Mga kaso ng pang-aabusong seksuwal sa Simbahang Katoliko
Laganap ang mga kaso ng sekswal na pang-aabuso ng mga Katolikong pari, madre at miyembro ng mga samahang panrelihiyon noong ika-20 at ika-21 siglo at humantong sa maraming alegasyon, imbestigasyon, paglilitis, gayundin sa mga pagbubunyag tungkol sa deka-dekadang pagtatangka ng Simbahan na pagtakpan ang mga naiulat na insidente.[1] Kabilang sa mga naabuso ay mga lalaki't babae, kung saan ang ilan ay kasingbata ng 3 taong gulang, at ang karamihan ay nasa pagitan ng edad 11 at 14.[2][3][4][5] Nagsimulang tumanggap ang mga akusasyon ng nakabukod, panaka-nakang publisidad mula noong huling bahagi ng 1980. Marami sa mga ito ay mga kaso kung saan may isang taong naakusahan na ng deka-dekadang pang-aabuso; ang ganitong mga alegasyon ay kadalasang iniharap ng mga taong nasa sapat na gulang (mga adulto) o ng mas nakatatandang kabataan, ilang taon matapos naganap ang pang-aabuso. Naiharap din ang mga kaso laban sa mga miyembro ng herarkiya ng Katoliko na nagtakip sa mga alegasyon ng sekswal na pang-aabuso, at naglipat sa mga mapang-abusong pari sa ibang mga parokya, kung saan nagpatuloy rin naman ang pang-aabuso.[6][7]
Pagdating ng mga taong 1990, nagsimulang makatanggap ang mga kaso ng makabuluhang media at pansin ng publiko sa ilang bansa, lalo na sa Canada, Estados Unidos, Australia at, sa pamamagitan ng serye ng mga dokumentaryo sa telebisyon gaya ng Suffer the Children (UTV, 1994), Irlanda.[8] Isang kritikal na imbestigasyong isinagawa ng The Boston Globe noong 2002 ang humantong sa malawakang pagtatampok ng media sa isyu sa United States, na kalaunan ay isinapelikula sa palabas ni Tom McCarthy na pinamagatang Spotlight. Sa loob ng nakalipas na dekada, nailantad ang malawakang pang-aabuso sa Europe,[9][10] Australia, Chile, at USA.
Mula 2001 hanggang 2010, itinuring ng Santa Sede, ang punong tagapamahala ng Simbahang Katoliko ang mga alegasyon ng sekswal na pang-aabuso na nagbibilang sa humigit-kumulang 3,000 pari mula pa noong limampung taong lumipas,[11] bilang repleksyon ng pandaigdigang kalakaran ng regular na pagtatakip sa mga ulat ng pang-aabuso. [tala 1] Ayon sa mga opisyal at akademiko ng diyosesanong maalam sa Simbahang Katolika Romana, karaniwang hindi pinag-uusapan ang sekswal na pang-aabuso ng mga klero, samakatuwid, mahirap itong tasahin.[12][13] Tumutol ang mga miyembro ng herarkiya ng Simbahan at sinabing malabis at hindi patas ang pagbabalita ng media, at nagaganap din daw ang ganitong pang-aabuso sa ibang mga relihiyon at institusyon, isang paninindigan na gumulat sa mga kritiko na nakita ito bilang paraan upang iwasan ang problema ng pang-aabuso sa loob ng Simbahan.[14]
Sa paghingi ng dispensa ni Papa Juan Pablo II noong 2001, tinawag niya ang sekswal na pang-aabuso sa loob ng Simbahan bilang "isang malalim na kontradiksyon ng mga pagtuturo at katunayan ni Hesu Kristo".[15] Humingi ng paumanhin si Papa Benedikto XVI, nakipagkita sa mga biktima, at nagsalita tungkol sa kaniyang "kahihiyan" dahil sa kasamaan ng pang-aabuso, at nanawagan upang maisakdal ang mga may-sala, habang tinutuligsa ang maling pamamahala ng mga awtoridad ng simbahan.[16][17] Noong 2018, nagsimula ang Santo Papa (Papa Francisco) sa pag-aakusa sa mga biktima at sinabing gawa-gawa nila ang mga alegasyon,[18] ngunit pagdating ng Abril, siya ay humingi ng dispensa para sa kaniyang "malubhang pagkakamali"[19] at noong Agosto naman ay ipinahayag ang kaniyang "kahihiyan at kalungkutan" dahil sa kalunos-lunos na kasaysayan,[20] ngunit hindi nagbanggit ng mga kongkretong hakbang upang maisakdal ang mga nang-abuso o tulungan ang mga biktima.[21]
Lawak ng isyu
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa buong daigdig
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang sekswal na pang-aabuso ng mga pari sa mga batang walang sapat na gulang sa pagpayag, ay kumalap ng malakihang atensyon ng media at ng publiko sa United States, Canada, Ireland, United Kingdom, Pilipinas, Belgium, France, Germany at Australia. Mayroon ding mga kasong naiulat sa ibang mga bansa sa buong mundo.[12] Marami sa mga kaso ang ilang dekada na ang itinagal at naiharap lang pagkatapos ng ilang taon mula noong maganap ang pang-aabuso.
