Pumunta sa nilalaman

Toga

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Estatwa ng Emperador Tiberius na nagpapakita ng nakabalot na toga noong ika-1 siglo AD

Ang toga /ˈtɡə/, isang natatanging damit ng sinaunang Roma, ay isang halos kalahating bilog na tela, sa pagitan ng 12 at 20 talampakan (3.7 at 6.1 m) haba, nakadikit sa balikat at sa paligid ng katawan. Karaniwan itong hinabi mula sa puting lana, at isinusuot sa ibabaw ng tunika. Sa tradisyon ng makasaysayang Romano, sinasabing ito ang pinaburan na damit ni Romulus, tagapagtatag ng Roma; napagtantuan ding orihinal na isinusuot ng parehong kasarian, at ng mamamayan-militar. Habang unti-unting pinaburan ng kababaihang Romano ang stola, ang toga ay kinilala bilang pormal na kasuotan para sa kalalakihang mamamayang Romano.[1] Ang mga babaeng lumalahok sa prostitusyon ay maaaring bukod sa patakarang ito.[2]

Ang uri ng toga na isinusuot ay sumasalamin sa ranggo ng isang mamamayan sa sibil na hatian ng mga uri. Pinaghigpitan ng iba't ibang mga batas at kaugalian ang paggamit nito sa mga mamamayan, na kinakailangang isuot ito para sa mga pagdiriwang pampubliko at mga tungkulinng pansibiko.

Mula sa mga maaaring pagsisimula nito bilang isang simple, praktikal na damit-pantrabaho, ang toga ay naging mas malaki, komplikado, at magastos, lalong hindi nababagay sa anupaman kundi ang pormal at seremonyal na paggamit. Ito ay at itinuturing na "pambansang kasuotan" ng sinaunang Roma; buhat nito ay mayroon itong dakilang simbolikong halaga; gayunpaman kahit sa mga Romano, mahirap itong isuot, hindi komportable at hamon na isuot nang tama, at hindi kailanman tunay na popular. Kung pinapayagan ang mga pagkakataon, ang mga may karapatan o obligadong isuot ito ay nagpapasyang magsuot ng mga mas komportable, kaswal na kasuotan. Unti-unting nawalan ito sa uso, una sa mga mamamayan ng mas mababang uri, pagkatapos ng mga nasa gitnang uri. Sa paglaon, isinusuot na lamang ito ng pinakamataas na uri para sa mga okasyong seremonyal.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Vout, Caroline, "The Myth of the Toga: Understanding the History of Roman Dress", Greece & Rome, 43, No. 2 (Oct., 1996), p. 215. Published by Cambridge University Press on behalf of The Classical Association. DOI: https://doi.org/10.1093/gr/43.2.204. (Vout cites Servius, In Aenidem, 1.281 and Nonius, 14.867L for the former wearing of togas by women other than prostitutes and adulteresses).
  2. Catharine Edwards, "Unspeakable Professions: Public Performance and Prostitution in Ancient Rome," in Roman Sexualities (Princeton University Press, 1997), pp. 81-82
[baguhin | baguhin ang wikitext]