Pumunta sa nilalaman

Kutsilyo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Iba't ibang uri ng kutsilyo

Ang kutsilyo o kampet ay isang uri ng kubyertos o armas. Ginagamit itong panghiwa ng pagkain o kaya'y pangdepensa sa sarili.[1]

Ang mga pinakaunang kutsilyo ay ginawa gamit ang iba't ibang uri ng bato tulad ng obsidiyano at batong pingkian. Sa panahon ng Paleolithic , gumamit ang mga "Homo habilis" ng kahoy at buto. Limang-libong taon nang nakakaraan, unti-unti itong napalitan ng mga bakal. Kahawig nito ang mga sinaunang kutsilyo na gawas sa flint. Ang mga modernong kutsilyo naman ay gawa sa mga pinaghalong mga bakal, carbon fiber, seramika at titanyo.

Uri ng mga Kutsilyo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Bayoneta: Isang kutsilyong nakakabit sa dulo ng mga mahahabang baril.
  • Kutsilyong Militar: Uri ng kutsilyo na karaniwang ginagamit ng mga sundalo at tauhang-militar.
  • Karambit na kutsilyo: Ginamit bilang sandata.[2]
  • Kutsilyong Pangtinapay: Kutsilyong ginagamit na panghiwa sa tinapay at emparados.
  • Kutsilyong Pangkusina: Kahit anong uri ng kutsilyo na ginagamit sa paghanda ng pagkain.
  • Kutsilyong Pangsisid: Ginagamit ng mga maninisid para sa pagkuha ng perlas atbp.
  • Skalpel: Gamit ng mga siruhano sa pag-oopera

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. English, Leo James. Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X
  2. "Karambit na kutsilyo". KnivesExpert. Nakuha noong 2020-09-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.