Led Zeppelin
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Led Zeppelin | |
---|---|
Kabatiran | |
Pinagmulan | London, England |
Genre | Hard rock, heavy metal, blues rock, folk rock |
Taong aktibo | 1968–80 (reunions: 1985, 1988, 1995, 2007) |
Label | Atlantic, Swan Song |
Dating miyembro | |
Website | ledzeppelin.com |
Ang Led Zeppelin ay isang Ingles na bandang rock na nabuo sa London noong 1968. Sila ay binubuo nina Jimmy Page, Robert Plant, John Paul Jones, at John Bonham. Ang kanilang mabigat na pinapatugtog ng gitara na tnog ay nagmula sa blues sa kanilang mga maagang album. Sila ay kinikilala bilang pinagmulan ng heavy metal music bagaman marami silang impluwensiya kabilang ang folk music.
Pagkatapos palitan ang kanilang pangalan mula sa Yardbirds, sila ay lumagda sa Atlantic Records. Sila ay sumikat sa mga album na Led Zeppelin (1969), Led Zeppelin II (1969), Led Zeppelin III (1970), untitled fourth album (1971), Houses of the Holy (1973), at Physical Graffiti (1975). Ang kanilang ikaapat na album na kinabibilangan ng track na "Stairway to Heaven", ang isa sa pinakasikat at maimpluwensiyang mga isinulat sa rock music. Si Page ang karamihang sumulat ng mga kanta ng banda samantalang si Plant ang nagbigay ng mga titik. Ang banda ay nabuwag pagkatapos ng kamatayan ni Bonham noong 1980.
Ang Led Zepellin ang isa sa pinakabumentang artist sa kasaysayan na nakapagbenta ng 200 hanggang 300 milyong unit sa buong mundo.