Pumunta sa nilalaman

Peter Barakan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Peter Barakan
Kapanganakan20 Agosto 1951(1951-08-20)
London, United Kingdom
TrabahoBrodkaster, may-akda, manunuri ng musika
PagkamamamayanUnited Kingdom
PaksaPagsusuri ng musika, kulturang Hapones

peterbarakan.cocolog-nifty.com

Si Peter Barakan ay isang Hapones na DJ at brodkaster, ang punong-abala (host) ng "Barakan Beat" na nasa InterFM.[1][2] Siya rin ang host ng seryeng Begin Japanology (Simulan ang Haponolohiya) na nasa NHK World, na nagpapakilala ng sari-saring mga aspeto ng kalinangang Hapones.[3]

Ipinanganak si Peter Barakan sa Londres at pinalaki roon ng isang amang Hudyo na may lahing Polako, at ng isang inang may lahing Burmes. Pagkaraang mag-aral sa Paaralan ng mga Araling Oryental at Aprikano sa Pamantasan ng Londres, pinasok ni Barakan ang industriya ng musika bilang isang clerk, at noong 1974 ay lumipat sa Hapon upang ipagpatuloy ang kaniyang karera. Kasal siya kay Yoshida Mayumi. Ang nakababata niyang kapatid na lalaki ay ang musikerong si Shane Fontayne.[kailangan ng sanggunian]

Naging host siya ng programang CBS Document ng TBS simula noong Oktubre 1988,[1] isang edisyong Hapones ng 60 Minutes.[4] Siya ang host ng may tatlong-oras na Barakan Morning na nasa radyong InterFM noong 2011.[5][6] Noong 2011, dahil sa sakunang nuklear ng Fukushima Daiichi, hinadlangan si Barakan na patugtugin ang isang awit na protestang nukleyar, dahil maaari itong makalikha ng fuhyo higai, na nangangahulugang "pinsala mula sa mga tsismis" (kasiraan mula sa mga sabi-sabi).[7] Noong 2012, pinamunuan ni Barakan ang isang talakayan na tinangkilik ng U.N. na nilahukan ng maraming mga alkalde ng iba't ibang lungsod na ang paksa ay hinggil sa muling pagtatayo ng mga pamayanan kasunod ng Lindol at tsunami sa Tohoku noong 2011.[8]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Matsutani, Minoru (2012-02-17). "Job taken on a whim leads to 35 years in Tokyo". The Japan Times Online. Nakuha noong 2012-09-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Barakan Beat". InterFM.co.jp. Nakuha noong 2012-09-09.
  3. "BEGIN Japanology". NHK World TV. 2012-09-07. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-02-27. Nakuha noong 2012-09-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Betros, Chris (Isyu blg. 528). "IN PERSON - Voice of reason". Metropolis Tokyo. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-03-08. Nakuha noong 2012-09-09. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong)
  5. "Barakan Morning". InterFM 76.1 FM. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-24. Nakuha noong 2014-05-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Are You Ready to Stage a Media Coup?". Media Techtonics. 13 Agosto 2010.
  7. Grunebaum, Dan (2011-07-01). "Japan's new wave of protest songs ; YouTube is the medium when artists speak out against nuclear power". International Herald Tribune (HighBeam Research). Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-06-11. Nakuha noong 2012-09-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "City Leaders discuss Tohoku's future after tsunami". U.N. International Strategy for Disaster Reduction Secretariat (UNISDR) (HighBeam Research). States News Service. 24 Mayo 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-06-11. Nakuha noong 2012-09-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)