Pumunta sa nilalaman

Kiyawa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kiyawa
Histopathogic na larawan ng hydatidiform mole (complete type). H & E stain.
EspesyalidadPatolohiya Edit this on Wikidata
Hydatidiform mole sa CT, sagittal na tanaw
Hydatidiform mole sa CT, axial na tanaw

Ang kiyawa o hydatidiform mole ay isang abnormal na pagdadalang-tao o pagbubuntis kung saan natatanim sa bahay-bata ang bugók na napunlaang itlog na di-magpapatuloy na mabuô.

Kasaysayang likas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang kiyawa ay isang pagbubuntis/conceptus kung saan ang inunan ay nagtataglay ng mala-ubas na mga besikulo (maliliit na sacs) na karaniwang makikita ng hubad na mga mata. Ang mga besikulo ay lumulutang dahil sa distention o pamamagà ng chorionic villi sanhi ng fluid. Kapag titingnan sa mikroskopyo, mapapansin ang hyperplasia ng trophoblastic tissue. Kung hindi ito magagamot, tiyak na mauuwi sa pagkakunan ang kiyawa.

Ayon sa morpolohiya, ang mga kiyawa ay nahahati sa dalawang uri: sa complete mole, lahat ng chorionic villi ay besikular at di-makikitaan ng anumang development ang embryo o fetus. Sa mga partial mole ang ilang villi ay besikular, ang ilan naman ay mukhang normal at makikitaan ng development ang embryo o fetus, ngunit hindi na ito magpapatuloy mabuo.

Karaniwang kumplikasyon ng pagbubuntis ang kiyawa, malimit nagkakaroon ang isa sa bawat 1,000 pagbubuntis sa Estados Unidos, higit namang mataas ang antas sa Asya (gaya ng hanggang isa sa bawat 100 pagbubuntis sa Indonesia).[1]

Sa mangilan-ngilang kaso ang kiyawa ay maaring sumabay sa isang normal at mabubuhay na fetus, dahil ito sa pagkakambal. Naglalaman ang bahay-bata ng dalawang conceptus: isang abnormal na inunan na di-mabubuhay ang fetus (kiyawa), at isang normal na inunan na may mabubuhay na fetus. Sa masusing pagsubaybay posibleng ianak ng babae ang normal na bata at mapagaling sa kiyawa.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Di Cintio E, Parazzini F, Rosa C, Chatenoud L, Benzi G (1997). "The epidemiology of gestational trophoblastic disease". Gen Diagn Pathol. 143 (2–3): 103–8. PMID 9443567.{{cite journal}}: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  2. Sebire NJ, Foskett M, Paradinas FJ; atbp. (June 2002). "Outcome of twin pregnancies with complete hydatidiform mole and healthy co-twin". Lancet. 359 (9324): 2165–6. doi:10.1016/S0140-6736(02)09085-2. PMID 12090984. {{cite journal}}: Explicit use of et al. in: |author= (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)