Pumunta sa nilalaman

Lalawigan ng Nakhon Phanom

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Nakhon Phanom

นครพนม
Ilog Mekong, Lalawigan ng Nakhon Phanom, kabila ang Khammouan, Laos
Ilog Mekong, Lalawigan ng Nakhon Phanom, kabila ang Khammouan, Laos
Watawat ng Nakhon Phanom
Watawat
Opisyal na sagisag ng Nakhon Phanom
Sagisag
Mapa ng Taylandiya na nagpapakita ng lalawigan ng Nakhon Phanom
Mapa ng Taylandiya na nagpapakita ng lalawigan ng Nakhon Phanom
Bansa Thailand
CapitalBayan ng Nakhon Phanom
Pamahalaan
 • GobernadorBakante
Lawak
 • Kabuuan5,637 km2 (2,176 milya kuwadrado)
Ranggo sa lawakIka-38
Populasyon
 (2019)[2]
 • Kabuuan719,136
 • RanggoIka-38
 • Kapal127/km2 (330/milya kuwadrado)
 • Ranggo sa densidadIka-36
Human Achievement Index
 • HAI (2017)0.5742 "somewhat low"
Ika-49
Sona ng orasUTC+7 (ICT)
Postal code
48xx
Calling code042
Kodigo ng ISO 3166TH-48
Websaytnakhonphanom.go.th

Ang Lalawigan ng Nakhon Phanom (Thai: นครพนม, binibigkas [ná(ʔ).kʰɔ̄ːn pʰā.nōm]) ay isa sa pitumpu't anim na lalawigan (changwat) ng Taylandiya sa itaas na hilagang-silangan ng Taylandiya na tinatawag ding Isan. Ang mga direktang karatig na lalawigan ay (mula sa timog paikot pakanan): Mukdahan, Sakon Nakhon, at Bueng Kan. Sa hilagang-silangan ito ay hangganan ng Khammouan ng Laos.

Ang lalawigan, sa lambak ng Ilog Mekong, ay halos kapatagan. Ang hilagang bahagi ng lalawigan ay may mas mataas na kabundukan, natatakpan ng kagubatan. Ang pangunahing ilog sa hilagang bahagi ay ang Ilog Songkhram na may mas maliit na Ilog Oun. Ang katimugang bahagi ay mas patag kung saan ang Ilog Kum ang tanging kapansin-pansing daluyan ng tubig. Ang kabesera ng probinsiya, ang lungsod ng Nakhon Phanom, ay nasa pampang ng Mekong. Ang kabuuang lugar ng kagubatan ay 789 square kilometre (305 mi kuw) o 14 na porsiyento ng sakop ng lalawigan.

Mga pambansang liwasan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pangalang Nakhon Phanom, ibig sabihin ay 'lungsod ng mga bundok', ay ibinigay sa lungsod ni Haring Rama I. Walang mga bundok sa loob mismo ng Nakhon Phanom, ang mga apog na bundok ay puro sa lungsod ng Thakhek sa Laos sa kabilang panig ng Ilog Mekong. Ang Nakhon Phanom ay mas tumpak na inilarawan bilang isang lungsod kung saan makikita ang mga bundok.

Ang lugar ay matagal nang tinirahan ng mga Lao at kabilang sa Kahariang Lan Xang. Matapos itong mapasailalim sa kontrol ng Kahariang Ayutthaya, ang populasyon ay nanatiling pangunahing nagsasalita ng Lao. Noong una ay kilala ito bilang Si Khottrabun, at sa panahon ng paghahari ni Haring Rama I ay tinawag na Marukkanakhon.

Sa panahon ng Digmaang Amerikano (o Digmaang Biyetnam) Nakita ng Nakhon Phanom ang labanan sa pagitan ng mga rebeldeng Hilagang Biyetnames at puwersa ng Estados Unidos. Noong dekada 1960, 73 sa 131 sub-distrito (tambon) ang diumano'y pinasok ng mga komunistang Biyetnames at Lao, at ang lalawigan ay kilala bilang "pusod ng insurhensiya".[kailangan ng sanggunian] ng Estados Unidos at Taylandiya ayMaharlikang Nabal na Baseng Taylandes ng Nakhon Phanom, kung saan ang militar ng Taylandiya ay naging tahanan ng 56th Air Commando Wing, na nagsagawa ng mga espesyal na operasyon laban sa parehong Daang Ho Chi Minh sa Laos at nagsagawa ng mga operasyong kontrainsurhensiya laban sa mga Taylandes na puwersang komunista habang nagsasagawa ng search and rescue operations lalo na sa loob ng Laos at Hilagang Biyetnam.

