Pumunta sa nilalaman

Timog Asya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Timog Asya
Location of South Asia
Mga Bansa7 hanggang 10 (see text)
Mga Teritoryo0, 1, o 2 (see text)
GDP (Nominal)$1.854 trilyon (2009)
GDP per capita (Nominal)$1,079 (2009)
Mga WikaAssamese/Asomiya, Balochi, Bengali, Bodo, Burmese, Dari,[1] Dhivehi, Dogri, Dzongkha, Ingles, Gujarati, Hindi, Hindko, Kannada, Kashmiri, Konkani, Maithili, Malayalam, Marathi, Manipuri, Nepali, Oriya, Pahari, Pashto, Punjabi, Sanskrit, Santhali, Sindhi, Sinhala, Saraiki, Tamil, Telugu, Tibetano, Urdu, at iba pa
Time ZonesUTC +6:30 (Burma) to UTC +3:30 (Iran)
Mga malalaking lungsodAhmedabad, Amritsar, Bangalore, Chittagong, Chennai, Cochin, Colombo, Delhi, Dhaka, Faisalabad, Hyderabad, Hyderabad, Islamabad, Jaipur, Kanpur, Karachi, Kathmandu, Kolkata, Kozhikode, Lahore, Lhasa, Lucknow, Malé, Multan, Mumbai, Patna, Peshawar, Pune, Quetta, Rawalpindi, Sukkur, Surat, Thimpu, Thiruvanathapuram, Visakhapatnam and Yangon
Köppen uuri ng klima ang mapa ng Timog Asya.

Ang Timog Asya o Katimugang Asya ay ang katimugang rehiyon ng kontinenteng Asya na binubuo ng mga bansa sa timog ng Himalaya. Naghahanggan ang Timog Asya sa Karagatang Indiyano sa timog, at sa kalupaan, nang mga rehiyon ng Kanlurang Asya, Gitnang Asya, Silangang Asya at Timog-Silangang Asya.

Iba iba ang mga pahayag ng iba't ibang mga sanggunian kung aling mga bansa ang bahagi ng rehiyon. Halimbawa, ayon sa kaurian ng rehiyong heograpikal ng UN,[2] Binubuo ang Katimugang Asya ng mga bansang Afghanistan, Bangladesh, Bhutan, India, Maldives, Nepal, Pakistan, at Sri Lanka. Subalit, binanggit ng UN ang "pagtatalaga ng mga bansa o lugar sa pagpapangkat na ito ay para sa kaayusang estatistikal at hindi nagpapakahulugan nang anumang palagay pampolitika o iba pagkakaugnay ng mga bansa o teritoryo."[3] Sa ibang katuringan, ang ibang mga bansa ay hindi bahagi ng rehiyon, at sa iba pang katuringan, ang Burma at Tibet ay ibinibilang din sa rehiyon.

Ang pangunahing relihiyon ang Hinduismo. Tinatawag ding "Land of Mysticism" dahil sa mga paniniwalang taglay ng mga relihiyon at mga pilosopiyang umusbong dito. Umusbong din dito ang mga relihiyong Buddhism, Jainism at Sikhism.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Afghanistan". The World Factbook. Central Intelligence Agency. 13 Disyembre 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Hulyo 2016. Nakuha noong 16 Pebrero 2013.
  2. "United Nations geoscheme". Millenniumindicators.un.org. 2011-09-20. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-13. Nakuha noong 2012-08-25.
  3. "Standard Country or Area Codes for Statistical Use". Millenniumindicators.un.org. Nakuha noong 2012-08-25.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.