Pumunta sa nilalaman

Kaharian ng Sicilia

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kaharian ng Sicilia
Regnu di Sicilia (sa Sicilian)
Regno 'e Sicilia (sa Napolitano)
Regnum Siciliae (sa Latin)
Regno di Sicilia (sa Italyano)
1130–1816
The Kingdom of Sicily as it existed at the death of its founder, Roger II of Sicily, in 1154
The Kingdom of Sicily as it existed at the death of its founder, Roger II of Sicily, in 1154
Kabisera
Karaniwang wikaLatin, Sicilian, Neapolitan, Gallo-Italic, Italian, Arabic, Greek
Relihiyon
Roman Catholicism, Greek Orthodoxy, Islam
PamahalaanAbsolute monarchy
King 
• 1130-1154
Roger II
• 1266-1282
Charles I of Anjou
• 1759-1816
Ferdinand III
Kasaysayan 
1130
1282
1816
SalapiSicilian piastra
Pinalitan
Azure, a bend counter-compony gules and argent County of Sicily
Azure, a bend counter-compony gules and argent Duchy of Apulia
Bahagi ngayon ng Italya  Malta

Ang Kaharian ng Sicilia (Italyano: Regno di Sicilia, Latin: Regnum Siciliae, Sicilian: Regnu di Sicilia, Neapolitano: Regno 'e Sicilia) ay isang estado na umiral sa timog ng Italya mula sa pagkakatatag nito ni Roger II noong 1130 hanggang 1816. Ito ay isang kahaliling estado ng Kondado ng Sicily na itinatag noong 1071 noong pananakop na Normano ng katimugang Italya. Hanggang 1282, ang Kaharian ay sumakop hindi lamang sa isla ng Sicilia kundi pati sa buong rehiyong Mezzogiorno at arkipelagong Maltese. Ang isla ay hinati sa tatlong mga rehiyon: Val di Mazara, Val Demone and Val di Noto.

Noong 1282, sa isang pag-aalsa laban sa pamumunong Angevin na kilala bilang Sicilian Vespers ay nagpatalsik sa pamumuno ni Charles ng Anjou sa isla ng Sicily. Nagawa ng mga Angevin na panatilihin ang kontrol sa pangunahing lupain na bahagi ng kaharian na naging isang hiwalay na entidad na inistilo ring Kaharian ng Sicily bagaman ito ay karaniwang tinutukoy na Kaharian ng Naples na ipinangalan sa kabisera nito. Ang isla ay naging isang hiwalay na kaharian bilang kaharian ng Korona ng Aragon. Pagkatapos ng 1302, ang islang kaharian ay minsang tinatawag na Kaharian Trinacria.[1] Kadalasan, ang paghahari ay ipinagkakaloob sa isa pang monarko gaya ng Hari ng Aragon, ang Hari ng Espanya o Banal na Emperador Romano. Noong 1816, ang islang kaharian ay sumanin sa Kaharian ng Naples upang bumuo ng Kaharian ng Dalawang Sicilia. Noong 1861, ang area nito ay nakipag-isa sa Kaharian ng Italya.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. N. Zeldes (2003). The former Jews of this kingdom: Sicilian converts after the Expulsion, 1492-1516. BRILL. pp. 5, 69, 296–97. ISBN 90-04-12898-0.