Reporma sa lupa
Ang reporma sa lupa (repormang agraryo din, bagaman ito ay may mas malawak na kahulugan) ay kinakasangkutan ng mga pagbabago sa batas, alituntunin, o kalakaran hinggil sa pagmamay-ari ng lupa.[1] Maaring binubuo ang reporma sa lupa ng muling pamamahagi ng mga ari-arian na sinisimulan o sinusuportahan ng pamahalaan. Sa pangkalahatan, ang ari-arian na binabahagi muli ay mga lupaing pansaka. Samakatuwid, ang reporma sa lupa ay maaring tumukoy sa paglipat ng pagmamay-ari mula sa mas may makapangyarihan sa di-gaanong makapangyarihan o walang kapangyarihan, katulad ng mula sa maliit na mga mayayaman (o marangal) na may-ari na may malawak na lupain (halimbawa, mga asyenda, mga malaking rantso, o mga lupang gamit sa negosyong sakahan) patungo sa kanya-kanyang pagmamay-ari ng mga manggagawa ng mga lupaing iyon.[2] Ang mga ganoong paglipat ng mga pagmamay-ari ay maaring mayroon o walang kabayaran; maaring iba-iba ang kabayaran katulad ng katibayan ng halaga ng kabayaran o kabayaran mismo ng buong halaga ng lupa.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Batty, Fodei Joseph. "Pressures from Above, Below and Both Directions: The Politics of Land Reform in South Africa, Brazil and Zimbabwe." Western Michigan University. Ipinakita sa Taunang Pulong ng Midwest Political Science Association. Chicago, Illinois. Abril 7–10, 2005. p. 3. [1] (Sa Ingles)
- ↑ Borras, Saturnino M. Jr. "The Philippine Land form in Comparative Perspective: Some conceptual and Methodological Implications." Journal of Agrarian Change. 6,1 (Enero 2006): 69–101. (Sa Ingles)
- ↑ Adams, Martin and J. Howell. "Redistributive Land Reform in Southern Africa." Overseas Development Institute. DFID. Natural Resources Perspectives No. 64. Enero 2001. [2] Naka-arkibo 2009-12-05 sa Wayback Machine. (Sa Ingles)