Pumunta sa nilalaman

Little Caesars

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Little Caesar Enterprises Inc. (nagnenegosyo bilang Little Caesars) ay ang ikatlong pinakamalaking chain ng pizza sa Estados Unidos, pagkatapos ng Pizza Hut at Domino's Pizza.[1] Pinapatakbo at nagbibigay ng prangkisa ang mga kainan ng pizza nito sa Estados Unidos at sa buong mundo partikular sa Asya, Gitnang Silangan, Australya, Kanada, Amerikang Latin at ang Karibe. Naitatag ang kompanya noong 1959 at nakabase sa Detroit, Michigan, na may punong himpilan sa gusali ng Fox Theatre sa Downtown.[2] Tumatakbo ang Little Caesar Enterprises Inc. bilang sangay ng Ilitch Holdings, Inc. [3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "The 2015 Pizza Power Report" (sa wikang Ingles). PMQ Pizza Magazine. Nakuha noong 2015-01-08.
  2. "Franchise Opportunities" Naka-arkibo 2013-11-04 sa Wayback Machine.. () Little Caesars. 5/5. Hinango noong Nobyembre 2, 2009.
  3. "Little Caesar Enterprises, Inc.: Private Company Information - Bloomberg". www.bloomberg.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2017-07-17.