Smart Gilas
Smart Gilas Pilipinas | |||
---|---|---|---|
Leagues | Philippine Basketball Association | ||
Founded | 2009-present | ||
Arena | Moro Lorenzo Sports Center | ||
Location | Philippines | ||
Team colors | Blue and white | ||
President | Manny V. Pangilinan | ||
Head coach | Rajko Toroman | ||
Championships | 2010 MVP Invitational Championship | ||
Website | SBP Smart Gilas | ||
|
Ang Smart Gilas Pilipinas[1] ay isang developmental na kopanan ng basketbol sa Pilipinas na iniisponsoran ng Smart Communications at ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP). Ang koponan ay binubuo ng mga hindi propesyonal at mga kilalang manlalaro sa kolehiyo na ang layunin ay makasama sa 2012 London Olympics.
Ang Gilas ay ang tatak ng isponsor nito, na ang ibig sabihin ay "Gearing-Up Internet Literacy and Access for Students", isang proyekto ng Smart Company para mabigyan ang mga pampublikong paaralan ng edukasyon sa kompyuter.
Ang Smart Gilas ay nabuo nuong 2009 upang maitanim ang isang matagalang programa para sa Philippines men's national basketball team, na ang tagasanay ay si dating Iran national basketball team coach Rajko Toroman.
Pagsasanay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang koponan ng Smart Gilas ay nagsasanay ayon sa European na istilo ni coach Rajko Toroman. Sa paghahanda noong 2009, ang koponan ay naglalaro ng mga eksibisyon na laro laban sa mga local na koponan sa PBA[2] kung saan ang mga resulta ng laban ay madikit. Pagkatapos sumabak sa lokal na kompetisyon, ang koponan ay lumipad papunta sa United States at nagsagawa ng pagsasanay sa Las Vegas, Nevada.[3] Ang batang koponan ay nakipagsanay laban sa Las Vegas Aces at nanalo sila sa mas pinapaborang koponan na ito.
Ang koponan ng Smart Gilas ay nagwagi ng ikalimang pwesto sa ika-20 na FIBA Asia Champions Cup 2009 sa likod ng koponang Al-Arabi ngof Qatar (ikaapat), Al-Riyadi Beirut ng Lebanon (ikatlo), Zain Jordan (pangalawa), at Mahram Tehran ng Iran (kampyon). Ang paligsahan ay ginanap sa Jakarta, Indonesia noong Mayo 12–20, 2009.
Ang Smart Gilas ay nagwagi ng ikatlong pwesto[4] sa 21st Dubai International Basketball Tournament sa likod ng Al-Riyadi Beirut ng Lebanon (oangalawa), at Mahram Tehran BC ng Iran (kampyon). Ang paligasahan ay ginanap saDubai, UAE nong Enero 14–23, 2010. Ang isa sa dalawang kapitan ng Smart Gilas na si J. V. Casio ay pinangaralan bilang pinakamahusay na gwardya ng paligsahan pagkatapos pabilibin ang mga tagapagorganiza ng paligsahan sa kanyang kahusayan.
Ginulat ng Smart Gilas ang Jordan national basketball team, ang koponan na mas pinapaboran na magwagi bilang kampyon , sa kanilang pagiging kampyon sa 2010 Smart Philippine Invitational Challenge o kilala din bilang MVP Cup[5] na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium noong Hunyo 24–27, 2010.
Ang Pilipinas (nirerepresenta ng Smart Gila Team) ay nagtamo ng ika-apat na pwesto sa ika-32 edition ng 2010 R. William Jones Cup, na nagtala ng 3-3 na panalo at talo sa rekord.[6] Ang kompetisyon ay naganap sa Taipei, Chinese Taipei noong 14 hanggang 20 Hulyo 2010.
