Pumunta sa nilalaman

Kuneiporme

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang cuneiform ang isa sa mga nalalamang sinaunang anyo ng nakasulat ng wika.

Ang kuneiporme (Ingles: cuneiform; Kastila: cuneiforme) ay isa sa mga pinakamaagang sistema ng pagsulat. Ito ang paraan ng pagsulat ng mga Sumerian. Sa simula, mga marka lamang itong makikita sa pagdiin sa mga luwad na tableta. Gumagamit ang mga eskriba (scribe; tagasulat sa templo) ng isang maliit na patpat na tinatawag na stylus. Hango ang cuneiform sa salitang Latin na cunneus o ang kombinasyon ng mga wedge na ginagamit na tanda nito. Hindi sa papel sumusulat ang mga Sumerian kundi sa tabletang luwad na ginagamitan ng stylus habang malambot. Pagkatapos, pinatutuyo ito sa araw hanggang sa tumigas.

Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.

WikaPanitikan Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika at Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.