Santa Maria sopra Minerva
Basilika ng Santa Maria sa ibabaw ng Minerva Basilica of Saint Mary above Minerva (sa Ingles) Basilica Sanctae Mariae supra Minervam (sa Latin) | |
---|---|
Relihiyon | |
Pagkakaugnay | Katoliko Romano |
Katayuang eklesyastikal o pang-organisasyon | Basilika menor |
Pamumuno | António Marto |
Taong pinabanal | 1370 |
Lokasyon | |
Lokasyon | Roma, Italya |
Mga koordinadong heograpikal | 41°53′53″N 12°28′42″E / 41.89806°N 12.47833°E |
Arkitektura | |
(Mga) arkitekto | Fra Sisto Fiorentino, Fra Ristoro da Campi, Carlo Maderno |
Uri | Simbahan |
Istilo | Gotiko |
Groundbreaking | 1280 |
Nakumpleto | 1370 |
Mga detalye | |
Direksyon ng harapan | K |
Haba | 101 m (331 tal) |
Lapad | 41 m (135 tal) |
Lapad (nabe) | 15 m (49 tal) |
Websayt | |
basilicaminerva.it |
Ang Santa Maria sopra Minerva (Saint Mary sa ibabaw ng Minerva, Latin: Sancta Maria supra Minervam) ay isa sa mga pangunahing simbahan ng Katoliko Romanong Orden ng mga Nangangaral (mas kilala bilang mga Dominikano) sa Roma, Italya. Ang pangalan ng simbahan ay nagmula dahil ang unang estrukturang Kristiyanong simbahan ay pook na itinayo sa direktang ibabaw (Italyano: sopra) ng mga guho o pundasyon ng isang templong alay sa diyosa ng Ehipto na si Isis, na maling natukoy bilang ang Greko-Romanong diyosa na si Minerva[1] (marahil dahil sa interpretatio romana).
Ang simbahan ay matatagpuan sa Piazza della Minerva isang bloke sa likod ng Panteon sa rione ng Pigna ng Roma ng loob ng sinaunang distrito na kilala bilang Campus Martius. Ang kasalukuyang simbahan at kinalalagyan ng mga nakapaligid na mga estraktura ay makikita sa isang detalye mula sa Mapang Nolli ng 1748.
Habang maraming mga iba pang mga medyebal na simbahan sa Roma na may Gotikong estruktura na tinapalan ng mga patsadang Baroque, ang Minerva ay ang tanging umiiral na halimbawa ng orihinal na Gotikong gusaling simbahan sa Roma.[2] Sa kabila ng pagkakaroon ng patsada na payak na estilong Renasimiyento tampok sa Gotikong loob ang arched vaulting na pininturahan ng asul na may mga ginintuang bituin at nilagyan ng matingkad na pulang ribbing buhat ng ika-19 na siglong Neo-Gotikong restawrasyon.
Ang simbahan at kadikit na kumbento ay nagsilbi sa iba't panahon sa buong kasaysayan nito bilang punong tanggapan ng Orden Dominikana. Ngayon ang mga punong tanggapan ay itinatag muli sa orihinal na lokasyon sa Romanong kumbento ng Santa Sabina . Ang titulo ng Sanctae Mariae supra Minervam ay ipinagkaloob noong 28 Hunyo 2018 kay Kardinal António Marto.
Galeriya
[baguhin | baguhin ang wikitext]-
Ang libingan ni Giovanni Vigevano ni Gian Lorenzo Bernini, 1618–1620
-
Pag-alaala kay Maria Raggi ni Gian Lorenzo Bernini, 1647–1653
-
Libingan ng Fra Angelico, ni Isaia da Pisa, 1455
-
Cristo della Minerva ni Michelangelo, 1519-1515
-
Mataas na Altar
-
Vault
-
Loob ng Basilika
-
Madonna at Anak na Nagbibigay ng Mga Pagpapala ni Benozzo Gozzoli, 1449
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Grundmann & Fürst 1998
- ↑ Unlike Naples or Palermo, Rome was never bombed in World War II, which in those cities led to some overnight "re-Gothification'. The Gothic Revival church of Sacro Cuore del Suffragio, built 1890-1917, is an anomaly inspired by the Duomo of Milan.
Bibliograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Silvia Koci Montanari, Le Chiese papali a Roma: sulle tracce dei sepolcri dei Papi (Vatican City: Libreria Editrice Vaticana, 2000), pp. 243 ff.
- Giancarlo Palmerio at Gabriella Villetti, Storia edilizia di S. Maria sopra Minerva sa Roma, 1275-1870 (Roma: Viella, 1989).
- Gianfranco Spagnesi, Antonio da Sangallo il giovane: la vita e l'opera (Roma: Centro di studi per la storia dell'architettura, 1986), pp. 109–115 (mga libingan ni Leo X at Clemente VII).
- Grundmann, Stefan; Fürst, Ulrich (1998), The Architecture of Rome: an architectural history in 400 individual presentations, Stuttgart: Ed. Axel Menges, ISBN 3-930698-60-9
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Masetti, Pio Tommaso (1855), Memorie istoriche della chiesa di S. Maria sopra Minerva e de' suoi moderni restauri (sa wikang Italyano), Rome: Tip. di B. Morini, OCLC 24239739
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- (sa Italyano) Santa Maria sopra Minerva: opisyal na site Naka-arkibo 2020-02-22 sa Wayback Machine.
- June Hager, "Santa Maria sopra Minerva" Naka-arkibo 2019-12-01 sa Wayback Machine.
- Woodcut elephant na nagbigay inspirasyon kay Bernini Naka-arkibo 2007-01-17 sa Wayback Machine.