Noong 7 Agosto 1965, ang isang etnikong nayon ng Phu Thai sa lalawigan, ay naging mga punong balita nang mangyari ang kauna-unahang pisikal na paghaharap ng Taylandiya sa pagitan ng mga komunistang mandirigma at mga puwersang panseguridad ng Taylandiya. Walong komunistang taganayon ang sangkot, isa sa kanila ang nabaril sa insidente matapos mapalibutan ang bayan ng mga puwersa ng estado.[5]

Sa pagitan ng 1967 at 1971, karamihan sa mga rebeldeng komunista ay natalo. Sa pagtatapos ng Digmaang Biryenames, inilipat ng mga puwersa ng Estados Unidos ang kanilang mga operasyong militar ng Indotsino sa Nakhon Phanom.[kailangan ng sanggunian]

Ang Biyetnames na komunistang pinuno na si Ho Chi Minh ay nanirahan mula 1928 at 1931 sa Ban Nachok, isang maliit na nayon sa kalsada sa pagitan ng ngayon ay baseng panghimpapawid at Nakhon Phanom. Ang kaniyang dating tahanan at isang museo ay bukas sa publiko.[6]

Kabilang sa mga mahahalagang pagdiriwang sa lalawigan ang mga tradisyonal na sayaw ng pangkat etnikong Phu Thai na ginaganap tuwing Mayo at Hunyo bawat taon. Ang templong piyesta ng Phra That Phanom ay isinasagawa tuwing Pebrero, kapag maraming mga lokal ang bumibisita sa templo upang magbigay-pugay. Sa pagtatapos ng Kuwaresma ng Budista tuwing Nobyembre, nangyayari ang isang prusisyon ng mga inilawang mga bangka.

Mga dibisyong pang-administratibo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mapa ng 12 distrito

Pamahalaang panlalawigan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang lalawigan ay nahahati sa 12 distrito (amphoe). Ang mga distrito ay nahahati pa sa 97 mga subdistrito (tambon) at 1,040 na mga nayon (muban).

  1. Mueang Nakhon Phanom
  2. Pla Pak
  3. Tha Uthen
  4. Ban Phaeng
  5. Yung Phanom
  6. Renu Nakhon
  1. Na Kae
  2. Si Songkhram
  3. Na Wa
  4. Phon Sawan
  5. Na Thom
  6. Wang Yang

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "ตารางที่ 2 พี้นที่ป่าไม้ แยกรายจังหวัด พ.ศ.2562" [Table 2 Forest area Separate province year 2019]. Royal Forest Department (sa wikang Thai). 2019. Nakuha noong 6 April 2021, information, Forest statistics Year 2019, Thailand boundary from Department of Provincial Administration in 2013{{cite web}}: CS1 maint: postscript (link)
  2. รายงานสถิติจำนวนประชากรและบ้านประจำปี พ.ส.2562 [Statistics, population and house statistics for the year 2019]. Registration Office Department of the Interior, Ministry of the Interior. stat.bora.dopa.go.th (sa wikang Thai). 31 December 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Hunyo 2019. Nakuha noong 26 February 2020.
  3. Human achievement index 2017 by National Economic and Social Development Board (NESDB), pages 1-40, maps 1-9, retrieved 14 September 2019, ISBN 978-974-9769-33-1
  4. 4.0 4.1 "ข้อมูลพื้นที่อุทยานแห่งชาติ ที่ประกาศในราชกิจจานุบกษา 133 แห่ง" [National Park Area Information published in the 133 Government Gazettes] (sa wikang Thai). December 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Nobiyembre 2022. Nakuha noong 1 November 2022. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  5. Drahmoune, Fabian (2015-08-13). "Northeasterners Mark 50th Anniversary of the Communist Armed Struggle". The Isaan Record. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-08-09. Nakuha noong 24 August 2015.
  6. Brocheux, Pierre (2007). Ho Chi Minh: A Biography (Hardcover). Sinalin ni Claire Duiker. Cambridge University Press. ISBN 9780521850629. Nakuha noong 24 May 2018.