Ang Smart Gilas (kumakatawan sa Pilipinas bilang isang kwalipikadong koponan sa Southeast Asian region) ang nagwagi ng ika-apat na pwesto sa FIBA Asia Stankovic Cup 2010,[7] kaya sila makakalahok sa 26th FIBA Asia Championship sa 2011, isang paligsahan para maging kwalipikado sa 2012 London Olympics. Ang ika-tatlo na FIBA Asia Stankovic Cup 2010 ay naganap sa Beirut, Lebanon noong 7 hanggang 15 ng Agosto 2010, sa Ghazir Club Court, na may kalahok na sampung koponan na binubuo ng mga bansa sa Asya.
Ang koponan ng Smart Gilas ay umuwi na may dala-dalang medalayang pilak pagkatapos matalo sa Seoul Samsung Thunders, isang koponang galing sa Korean Basketball League, ng isang puntos, 83–82, sa ika-apat na ABA (Asian Basketball Association) Club Championship 2010 sa Haining, China noong Setyembre 14–19, 2010.[8]
Mga Karagdagan sa koponan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kinuha ng Smart Gilas ang serbisyo ni dating National Basketball Association center-power forward Jamal Sampson upang magbigay ng tulong sa koponan. Pagkatapos ng paglalaro ng koponan sa Dubai Club Championship Nagdesisyon ang SBP na makipaghiwalay kay Samson. Pinagisipan din ng koponan ang pagnaturalisa sa center ng Los Angeles Lakers na si C. J. Giles.[9] Ngunit tinanggal si Giles sa koponan dahil sa mga isyung may kinalaman sa disiplina ng manlalaro.[10]
Noong 5 Pebrero 2010, ang Smart Gilas ay nagsagawa ng "tryouts" para sa bagong manlalaro na nais na inaturalisa. Ang manlalaro na si Dwayne Jones na galing sa Saint Joseph's University na sa panahong iyon ay ngalalaro sa Austin Toros, ay dapat na pipirma na sa koponan, ngunit siya ay kinuha ng Phoenix Suns. Ang pumalit kay Jones para sa Smart Gilas sa FIBA Asia Champions Cup 2010 ay si Milan Vucicevic na galing sa Serbia, na sa kalaunan ay tinanggal sa koponan.
Si Marcus Douthit, na isa ding manlalaro sa Los Angeles Lakers noong 2004 ay sumubok sumali sa koponan noong Hunyo 2010. Napabilib ni Douthit si Toroman sa apat na araw na kompetisyon , ang MVP Manila Invitational Tournament, sa Ninoy Aquino Stadium kung saan naipanalo ng Gilas ang tatlo sa apat na laro. Umiskor si Douthit ng 26 na puntos noong unang laro laban sa isang koponan sa CBA, 18 na puntos sa kanilang pagkatalo sa Jordan national basketball team, at 10 puntos sa pagkapanalo laban sa Jordan. Kaya binigyan ng tagapamahala ng Smart Gilas ng isang taong kontrata si Douthit at inasikaso ang mga papel para sa kanyang pagnanaturalisa.
Kinuha ng koponan ang serbisyo ni Fil-Tongan Center Asi Taulava,isang manlalaro sa Philippine Basketball Association, ng Coca-Cola Tigers para sa kanilang ikatlong pagsali sa FIBA Asia Stankovic Cup 2010.
Noong 2009, may iba pang Amerikano at taga-Canada na manlalaro ang nakipagsanay sa koponan sa Las Vegas. Kasama ang 6'11" na center na si Gian Chiu ng Oberlin, 6'3" na gwardya na si Chris Lutz ng Marshall, 6'3" na gwardya na si Marcio Lassiter ng Cal State-Fullerton at 6'6" na forward na si Sean Anthony ng McGill. Ang Penn State point guard na si Stanley Pringle ay dapat na sasali sa pagsasanay ngunit siya ay pumirma ng kontrata para maglaro sa Belgium.
Sa ngayon, si Lassiter na lang at si Lutz ang naglalaro sa koponan. Pagkatapos bumalik sa McGill para tapusin ang kanyang pagaaral, si Anthony ay nakuha ng Powerade Tigers. Tinanggal si Chiu sa lineup ng Oberlins pagkatapos magkaruon ng kapansanan sa paa nung huling taon. Siya ngayon ay nagpapagaling.
