Pumunta sa nilalaman

Pilohenya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Punong pilohenya na iminungkahi ni Ernst Haeckel noong 1866.

Sa biyolohiya, ang pilohenya, pilohenetika o phylogenetics ang pag-aaral ng mga ugnayang ebolusyonaryo ng mga pangkat ng mga organismo na natutuklasan sa pamamagitan ng mga mälak na pagsisikwensiyang pang-molekula at mga mälak na matriks na pang-morpolohiya. Ang katagang ito ay hinango mula sa mga salitang Griyego na phylé (φυλή) at phylon (φῦλον), na tumutukoy sa "tribo", "angkan" o "lahi" at anyong pang-uri na genetikós (γενετικός) ng salitang genesis (γένεσις) na nangangahulugang "pinagmulan" o "kapanganakan". Ang resulta ng mga pag-aaral na pilohenya ay hipotesis tungkol sa kasaysayang pang-ebolusyon ng kanilang mga pangkat taksonomiko: ang kanilang piloheniya(phylogeny).[1]

Ang ebolusyon ay itinuturing na isang proseso ng pagsasanga kung saan ang mga populasyon ay nagbabago sa paglipas ng panahon at maaaring maghiwalay tungo sa mga magkakahiwalay na sanga, mag-hybrid o magtapos sa pamamagitan ng ekstinksiyon. Ito ay mailalarawan bilang isang puno o tree ng pagkakaayos ng mga pangyayaring ebolusyonaryo. Ang mga pagsisiyasat na dalub-pilohenya ay naging mahalaga sa pagsasaliksik sa agham ng ebolusyonaryong puno ng buhay. Ang kabuuang adhikain ng National Science Foundation's Assembling the Tree of Life activity (AToL) ay lutasin ang mga ugnayan o relasyong ebolusyonaryo ng malalaking mga pangkat ng organismo sa buong kasaysayan ng buhay sa mundo. Ito ay kadalasang kinasasangkutan ng malalaking mga pangkat na gumagawa sa iba ibang mga institusyon at mga disiplina ng agham. Ang mga imbestigador ay sinusuportahan ng pagtitipon ng mga mälak, pagsisiyasat, pagbuo ng algoritmo at pagpapalaganap ng komputasyonal na pilohenya at piloimpormatika. Ang halimbawa nito ang layunin ng RedTol na muling likhain ang Puno ng Buhay ng Pulang Algae.

Pagbuo ng punong pilohenya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga pamamaraang siyentipiko ng pilohenya ay kadalasang pinapangkat sa ilalim ng terminong kladistika. Ang pinakakaraniwan sa mga ito ang parsimoniya, maximum likelihood, at batay sa MCMC na paghahangong Bayesian. Ang lahat ng mga pamamaraang ito ay nakasalalay sa hayagan o hindi hayagang mga modelong matematikal na naglalarawan ng ebolusyon ng mga katangian sa mga species na isinasama. Ang lahat ng ito ay maaaring gamitin para sa mga mälak na molekular kung saan ang mga katangian ay mga nakalinyang nucleotide o mga sekwensiyang asidong amino. Ang lahat maliban sa maximum likelihood ay maaari at ginagamit para sa mga mälak na penotipiko(morpolohikal, kimikal at pisiolohikal). Ang penetika na sikat noong gitnang ika-20 siglo ngunit malaking hindi na ginagamit sa kasalukuyan ay gumagamit ng mga batay sa distansiyang matriks na mga paraan upang likhain ang mga puno batay sa kabuuang pagkakatulad na kadalasang pinagpapalagay na nagtatantiya ng mga ugnayang pilohenya.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "phylogeny". Biology online. Nakuha noong 2013-02-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)