Ayon sa mga opisyal at akademiko ng Simbahan na maalam sa Simbahang Katolika Romana sa Third World, karaniwang hindi pinag-uusapan ang sekswal na pang-aabuso ng mga klero, samakatuwid, mahirap itong tasahin.[12] Maaaring dahil ito sa mas mahigpit na istraktura ng herarkiya ng Simbahan sa mga bansang Third World, sa "sikolohikal na kalusugan" ng klero sa mga rehiyong iyon, at dahil ang Third World na media, legal na sistema at pampublikong kultura ay hindi kasinghusay upang talakayin nang husto ang sekswal na pang-aabuso.[12]
Noong Mayo 13, 2017, sinang-ayunan ng Santo Papa (Francis) na ang Vatican ay may 2,000 kaso ng sekswal na pang-aabuso na hindi pa nalilitis.[52].
Sa Pilipinas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong nabalitaan ang mga sekswal na eskandalo na kinabibilangan ng mga Katolikong pari sa US noong 2002, ang media ng Pilipinas ay nagsimulang mag-ulat ng mga pang-aabuso ng mga lokal na pari. Noong Hulyo ng taong iyon, humingi ng dispensa ang Catholic Bishops Conference of the Philippines para sa katiwaliang sekswal na ginawa ng mga pari nito sa nakalipas na dalawang dekada, at nangakong sumulat ng mga alituntunin sa kung paano haharapin ang mga alegasyon ng ganitong mga sala. Ayon kay Arsobispo Orlando Quevedo, pangulo ng Catholic Bishops Conference, humigit-kumulang 200 sa 7,000 pari sa bansa ay maaaring nakagawa ng "katiwaliang sekswal" – kabilang ang pang-aabuso sa bata, homosekswalidad at pangangalunya – sa nakalipas na dalawang dekada.[188]
Noong Agosto 2011, tumulong ang aktibistang grupo ng kababaihan, ang "Gabriela" sa isang 17-taong gulang na babae sa paghaharap ng mga alegasyon ng sekswal na pang-aabuso laban sa isang pari sa probinsya ng Butuan. Inilagay ng obispo ng Butuan, si Juan de Dios Pueblos ang pari sa kaniyang pangangalaga nang hindi ito dinala sa mga awtoridad pambayan at pangsimbahan.[189] Binatikos din nang husto ng retiradong Arsobispo na si Oscar V. Cruz ang gawing ito, at sinisi si Pueblos dahil sa pagpapakita ng "maling daan" sa mga pari nito.[190]
Binatikos ng mamamahayag na si Aries C. Rufo ang herarkiya ng Simbahang Katoliko sa Pilipinas dahil sa pamamahala nito ng mga kaso ng sekswal na pang-aabuso sa kaniyang libro noong 2013 na pinamagatang Altar of Secrets: Sex, Politics, and Money in the Philippine Catholic Church (Altar ng mga Sikreto: Seks, Politika, at Pera sa Simbahang Katoliko sa Pilipinas) -- isang libro na pinalaganap nang husto ng pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte, kabilang ang pamimigay ng mga kopya nito sa mga OFW at pagbabasa ng mga sipi sa libro tuwing nagtatalumpati.
