Pumunta sa nilalaman

Paglalagom

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang paglalagom ay ang pagsusulat o pagsasalaysay muli sa isang akda o narinig na maikling paraan na ginagamitan ng sariling pananalita. Ito ay maikli ngunit malaman at nagpapahayag ng pinakadiwa nito. Ito ay hindi nagtataglay ng pansariling opinyon.

Hakbang sa paglalagom

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Pakinggan o basahin nang mabuti ang akda. Kunin ang pinakadiwa ng napakinggan o nabasa.
  2. Habang nakikinig o nagbabasa ay itala ang mahahalagang bahagi at suriin ito.
  3. Isulat ang natirang puntos sa sariling pangungusap. Huwag magsasama ng pansariling opinyon.
  4. Palitan ang bahagi o pananalitang maaaring magpahaba o magpawalang linaw sa lagom.
  5. Tingnan kung ayon sa orhinal ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya.
  6. Basahing muli upang lalo pang maiklian.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.