Pumunta sa nilalaman

Tagagamit:112.210.227.238/burador

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Tinatayang nasa pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang mga wika sa daigdig, depende sa kung gaano katiyak ang pangahulugan sa "wika", o kung paano ipinag-iiba ang mga wika at mga diyalekto. Ang siyentipikong pag-aaral ng wika ay tinatawag na linggwistika Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay. Samantalang nagmula naman sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang salitang lengguwahe. Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language - tawag sa wika sa Ingles - nagmula ang salitang lengguwahe o lengwahe sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang "dila", sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang "wika" - sa malawak nitong kahulugan - ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas kadalasang mayroon.

Kasaysayan

Ang salitang Tagalog ay hinango sa salitang taga-ilog, galing sa tagá- na nangangahulugang "katutubo ng" at ilog, ibig sabihin ay mga taong naninirahan sa tabi ng ilog. Walang mga halimbawa ng Tagalog bago dumating ang mga Kastila. Sinasabi ng ilan na ito ay marahil sinunog ng mga unang paring Kastila, sapagkat sinasabing masademonyo ito. Kakaunti lamang ang kaalaman tungkol sa kasaysayan ng wikang ito. Ngunit sa haka-haka ng mga dalubhasa sa pananalita, ang mga ninuno ng mga Tagalog ay nagmula sa hilagang silangang Mindanao o sa silangang Visayas kasama ng mga kamag-anak nitong wika ng mga taga-gitnang Pilipinas.

Mga Layunin:

1. Ang wikang usaping pangkapayapaan ay wika ng pagkakasundo: ang wika ay daan tungo sa pagkakaksundo. Ang wika ay ginagamit upang gumawa ng mga batas na kailanganng sundin ng mga tao sa isang lugar . ito ay nararapat upang maisaayos ang isang lugar at panatilihin ang kapayapaan dito.


2. Ang wika ng kapasyahan ay wika ng pambansang pagkakaisa: maipagwawalang saysay ang kahalagahan ng karunungan sa pagsasalita at pagsulat ng wikang Ingles, dahil itinuturing ito na lenggwahe ng globalisasyon. Mismo ang ating pamahalaan ang nagsabi ng kahalagahan ng mahusay na paggamit ng Ingles upang tayo ay maging competitive sa buong mundo. Ginagawa natin ito sa pagitan ng patuloy na paggamit sa Ingles bilang pamamaraan ng pagtuturo sa ating mga paaralan at bilang lenggwahe ng pakikipag-ugnay sa ating mga kababayan.

Ang mahalagang katanungan sa ngayon ay kailangan pa bang ipagpatuloy natin ang hangarin sa paglinang ng Filipino bilang pambansang wika? Kung ating gugunitain, sinimulan ng Pilipinas ang pagbuo ng Tagalog o, sa kalaunan, Filipino, bilang pambansang wika noong dekada 1930 sa panahon ng pamahalaang Commonwealth. Masakit isipin na hanggang ngayon ay hindi pa tayo nakapagsang-ayon kung ano talaga ang wikang Filipino.

Samantala, ang ibang bansa na matagal pa bago magpataguyod ng paglinang ng pambansang wika ay talagang nagtagumpay sa kanilang hangarin. Sa kabuuan, ang kanilang mamamayan ay nagsasalita na ng isang lenggwahe. Ito ang karanasan ng Indonesia at Malaysia. Ang Indonesia na siyang pinakamalaking arkipelago sa buong mundo at may humigit kumulang mga isang libong lenggwahe ay makapagsasabi na ngayon na meron silang wikang pambansa, ang Bahasa Indonesia. Ito rin ang nangyari sa Malaysia. Nagtagumpay din sila sa pagbuo ng pambansang wika. Lahat na yatang mga bansa sa Asya ay meron nang ginagamit na pambansang lenggwahe, maliban sa atin.

