Pumunta sa nilalaman

Martin Frobisher

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Martin Frobisher
Larawan ni Sir Martin Frobisher na ipininta ni Cornelis Ketel noong 1577.
Kapanganakanc. 1535 o 1539
Kamatayan(1594-11-15)15 Nobyembre 1594 (edad 55–59)
NasyonalidadIngles
TrabahoMandaragat

Si Sir Martin Frobisher (c. 1535 o 1539 – 22 Nobyembre 1594) ay isang mandaragat na Ingles na nakagawa ng tatlong mga paglalakbay sa Bagong Mundo upang hanapin ang Lagusang Hilaga-Kanluran. Ang lahat ng mga sasakyang panlayag niya ay lumapag sa hilagang kanluran ng Canada, na nasa paligid ngayon ng Pulo ng Resolusyon at Dalampasigan ng Frobisher.[1] Sa kaniyang pangalawang paglalakbay, natagpuan ni Frobisher ang inisip niyang mineral na ginto at dinala niya ang 200 tonelada ng mga ito pabalik sa Inglatera na nakalulan sa tatlong mga barko, na ang paunang pagtatantiya ay nagkakahalaga ng £5.1 bawat tonelada. Dahil sa pagkaengganya, nagbalik si Frobisher sa Canada na may kasamang mas malaking pulutong ng mga barko at naghukay ng ilang mga mina sa paligid ng Dalampasigan ng Frobisher. Nagpahakot siya ng 1,350 mga tonelada ng mineral kung saan, pagkalipas ng ilang mga taon ng pagtutunaw, ay napag-alaman na ang una at ang ikalawang pangkat ng mineral ay mga pyrite ng bakal lamang na walang halaga. Bilang isang Ingles na pirata/pribadero (korsaryo), nakapaglikom siya ng mga kayamanan magmula sa mga barkong Pranses. Sa paglaon ay ginawaran siya ng pamagat na kabalyero dahil sa kaniyang paglilingkod na kinasangkutan ng pagtataboy ng Armada ng Espanya (pulutong ng mga barkong Kastila) noong 1588.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Canadian Encyclopedia". Historica Foundation, Toronto. 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Enero 2012. Nakuha noong 29 Marso 2013<Nakuha noong 31 Enero 2011> {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: postscript (link)


TalambuhayInglatera Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Inglatera ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.