Pumunta sa nilalaman

Lansangang-bayang N651

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lansangang N651 (Pilipinas))

Ang lansangang N651 (o Pambansang Ruta Blg. 651 o sa payak Rutang 651) ay isang pambansang daang sekundarya sa sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas. Isa ito sa mga pambansang daang sekundarya na may dalawang hindi magkalapit na mga bahagi. Ang isa ay dumadaan sa bayan ng Carmona sa lalawigan ng Kabite sa Calabarzon[1], habang dumadaan naman ang isa sa lalawigang-pulo ng Catanduanes sa Kabikulan[2].

N651 sa Kabite.

Dumadaan ang N651 sa isang bahagi ng Daang Governor sa bayan ng Carmona, kung saang kilala ito bilang Carmona Diversion Road (Daang Panlihis ng Carmona). Pagkaraang dumaan sa kabayanan ng Carmona, ang nalalabing bahagi ng daan patungong lalawigan ng Laguna ay sinama ng N65.

Sa lalawigan ng Catanduanes, dumadaan ang N651 sa mga bayan ng Panganiban at Caramoran, kung saang kilala ang nakamarkang daan bilang Daang Panganiban–Sabloyon (Panganiban–Sabloyon Road).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "2016 DPWH Road Data - Cavite Sub". Department of Public Works and Highways. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-10-02. Nakuha noong 13 Marso 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "2016 DPWH Road Data - Catanduanes". Department of Public Works and Highways. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-03-14. Nakuha noong 13 Marso 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)