Pumunta sa nilalaman

Niobe

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Wangis ni Niobe.

Sa mitolohiyang Griyego, si Niobe (Griyego: Νιόβη, "maniyebeng kaliwanagan") ay ang anak na babae ng mitikong pinunong si Tantalo (o Tantalus), isang haring primordyal sa royal na kabahayan ni Lydia sa kanluraning Asya Menor. Asawa si Niobe ng Hari ng Thebes, Gresya na si Amphion[1], na isa sa magkakambal na mga tagapagtatag ng Thebes. Mayroon sa Thebes na iisang santuwaryong pinagdadambanahan ng dalawang mga tagapagtatag na ito, ngunit walang dambana para kay Niobe. Ina si Niobe ng maraming magagandang mga bata. Tinuya niya ang diyosang si Leto (kilala rin bilang Latona) na nagkaroon lamang ng dalawang mga anak: sina Apollo at Artemis. Pinarusahan si Niobe nina Apollo at Artemis dahil sa kanyang kayabangan, sa pamamagitan ng pagpatay sa lahat ng kanyang mga anak, na kilala bilang mga Niobid. Naging isang bato si Niobe, isang batong pinagmumulan ng daloy ng tubig, na tanda ng kanyang mga luha ng pamimighati dahil sa pagkawala ng kanyang mga supling.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Niobe". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik na N, pahina 444.

MitolohiyaGresya Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya at Gresya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.