Noong 2010, si guard Chris Banchero ng Seattle Pacific University ay nadagdag pagkatapos ng pagsasanay sa Las Vegas, ngunit hindi parin sigurado na makakapasok sa koponan para sa Asian Games at 2010 FIBA-Asia Club Championship dahil sa NCAA eligibility issues. Si Small forward Christian Standhardinger ng Nebraska, na dating naglaro sa Germany under-18 men's national basketball team ay isa sa mga pinagpipilian. Pinagpalit ng Sta. Lucia Realtors at ng Talk N Text Phone Pals karapatan nila kay Kelly Williams at Ryan Reyes. Si Williams at Reyes ay parehas na mapupunta sa Smart Gilas para sa Asian Games sa Nobyembre 2010.[11]
Pangkasalukuyang Manlalaro
[baguhin | baguhin ang wikitext]Smart Gilas Pilipinas roster | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Players | Coaches | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
|
Depth Chart
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pos. | Starter | Bench | Bench | Inactive | Reserve |
---|---|---|---|---|---|
C | Marcus Douthit | Sonny Thoss | Jason Ballesteros | Greg Slaughter | |
PF | Kelly Williams | Japeth Aguilar | Aldrech Ramos | ||
SF | Marcio Lassiter | Chris Lutz | Mac Baracael | ||
SG | Chris Tiu | Dondon Hontiveros | Dylan Ababou | ||
PG | J.V. Casio | Andy Barrocca | Jimmy Alapag |
* Note: Parehas na si Taulava at Williams ay sumama sa koponan para sa 2010 Asian Games. Ang dalawa, kasama ang mga manlalaro sa PBA na si Alapag at Hontiveros ay sasanib sa koponan para sa 2011 FIBA Asia Championship.[12]
Eksternal na koneksiyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Smart Gilas Photos Naka-arkibo 2011-08-04 sa Wayback Machine.
- Smart Gilas Roster Naka-arkibo 2011-08-24 sa Wayback Machine.
- Team Pilipinas News Update Site
- Philippine Olympic Committee Website
- Smart Gilas Basketball News and Updates
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "RP launches Olympic quest". Philippine Star. 8 Marso 2009. Nakuha noong 15 Mayo 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ "BURGER KING, SMART GILAS-RP TEAM IN 95-ALL STANDOFF". Philippine Basketball Assn. Portal. 4 Pebrero 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-05-14. Nakuha noong 15 Mayo 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "RP Smart Gilas team shines in Las Vegas". abs-cbnNEWS.com. 27 Abril 2009. Nakuha noong 15 Mayo 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Smart Gilas salvages 3rd in Dubai tilt". Philippine Daily Inquirer. 25 Enero 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Enero 2010. Nakuha noong 17 Pebrero 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Smart Gilas halts Jordan". abs-cbnnews.com. 28 Hunyo 2010. Nakuha noong 15 Hulyo 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "2010 Jones Cup: Iran wins back-to-back men's title". asia-basketball.com. 20 Hulyo 2010. Nakuha noong 23 Hulyo 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Smart Gilas Pilipinas bows to Qatar, RP finishes 4th in Stankovic Cup". teampilipinas.info. 15 Agosto 2010. Nakuha noong 17 Agosto 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Seoul Beats Smart Gilas By One To Win The Title". 2010 ABA Championship. 19 Setyembre 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-09-23. Nakuha noong 23 Setyembre 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Former L.A. Laker eyed as naturalized player for RP 5". GMA News. 15 Abril 2009. Nakuha noong 15 Mayo 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Giles out of Smart Gilas". 17 Nobyembre 2009. Nakuha noong 2 Disyembre 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ "Kelly Williams, Ryan Reyes part of blockbuster trade involving three teams". 14 Mayo 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Mayo 2010. Nakuha noong 21 Hulyo 2010.
{{cite web}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PBA players need to blend with Gilas". Manila Bulletin. Nakuha noong 2011-04-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)