Ang wika ay nakatali sa ating kultura at kung sino tayo. Kaya lang, ang tinatawag nating cultural identity ay malabo na rin dahil sa malawakang impluwensya ng kanluraning kultura. Kung ang lahi naman ang pag-uusapan, ang ating hitsura ay walang kaibahan sa mga tao sa Myanmar, Kampuchea, Malaysia,Indonesia, at Brunei. Kaya, ang lenggwahe lamang ang malinaw na batayan ng pagiging isang bansa natin. Kahit na ang Ingles ang lingua franca ng buong mundo, kailangan pa rin natin ang pambansang wika. Ang sariling wika lamang ang makapagpapahayag ng tunay na niloloob at mga emosyon natin. Halimbawa, iba ang magiging resulta kung ang isang nakatatawang istorya sa orihinal na wikang sarili ay isasalin at bibigkasin sa Ingles. Dagdag pa, ang pambansang wika ay makatutulong sa paglinang ng pagkakaisa at ang tinatawag na sense of belongingness. Ang nga Intsik at Hapon ay nagpapakita ng kanilang pagkakaisa at pagpapahalaga sa sarili sa pamamagitan ng pagsasalita ng kanilang wika. At sila ang mas maunlad na mga bansa kahit na hindi sila marunong ng Ingles.

Tinatanggap natin na dahil sa karunungan natin ng Ingles, libo-libong kababayan natin ang nakahahanap ng trabaho sa labas ng bansa. Kaya lang, karamihan sa mga gawain ng mga Pilipino doon ay iyong paninilbihan sa mga dayuhan. Ito ang kalagayan ng ating mga domestic helpers, caregivers, entertainer, at mga nars. Ito ba ang ideya natin sa competitivenes? Sa aking pananaw, ang tunay na pagiging competitive ay kung tayo ay magiging negosyante, kapitalista, mangangalakal, teknisyan, may-ari ng paaralan at tindahan, at tagapagbenta ng ating mga produkto sa ibang bansa.

Ang ating pambansang bayani, si Jose Rizal, ay nagpahayag ng kahalagahan ng pag-ibig sa bansa sa pamamagitan ng pagmamahal sa wikang Filipino. Sinabi pa niya na “ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, ay mas masahol pa sa malansang isda!” Hindi maituturing na makabayan ang isang tao kung ikinahihiya niya ang sariling wika. Ito ay isang bagay na dapat mapagliming mabuti ng mga kababayan natin na walang pagpapahalaga sa sariling wika, pambansa man o rehiyunal. Nakakalungkot isipin na sa kasalukuyang panahon, marami sa ating mga Pilipino ang higit na humahanga sa mga kababayan nating napakahusay magsalita ng Ingles. Dagdag pa, kapag hindi marunong mag-Ingles ang isang Pilipino, itinuturing na hindi siya kasinggaling o kasingtalino ng iba na mahusay mag-Ingles.

Lahat ng mga Pilipino ay may tungkulin sa pagmamahal sa sinilangang bayan at, natural, sa sariling wika. Sa wika na lamang siguro natin maaaring makita ang pagkakaiba natin sa ibang mga tao sa mundo, lalo na ngayon na maaaring ibahin o baguhin ang kulay ng ating balat, ang anyo ng ating mukha at kahit na ang hugis ng ating katawan. Ang wikang Filipino ay ang nalalabing diwa ng ating damdaming makabayan at pambansang pagkakaisa at kailangan natin itong bigyan ng kaukulang pagpapahalaga.

3 .Ang wika nauunawaan ng nakararami ang wika ng kapasyahan:

ang wika na naiintindihan ng dalawang o higit pang nag uusap ang siyang daan sa maiging pagkakaunawaan dahil kapag ang nag-uusap ay nagkakaintinihan ng opinyon ng bawat isa, mas maisasapuso nila at maiintindihan ito.

4. Ang wika ng pagsasalin ay wika ng pagkakaunawaan: Ang wika na ginagamit sa pagsasalin ang wika ng pagkakaunawaan