Debate ukol sa mga sanhi
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagkaroon na ng maraming debate ukol sa mga sanhi ng mga kaso ng sekswal na pang-aabuso sa loob ng Simbahang Katoliko.
Pagsasanay sa seminaryo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinahayag sa 2004 John Jay Report, isang ulat na ikinomisyon ng Conference of Catholic Bishops ng US na "ang malaking bahagi ng problema ay resulta ng di-mahusay na pagsasanay sa seminaryo at di-sapat na emosyonal na suporta para sa mga kalalakihang inordinahan noong mga taong 1940 at 1950."[296] Isang ulat na inilabas kasunod ng John Jay Report ay nagbanggit ng dalawang pangunahing kakulangan sa panig ng mga seminaryo: ang maling pagtatasa sa mga kandidato, kasunod ang kabiguang angkop na "hubugin" ang mga kandidatong ito para sa mga hamon ng buhay na walang asawa. Ang mga temang ito ay tinalakay sa kamakailang memoir ni Vincent J. Miles [297] na naglahok ng mismong karanasan sa kaniyang buhay sa isang maliit na seminaryo noong mga taong 1960, na may kasamang pagsusuri sa siyentipikong sulatin tungkol sa gawi ng sekswal na pang-aabuso. Tumukoy si Miles ng mga ispesipikong aspekto ng buhay-seminaryo na maaaring maghantad sa mga magiging pari sa ganitong gawi.
Epekto ng sikolohiya mula sa mga nakaraang dekada
[baguhin | baguhin ang wikitext]Iginiit ng ilang obispo at sikiyatra na iminungkahi ng umiiral na sikolohiya ng mga panahong iyon na maaaring magamot ang mga taong may ganitong gawi sa pamamagitan ng pagpapayo o counseling.[298] Ipinahayag ni Thomas Plante, isang sikiyatra na espesyalista sa pagpapayong may-kinalaman sa pang-aabuso at itunuturing bilang eksperto sa pang-aabuso ng klero na, "ang karamihan sa pagsasaliksik na ukol sa sekswal na pang-aabuso ng mga minor-de-edad ay hindi lumabas hanggang noong unang bahagi ng mga taong 1980. Kaya, lumabas ito sa makatuwirang panahon, upang magamot ang mga lalaking ito at ibalik sila sa kanilang mga tungkulin bilang pari. Kung babalikan natin ito, ito ay naging isang malubhang pagkakamali."[43]
Tinukoy ni Robert S. Bennet, isang abogadong Katoliko na taga-Washington na siyang namuno ng komite sa pagsasaliksik ng National Review Board bilang isa sa mga pangunahing problema "ang labis na pagtitiwala sa mga sikiyatra" pagdating sa mga kasong sekswal na pang-aabuso sa Simbahang Katoliko.[299] Mga 40% ng mapang-abusong mga pari ang nakatanggap ng counseling bago idinestino muli.[300]
Ang Congregation for Catholic Education ng Roma ay nagpalabas ng isang opisyal na dokumento, ang Instruction Concerning the Criteria for the Discernment of Vocations with regard to Persons with Homosexual Tendencies in view of their Admission to the Seminary and to Holy Orders ("Tagubilin Ukol sa mga Pamantayan upang Mawatasan ang mga Bokasyong may-kinalaman sa mga Taong may mga Homosekswal na Pagkiling kaugnay ng Pagtanggap sa kanila sa Seminaryo at sa mga Banal na Samahan") (2005). Ang dokumento ay kumalap ng pambabatikos batay sa interpretasyon na ipinahihiwatig ng dokumento na ang homosekswalidad ay nauugnay sa pedopilya at epebopilya.[16]
Sa isang pahayag na binasa nang malakas ni Arsobispo Silvano Maria Tomasi noong 2009, inilahad ng Santa Sede na ang karamihan sa klerong Katoliko na nakagawa ng mga aktong sekswal na pang-aabuso laban sa mga mas bata sa 18 taong gulang ay hindi dapat ituring bilang mga pedopilya, kung hindi mga homosekswal.[17] Isinaad ng pahayag na sa halip na pedopilya, "mas wastong banggitin ang epebopilya; pagiging isang homosekswal na nagkakagusto sa mga lalaking nagbibinata"[18] Ginalit ng pagkilos na ito ang maraming organisasyon sa mga karapatan ng homosekswal at mga pangkat ng biktima ng sekswal na pang-aabuso, na nagsabing ito ay isang pagtatangka ng Vatican na bigyan ng bagong pakahulugan ang mga dating problema ng Simbahan sa pedopilya at gawin itong mga problema ng homosekswalidad.[19]
