nga tamang palawigin na lamang ang mga artikulo, naging batayan ko lamang sa una kong desisyon ay ang mga nakikita ko noong mga artikulong binura/inalis ni Bluemask noong bago-bago pa lang ako dito. Maraming mga artikulo noon ang binura dahil sa kakulangan at iisa lang ang pangungusap ng mga iyon. Palagay ko maganda nga ang mga mungkahi sa ibaba. Mananaliksik 01:20, 24 Enero 2008 (UTC)[tugon]
  7. Tutol. Binago ko ang boto ko dahil alam kong hindi magtatagumpay ang malawakang pambura dahil maaari pang palawigin ang mga artikulong ito at isali sa Wikipedia:Paggawa at Pagsasaayos ng mga Artikulo. Kayo na ang bahala kung gusto niyo o hindi. Iminungkahi ko rin ang aspektong ito kay User:Felipe Aira sa aming chat:

- Emir214 11:27, 19 Enero 2008 (UTC)[tugon]

  1. Dapat lamang, pero imposible naman yata iyon. Kalahati ng mga artikulo natin ay mga ganoon. -- Felipe Aira

Iniisip ko na masyadong "madali" kung buburahin na lang natin basta-basta ang mga stubs. Oo, makalat at walang kalidad ang mga artikulong ito pero hindi iyon dahilan para magbura. Mungkahi ko ay isang "selective ban" sa mga gumawa ng mga stubs na ito. Dapat silang pagbawalan sa paggawa ng mga bagong artikulo hangga't 50% o higit pang mga dati nilang ginawa na mga artikulo ay walang sanggunian at hindi umaabot sa "Start" o "B" na kalidad. Dapat silang magkaroon ng responsibilidad sa mga ginagawa nila.

Sa totoo lang hindi ako makapag-ambag ng mabuti (maliban sa mga hindi kaaya-aya na stubs) dito sa tl kasi may poblema ata ang template:cite news at wala tayong Wikipedia:Cite sources para turuan ang mga user ng wastong pag-ayos ng mga sanggunian ng mga artikulo :(--Lenticel (usapan) 01:24, 18 Enero 2008 (UTC)[tugon]


Bagama't sang-ayon ako sa mas mataas na kalidad ng mga artikulo dito sa Tagalog na Wikipedia, hindi maaaring maging kandidato ng mabilisang pagbura (speedy deletion) ang mga artikulong ginawa ng mga mala-bot na mga tagagamit. Hindi pasado ang mga artikulong ito sa pamantayan ng mabilisang pagbura (tingnan en:Wikipedia:Criteria for speedy deletion). Bilang isang tagapangasiwa, hindi ko binubura ang mga ito dahil sa patakarang iyon. Paano ko nasabing hindi nakapasa? May konteksto at may nilalaman ang mga ito. Mayroong mga ganitong katulad na isang pangungusap na artikulo sa Ingles na Wikipedia (tingnan (en:Upper Affcot o en:Myklebostad, Tjeldsund) na kanilang pinapahintulot. Para maresolba ito, ang pwede nating gawin ay lagyan ng mga notability at unreferenced tags ang mga ito (katulad ng ginawa sa en:Walmu at en:River Dove, Suffolk). O kaya, imbis na mabilisang pagbura, maaaring gamitin ang Template:afd, kung hindi ito papasa sa pagiging notable o kung may significance. Pero kung AFD (articles for deletion), kailangang isa-isa itong pag-usapan kung buburahin at hindi malawakan (halimbawa Wikipedia:Mga artikulong buburahin/Michael Charleston Chua). --Jojit (usapan) 02:48, 18 Enero 2008 (UTC)[tugon]

Tama ba itong aking pagkakaalam (medyo may katagalan na kasi akong hindi nakakapaglagda dito sa Wikipedia) na sa Ingles na bersyon nito ay binubura agad nila ang mga pahina/artikulo na kulang o hindi sapat ang dami ng pangkabatirang nakasulat dito. Pakipayuhan ako. Salamat. Mananaliksik 01:57, 19 Enero 2008 (UTC)[tugon]

