Rabies
Rabis | |
---|---|
Isang asong mayroong rabies na nasa yugtong paralitiko (pagkatapos na maging mabangis). | |
Espesyalidad | Infectious diseases, veterinary medicine |
Ang rabies, lyssavirus o rabis (mula sa Latin: rabies, "kaululan" o "kabaliwan") ay isang karamdamang sanhi ng birus na nagdurulot ng ensipalitis sa mga hayop na maiinit ang dugo.[1] Ang sakit na ito ay soonotiko, na nangangahulugang maaari itong mailipat magmula sa isang espesye papunta sa iba pa, katulad ng pagkahawa mula sa mga aso papunta sa mga tao, na pangkaraniwang sa pamamagitan ng isang kagat na nagmula sa isang hayop na naimpeksiyon. Ang birus ng rabies ay nakakaimpeksiyon ng sistema ng nerbiyos, na sa panghuli ay nakapagsasanhi ng karamdaman sa utak at kamatayan.
Sipnosis
[baguhin | baguhin ang wikitext]Naglalakbay ang birus ng rabies papunta sa utak sa pamamagitan ng pagsunod sa mga nerbiyong periperal. Ang panahon ng inkubasyon (panahon ng paglimlim) ng sakit ay karaniwang mangilan-ngilang mga buwan sa mga tao, na nakasalalay sa layo na dapat lakbayin ng birus upang marating ang sentro ng sistemang nerbiyos.[2] Kapag umabot na ang birus ng rabies sa sentral na sistemang nerbiyos at nagsimula nang makita ang mga sintomas, ang impeksiyon ay talagang hindi na malulunasan at karaniwang nakamamatay sa loob ng ilang mga araw.
Mga sintomas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga sintomas sa maagang yugto ng rabies ay kinabibilangan ng malaise, sakit ng ulo at lagnat, na sumusulong sa pagkakaroon ng matinding hapdi, mga galaw na marahas, hindi mapigilang kasiglahan, panlulumo (depresyon), at hidropobya (pagkatakot sa tubig).[1] Bilang panghuli, ang pasyente ay maaaring makaranas ng mga panahon ng mania at letarhiya (katamlayan), na pagdaka ay humahantong sa coma. Ang pangunahing sanhi ng kamatayan ay ang kakulangang panghininga.[2] Ang World Rabies Day ay ipinagdiriwang taon-taon tuwing Setyembre 28.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Drew WL (2004). "Chapter 41: Rabies". Sa Ryan KJ; Ray CG (mga patnugot) (mga pat.). Sherris Medical Microbiology (ika-ika-44 (na) edisyon). McGraw Hill. pp. 597–600. ISBN 0-8385-8529-9.
- ↑ 2.0 2.1 Cotran RS; Kumar V; Fausto N; atbp. (2005). Robbins and Cotran Pathologic Basis of Disease (ika-ika-7 (na) edisyon). St. Louis: Elsevier/Saunders. p. 1375. ISBN 0-7216-0187-1.