Ayon sa John Jay Report, 80.9% ng di-umano'y mga biktima ng pang-aabuso sa United States ay kalalakihan.[20] Ang katotohanang ito ang nag-udyok kay William Donohue, miyembro ng Catholic League na magsabing, "Naninidigan ang kombensyonal na kalaman na may krisis ng pedopilya sa Simbahang Katoliko; Pinaninindigan ko na ito ay mula talaga sa krisis ng homosekswalidad."[21] Binigyang-diin ni Margaret Smith, isang criminologist sa John Jay College na gumawa ng ulat na hindi makatuwirang konklusyon ang igiit na ang karamihan sa mga paring nang-abuso ng mga lalaking biktima ay bakla. Kahit pa "ang karamihan sa mga mapang-abusong akto ay panghomosekswal [...] ang paglahok sa mga aktong homosekswal ay hindi pareho sa sekswal na kasiyangaan bilang isang bakla. Idinagdag pa niya na "ang ideya ng sekswal na kasiyangaan ay [dapat] iba sa problema ng sekswal na pang-aabuso...[S]a puntong ito, wala kaming nakikitang koneksyon sa pagitan ng sekswal na kasiyangaan at sa mas malaking posibilidad ng mga susunod na pang-aabuso mula sa datos na mayroon kami sa ngayon."[22]
Ipinaglaban ng isa pang tagapagsaliksik na si Louis Schlesinger na ang pangunahing problema ay pedopilya at epebopilya, hindi ang sekswal na oryentasyon, at ipinahayag na may ilang lalaki na kasal sa mga babaeng may sapat na gulang ang nagkakagusto sa mga nagbibinata.[23]
Mahalagang ibukod ang sekswal na kasiyangaan at gawi," ani Karen Terry, isang pangalawang tagapagsaliksik. "May taong maaaring gumawa ng mga aktong sekswal na panghomosekswal ngunit walang homosekswal na kasiyangaan." Ayon kay Terry, ang mga salik na gaya ng pakikihalubilo sa mas maraming lalaki ay isang dahilan ng kiwal na proporsyon. Binanggit din ni Smith ang analohiya ng mga populasyon sa bilangguan kung saan karaniwan ang homosekswal na gawi kahit hindi homosekswal ang mga bilanggo, o ang mga kultura kung saan mahigpit na inihihiwalay ang mga lalaki sa babae hanggang sa pagbibinata, at tanggap ang homosekswal na aktibidad at hihinto ito pagkatapos ng kasal.[22]
Ipinagpalagay ni Gregory M. Herek, isang propesor ng sikiyatra sa University of California at Davis pagkatapos analisahin ang ilang pag-aaral: "Hindi ipinapakita ng empirikal na pagsasaliksik na mas nakakiling ang mga bisekswal na lalaki kaysa sa mga heterosekswal na lalaki sa pangmomolestya ng mga bata. Hindi ito pagtutol na hindi kailanman nangmomolestya ang mga homosekswal at bisekswal na lalaki ng mga bata. Ngunit walang siyentipikong batayan upang igiit na mas may kapasidad sila kaysa sa mga heterosekswal na lalaki... Marami sa mga nangmomolestya ng bata ay hindi maituring na nagtataglay ng oryentasyon ng taong nasa sapat na gulang; nakatuon sila sa mga bata."[24]
Kakulangan ng mga pari
[baguhin | baguhin ang wikitext]Naipagpalagay na ang kakulangan ng mga pari ang naging sanhi ng ganoong pagtugon ng herarkiya ng Katolika Romana, upang mapangalagaan ang dami ng klero at matiyak na sapat ang bilang upang mapaglingkuran ang mga kongregasyon, sa kabila ng mabibigat na alegasyon na hindi nararapat sa tungkulin ang ilan sa mga paring ito.[322]
Silipin din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Tara Isabella Burton, New Catholic sex abuse allegations show how long justice can take in a 16-year scandal, Vox, August 20, 2018
- ↑ "Hundreds of priests shuffled worldwide, despite abuse allegations". USA Today. Associated Press. 20 June 2004.