Sagot kay Jojit Malamang hindi ito eligible para sa mabilisang pagbura (ngunit naniniwala akong ang mga ito ay totoong mga kandidato sa mabilisang pagbura), pero maging eligible man o hindi kung makapagbibigay ng sang-ayunan ang mungkahing ito burahin nang malawakan ang mga artikulong iyon ay maaari nang gawin iyon, at isawalambahala ang mga patakaran. Ito ay dahil ang pamayanan naman ang mayroong hangad nito, at para ito sa interes ng pamayanan. Dahil sa tingin ko ay mas malakas ang awtoridad at kapangyarihan ng pamayanan kaysa sa mga batas na mismong ang pamayanan ang may-akda. -- Felipe Aira 02:56, 19 Enero 2008 (UTC)[tugon]
Sagot kay Mananaliksik Oo nga sa tingin ko ay buburahin nga ng mga Wikipedistang Ingles ang mga artikulong iyon kung ito ay nangyari sa kanilang wiki. -- Felipe Aira 02:56, 19 Enero 2008 (UTC)[tugon]
Sagot kay Lenticel Selective ban ba? Ang magiging batayan ng isang pagbabawal (ban) ay kung gumagawa sila ng malakang bandalismong sa tingin ko ay totoong ginagawa nila. Kaya kung pagbabawalan natin sila nangangahulugan lamang iyong ang mga gawa nila ay bandalismo at dahil bandlismo ang mga ito kailangan itong burahin. 'Di ba? -- Felipe Aira 03:33, 19 Enero 2008 (UTC)[tugon]
Ayon sa Ingles na depinisyon ng partial ban o sa aking bersyon ay selective ban: partial bans are sometimes used when a user's disruptive activities are limited to a specific page or subject matter. Sabi lamang dito ay disruptive, hindi bandalsimo. Minsan, may mga editor na nagsusulat sa wikipedia "in good faith" ngunit talagang nakakasama sa proyekto, yun ang "disruptive". Sa mga users na gusto lamang manggulo, yun ang tinatawag na bandalismo. Ang mga nagparami ng artikulo sa Tagalog wikipedia ay maari nating tawaging disruptive at hindi vandals. Ang ban ay itatakda upang hindi na sila gumawa ng bagong mga isang artikulo (at dumagdag pa sa poblemang hinaharap natin ngayon) at mag-ayos na lang ng mga dating artikulo.--Lenticel (usapan) 06:38, 19 Enero 2008 (UTC)[tugon]
Ang kailangan natin intindihin dito ay lahat ng mga ambag sa Wikipedia ay may balididad hangga't ito'y itinuring na wala. Ano kaya ang pakay ng mungkahi na ito? May insentibo ba ang mga may-akda ng mga artikulong iyon na imprubahin ang kanilang mga artikulo kung ito ang ginagawa natin: na binabaliwala natin ang mga ambag nina Wikiboost atbp.? Ano ba ang insentibo sa kanila na puwersahan nating pinapabago ang kanilang mga artikulo at magkaroon ng mas mataas na pananagutan sa kanilang mga artikulong inilikha? Paano ba silang magbabago ng kanilang mga artikulo kung tayo man, sa botohang ito, ay may-sala rin sa 'di pagbibigay-halaga sa kalidad imbis sa kantidad? Hindi lang sina Wikiboost atbp. ang may-sala dito, kundi lahat tayo. Nawawala lamang ang diwa ng Wikipedia sa botohang ito. Respetuhin naman natin ang mga ambag nila. --Sky Harbor 08:22, 19 Enero 2008 (UTC)[tugon]
