Pumunta sa nilalaman

John Rackham

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si John Rackham (27 Disyembre 1682 – 18 Nobyembre 1720[1]), na karaniwang nakikilala bilang Calico Jack, ay isang Ingles na kapitang pirata na nagsasagawa ng operasyon o mga gawain ng pandarambong sa Bahamas at sa Cuba noong kaagahan ng ika-18 daantaon. Ang apelido ni Rackham ay madalas na binabaybay bilang Rackam o Rackum sa dokumentasyong pangkasaysayan, at madalas din siyang tinutukoy bilang Jack Rackham. Ang palayaw niya ay hinango mula sa telang calico ng kasuotan niya, kung kaya't ang Jack ay isang diminutibo ng John.

Masigla hanggang sa katapusan (1717–1720) ng "ginintuang panahon ng pamimirata" (1690–1730), pinaka naaalala si Rackham dahil sa dalawang mga bagay: ang disenyo ng kaniyang watawat na Jolly Roger, isang bungo na mayroong pinagkrus na mga espada, na nakapag-ambag sa pagpapatanyag ng disenyo, at dahil sa pagkakaroon ng dalawang mga tauhang babae na si Mary Read at ang mangingibig ni Rackham na si Anne Bonny.

Pagkaraang alisin si Charles Vane mula sa pagkakapitan, naglayag si Rackham sa Kapuluang Leeward, Kanal ng Jamaica at Lagusang Windward. Tumanggap siya ng kapatawaran noong 1719 at lumipat sa New Providence kung saan nakatagpo niya si Anne Bonny, na noon ay kasal kay James Bonny. Nang manumbalik si Rackham sa panunulisan noong 1720, sa pamamagitan ng pagnanakaw ng isang Britanikong sloop (isang uri ng bangkang may layag), sumama sa kaniya si Anne Bonny. Kabilang sa kanilang bagong mga tauhan si Mary Read. Pagkaraan ng isang maiksing pagtakas sa mga tumutugis sa kaniya, nahuli siya ng manghuhuli ng pirata na si Jonathan Barnet noong 1720, bago ibinigti noong Nobyembre nang taon ding iyon sa Port Royale, Jamaica.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. The Tryals of Captain John Rackham (172)


TalambuhayInglatera Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Inglatera ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.