- ↑ Stephens, Scott (27 May 2011). "Catholic sexual abuse study greeted with incurious contempt". ABC Religion and Ethics. Nakuha noong 23 July 2012.
- ↑ Lattin, Don (17 July 1998). "$30 Million Awarded Men Molested by `Family Priest' / 3 bishops accused of Stockton coverup". San Francisco Chronicle. Nakuha noong 23 July 2012.
Attorney Jeff Anderson said the Howard brothers were repeatedly molested between 1978 and 1991, from age 3 to 13.
Reverend Oliver O'Grady later confessed to the abuse of many other children. The documentary Deliver Us from Evil explored his story and the cover-up by Diocesan officials. - ↑ Bush R. & Wardell H.S. 1900, Stoke Industrial School, Nelson (Report of Royal Commission On, Together With Correspondence, Evidence and Appendix) Government Printer; Wellington, 8.
- ↑ Bruni, Frank (2002). A Gospel of Shame: Children, Sexual Abuse, and the Catholic Church. HarperCollins. ISBN 0060522321.
- ↑ "Sex abuse victim accuses Catholic church of fraud". USA Today. 29 June 2010. Nakuha noong 24 June 2012.
- ↑ MOORE, Chris, "Betrayal of Trust: The Father Brendan Smyth Affair and the Catholic Church"; Marino 1995, ISBN 1-86023-027-X; the producer's book about the programme's content
- ↑ "The Pope Meets the Press: Media Coverage of the Clergy Abuse Scandal". Pew Research Center. 11 June 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Mayo 2013. Nakuha noong 15 September 2010.
- ↑ William Wan (11 June 2010). "Study looks at media coverage of Catholic sex abuse scandal". The Washington Post. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 June 2010. Nakuha noong 15 September 2010.
- ↑ Lewis, Aidan (4 May 2010). "Looking behind the Catholic sex abuse scandal". BBC News. Nakuha noong 16 June 2015.
- ↑ Paulson, Michael (8 April 2002). "World doesn't share US view of scandal: Clergy sexual abuse reaches far, receives an uneven focus". The Boston Globe. Nakuha noong 17 July 2012.
- ↑ This may be due in part to the more hierarchical structure of the Church in Third World countries, the "psychological health" of clergy in those regions, and because third world media, legal systems and public culture are not as apt to thoroughly discuss sexual abuse.
- ↑ Butt, Riazat; Asthana, Anushka (28 September 2009). "Sex abuse rife in other religions, says Vatican". The Guardian. London. Nakuha noong 10 October 2009.
