Pumunta sa nilalaman

Juan Luna

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Juan Luna
Kapanganakan23 Oktubre 1857
Kamatayan7 Disyembre 1899
TrabahoPintor

Si Juan Luna de San Pedro y Novicio Ancheta ang nagpinta ng pamosong larawan na “Spoliarium”. Siya ay nakilala sa buong mundo sa pamamagitan ng kanyang pinsel gaya ng pagkakilala sa kanyang mga kaibigan sa pamamagitan ng pluma at espada.

Pintang “Spoliarium” ni Juan Luna na matatagpuan sa Pambansang Museo.

Siya ay ipinanganak noong 23 Oktubre 1857 sa Badoc, Ilocos Norte kina Joaquin Luna at Laureena Novicio sa Badoc, Ilocos Norte.

Nag-aaral siya sa Ateneo de Manila. Ang pangarap niyang maging isang mandaragat ay natupad matapos siyang mag-aral at magtrabaho sa barko sa murang gulang na 16. Marami siyang napuntahang magandang lugar at iba't ibang tao ang kanyang nakasama. Bagamat napagtala siya bilang mandaragat huminto para lamang maipagpatuloy niya ang pag-aaral sa pagpinta.

Nag-aral siya Academio de Dibujo y Pintura sa Maynila noong 1876 sa kursong Bellas Artes. Ipinagpatuloy niya ang kursong ito sa Madrid, Espanya. Personal din siyang nagpaturo ng pagpinta kay Alejo Vera na siyang nagdala sa kanya sa bansang Rome, Italy. Pumunta siya sa Barcelona, Espanya noong 1877 at doon siya naging propesyonal na pintor noong 1880. Nang nagwagi siya ng pangalawang karangalan sa Eksposisyon sa Madrid dahil sa ginuhit niyang The Death of Cleopatra. Ito ay binili ng Gobyernong Kastila at ginawang permanenteng exhibit sa Museo Nacional de Pinturas, Salon de Pintures Modernas.

Tumanyag ang pangalan ni Luna nang ginawaran ng gintong medalya ang kanyang Spoliarium sa Exposición Nacional de Bellas Artes sa Madrid noong 1884. Ito binili rin ng Diputación Provincial de Barcelona sa halagang 20,000 pesetas noong 1886.

Ang iba pa niyang nilikha ay ang Pacto de Sangre, Idilio, España y Filipinas, Lavandera, Escena Mariquina, Batalla de Lepanto, at iba pa.

Noong Oktubre, 1884, lumipat siya sa Paris kung saan niya ipinagpatuloy ang pagpinta.

Si Juan Luna ay nagpakasal kay Paz Pardo de Tavera noong 1886 at noong 1894 pagkalipas ng 17 taon napagkawalay sa Pilipinas ay siya ay bumalik. Siya ay napagsuspetsahan na isa sa mga kasangkot sa pagpapasimula ng rebolusyon kaya’t siya ay hinuli at ikinulong. Pinatawad siya ng Espanya noong 27 Mayo 1897.

Sa taong 1898, si Luna ay itinalaga ni Heneral Aguinaldo na isang sugo sa Europa para ipresenta ang panig ng mga Pilipino sa usaping pagkapayapaan. Siya ay inatake sa puso at namatay noong 7 Disyembre 1899 sa Hong Kong.

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]