ad hominem yang mungkahi mo Sky. Hindi ibig sabihin na dahil hindi maganda ang mga edits natin ay wala na tayong karapatang magpuna ng pagkakamali ng iba. Ang mungkahi kong ban ay hindi upang parusahan sina Wikiboost atbp ngunit pampigil sa mga bagong artikulo na magdadagdag lang ng poblema. Tungkol naman sa insentibo, wala naman talagang insentibo ang kahit sinong Wikipedista dito (wala namang sisikat sa atin dahil sa Wiki at hindi rin naman ako magkakahanap ng kasintahan dito). Ang mungkahi kong ban ay makatutulong din sa mga nagparami ng mga artikulo na maintindihan ang kalagayan ng mga nagpapaunlad ng kalidad ng mga artikulo.--Lenticel (usapan) 08:52, 19 Enero 2008 (UTC)[tugon]
Ang mungkahi ko (na nasa itaas) ay ad hominem? Baka komento ko. Pero, kahit na. Ang ibig kong sabihin sa insentibo ay may insentibo ba silang magbago (o bumalik sa Wikipedia, kung ganun) kung parang panig nila ay sila'y pinaparusahan at parang binabaliwala ang kanilang mga ambag. Tingnan naman natin ang ito mula sa haka-haka nila. Kung ako ay mamimimili ng anumang kontrobersiya sa anumang Wikipedia na nag-abot ng ganitong baitang, pipiliin ko ang pagharang kay Emir214 sa Wikipediang Ingles. Gulo na nga ang problema, at ngayon, may kaguluhan na tungkol sa mungkahing ito. Anong solusyon ba ang bubunga ba sa pagbura ng mga artikulo nila? Wala! Tingnan mo nga ang sagot ni Wikiboost: parang nais na niyang umalis pagkatapos burahin ang kanyang mga ambag. Kaya nasaan ang insentibo na baguhin ang kanilang mga inilikha kung ang tingin nila ay parang tinatratuhan sila nang wala ng pamayanan? Kahit kung ako'y tumututol sa mungkahi ni Felipe Aira, nais ko pa rin maging tagapamagitan ng mga mag-aaway na kampo dito. --Sky Harbor 09:22, 19 Enero 2008 (UTC)[tugon]
Hindi ko kasi alam ang Tagalog ng "comment". Pareho nating ayaw ng poblema na ito at ang malawakang pagbura, tama? Nag-bigay ako ng mungkahi na mapipigilan ang malawakang pagbura at sabay na matutulungan ng pag-unlad ng Wikipedia. Hindi parusa ang "ban" (ilang ulit ko bang sasabihin ito). Ikaw ba ano sa palagay mong dapat nating gawin? Hindi natin pwedeng hayaan na lang silang paramihin pa ang mga artikulong iisang pangungusap lang tama?--Lenticel (usapan) 10:35, 19 Enero 2008 (UTC)[tugon]
(Paumanhin sa pakikisawsaw) Totoong tamang kailangan natin silang pigilan gumawa ng mga karagdagan pang mga artikulong hindi naman nila pinopokusan. Sang-ayon ako sa ban kung itutuloy pa nila ang pagdaragdag. Pero hanggang hindi pa sila nagiging aktibo sa mga aspetong iyon, siguro huwag na. Kagaya ng sinabi mo, ito ay hindi isang parusa kundi pamigil. Muli sinasabi ko sa inyong ang mga artikulo ay para magbigay-alam hindi magdagdag ng estadistika. Ngayon nagbibigay-alam ba ang mga artikulong iyon? 'Di ba hindi? Kaya kailangan nating burahin ang mga iyon. -- Felipe Aira 10:48, 19 Enero 2008 (UTC)[tugon]
Sagot kay Lenticel sa itaas Mapanira (disruptive) man o bandalismo isa lamang iyon; hindi ito nakakaganda sa Wikipedya. Kaya, gaya ng mga bandalismo, kailangan na itong burahin. -- Felipe Aira 10:51, 19 Enero 2008 (UTC)[tugon]