- ↑ Pope sends first e-mail apology; http://news.bbc.co.uk; 23 Nov 2001
- ↑ Pope Deeply Sorry for Child Abuse; www.abc.net.au; 19 July 2008
- ↑ Pope's Apology: 'You have suffered grievously and I am truly sorry'; The Telegraph; 20 Mar 2010
- ↑ Pope Francis accuses Chilean church sexual abuse victims of slander, The Guardian, January 19, 2018
- ↑ Pope admits ‘grave error,’ apologizes for not believing Chilean sex abuse victims Washington Post, April 12, 2018
- ↑ NPR, Pope Francis Expresses 'Shame And Sorrow' Over Pennsylvania Abuse Allegations, August 16, 2018
- ↑ Pope Francis Pens Scathing Response To Clergy Sexual Abuse Scandal, AP, Huffington Post August 20, 2018
Mga tala
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ * In Ireland, a 2009 report (see Commission to Inquire into Child Abuse) covered cases during a span of six decades (from the 1950s), noting "endemic" sexual abuse in Catholic boys' institutions, with church leaders aware of the abuse, and government inspectors failing to "stop beatings, rapes and humiliation."("Police examine sex abuse report: The commission's report on church abuse ran to five volumes Police in the Irish Republic are examining if criminal charges can be brought over a damning report on child sex abuse at Catholic institutions". BBC News. 25 May 2009. Nakuha noong 2 August 2012.)
- In Australia, according to Broken Rites, a support and advocacy group for church-related sex abuse victims, magmula noong 2011[update] there were over one hundred cases in which Catholic priests were charged for child sex offenses.("Black Collar Crime in Australia". Broken Rites. 28 August 2011. Nakuha noong 18 September 2011.)(Campbell, James (29 August 2010). "Church must face scrutiny for child sex abuse". Sunday Herald Sun. Australia. Nakuha noong 24 September 2011.) A 2012 police report detailed 40 suicide deaths directly related to abuse by Catholic clergy in the state of Victoria.(Nick McKenzie, Richard Baker and Jane Lee. Church's suicide victims. Canberra Times 13 April 2012. http://www.canberratimes.com.au/victoria/churchs-suicide-victims-20120412-1wwox.html Naka-arkibo 2012-06-13 sa Wayback Machine. accessed 2 July 2012)
- Of the Catholic sexual abuse cases in Latin America, the most famous is arguably of the sexual scandal of Father Marcial Maciel, the leader of the Legion of Christ, a Roman Catholic congregation of pontifical right made up of priests and seminarians studying for the priesthood.("Archived copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 8 April 2010. Nakuha noong 2010-03-27.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: archived copy as title (link)) This occurred after the Legion spent more than a decade denying allegations and criticizing the victims who claimed abuse.("Money paved way for Maciel's influence in the Vatican" | work=National Catholic Reporter Naka-arkibo 2011-10-21 sa Wayback Machine.) - In Tanzania, Father Kit Cunningham, together with three other priests, was exposed as a pedophile after his death.
- "Abused: Breaking the Silence (2011) : Documentary". Digiguide.tv. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 March 2012. Nakuha noong 13 December 2011.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong) - Stanford, Peter (19 June 2011). "He was my priest and my friend. Then I found out he was a paedophile". The Guardian. London.
- Mary Kenny (20 June 2011). "Devastation and disbelief when abuse case hits close to home – Analysis, Opinion". Independent.ie. Nakuha noong 13 December 2011.)("Abused: Breaking the Silence". BBC. 21 June 2011. Nakuha noong 13 December 2011.) The abuse took place in the 1960s but was not revealed until 2011, largely through a BBC documentary.
- "Fr Kit Cunningham's paedophile past: heads should roll after the Rosminian order's disgraceful cover-up". The Daily Telegraph. London. 21 June 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 June 2011. Nakuha noong 1 October 2018.
- "Rosminian order admits 'inadequate' response to abuse". Catholicherald.co.uk. 22 June 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 September 2011. Nakuha noong 13 December 2011.
- Crace, John (22 June 2011). "TV review: Abused: Breaking the Silence; Submarine School". The Guardian. London.
- "Why didn't the Rosminian order tell us the truth about Fr Kit?". Catholicherald.co.uk. 20 June 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 August 2011. Nakuha noong 13 December 2011.
- "TV review: Abused: Breaking the Silence; Submarine School – UKPlurk". Entertainment.ukplurk.com. 21 June 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 March 2012. Nakuha noong 13 December 2011.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong) - "Former 1950s students to sue Catholic order over abuse". BBC News. 23 June 2011.
- "Abused: Breaking the Silence (2011) : Documentary". Digiguide.tv. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 March 2012. Nakuha noong 13 December 2011.