Pinatibay na kongkreto
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang pinatibay na kongkreto o reinforced concrete ay materyal na ginagamit sa konstruksiyon. Ito ay magkahalong kongkreto at bakal na karaniwang ginagamit sa pagtatayo ng bahay at gusali. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng paglalagay muna ng bakal sa mga porma o hulma bago tuluyang ‘buhusan’ ng kongkreto. Ginagamit ang pinatibay na kongkreto para masolusyunan ang kakulangan ng bawat materyal na bumubuo rito: ang kongkreto at ang bakal. Sa paghahambing, ang kongkreto at ang bakal ay parang mag-asawa. Ang kongkreto kasi ay malutong (brittle) gaya ng kraker na kinakain natin kaya mahina ito sa pahilang (tensile) stress at malakas sa papiping (compressive) stress. Ang bakal naman ay elastiko gaya ng bubble gum kaya malakas ito sa pahilang stress at mahina naman sa papiping stress.
Ang kongkreto
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang kongkreto ay parte ng pinatibay na kongkreto na binubuo ng graba at buhangin na sa pangkalahatan ay tinatawag na mga aggregate, ng semento at ng mga puwang sa pagitan ng mga graba at buhangin. Ang kongkreto ay ginagawa sa pamamagitan ng paghahalo muna ng mga aggregate, semento at ng tubig at kapag nasa tamang lapot (consistency) na ay ‘binubuhos’ na ito sa mga porma. Sa karaniwang pag-uusap ng mga Pilipino, ang katagang semento at kongkreto ay pinagpapalit ng gamit ngunit magkaibang-magkaiba ang kahulugan ng dalawang salitang ito. Ang semento ay ang materyal na inihahalo sa graba, buhangin at tubig na nagsisilbing ‘pandikit’ ng mga nasabing materyales. Ito ay karaniwang nabibili sa mga tindahan ng materyales sa konstruksiyon nang nakasako. Ang tibay ng isang kongkreto ay sinusukat sa pamamagitan ng yuniaksyal (uniaxial) compression test. Ito ay paraan para malaman kung hanggang anong aksyal na stress ang kayang suportahan ng halo ng kongkretong ginamit. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagsalang sa isang makina ng mga sample ng kongkreto, na karaniwang may diyametrong apat na pulgada at taas na walong pulgada, sa ika-28 na araw. Sa pangkalahatan, sa ika-28 na araw kasi naaabot ng kongkreto ang halos 90% ng tibay nito.
Ang Bakal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang bakal ay mas yuniporm na katangian kumpara sa kongkreto pero ito ay halo (alloy) pa rin ng dalawang elemento: ang carbon at ang iron. Ang pagdadagdag ng carbon sa bakal ay nakapagpapataas ng stress na kaya nitong dalhin pero nakapagpapahina sa ductile na katangian nito. Sa ibang sabi, mas nagiging malutong ang bakal. Ang tibay naman ng bakal ay sinusubukan sa pamamagitan ng pagsubok ng pahila at ng pabaluktot (bend) na tibay nito.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- CE 121 notes. Nathaniel B. Diola, Dr. Eng., Institute of Civil Engineering, UP Diliman. 1st semester, 2009-2010.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.