Johann Jakob Wick
Johann Jakob Wick | |
---|---|
Kapanganakan | 1522
|
Kamatayan | 14 Agosto 1588
|
Mamamayan | Suwisa |
Trabaho | teologo, manunulat |
Si Johann Jakob Wick (1522 - 1588) ng Zürich ay ang may-akda ng at mangguguhit sa Wickiana (Die Wickiana o "Ang Wickiana"), na isang kalipunan ng mga pilas ng papel na isahan ang pahina na pinagsama-sama sa 24 na mga tomo sa pagitan ng 1560 at 1587. Isa itong mahalagang napagkukunan ng kabatiran hinggil sa protestanteng Repormasyon sa Suwisa.
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Namuhay si Wick sa Zürich na pinamunuan ni Heinrich Bullinger, na kahalili ni Huldrych Zwingli. Nag-aral siya ng teolohiya sa Tübingen, at naging pastor ng Witikon, sa ospital ng lungsod, at sa Predigerkirche. Pagkaraan nito, naging kanon at ikalawang arsodiyakuno siya sa Grossmünster.
Ang mga kasulatan ni Wick ay tinipon sa aklatan ng monasteryo ng Grossmünster pagkaraan ng kaniyang kamatayan noong 1588. Inilipat ang mga dokumentong ito papunta sa Zentralbibliothek Zürich noong 1836. Ang orihinal na kalipunan ay nahahati sa pagitan ng mga manuskrito ng aklatan at mga kahatian ng maaagang mga limbag noong 1925. Ang katipunan ng mga limbag ay binubuo ng isang kabuoan ng 429 mga pag-iimprenta ng orihinal na katipunan sa Grossmünster (PAS II 1 - 24) pati na sampung mga bagay na idinagdag sa pagdaka (PAS II 25). Ang bahagi ng manuskrito ay mayroong mga talatuntunang pang-aklatan na "Ms F 12–35". Nalathala ang bahagi ng kalipunan na nasa anyong facsimile o "kamukha ng orihinal" sa isang edisyon na mayroong komentaryo noong 1997 hanggang 2005.
Mga halimbawa
[baguhin | baguhin ang wikitext]-
Isang tipaklong.
-
Ang mongheng si Bastian Hegner na bumagsak at namatay sa Rapperswil noong 12 Nobyembre 1561.
-
Isang bata sa Maschwanden na inatake ng isang baboy at namatay.
-
Sa Hinebre, dalawang mga monghe ang hinagupit dahil sa salang pandaraya.
-
Ang Malaking Bulalakaw noong 1577, Prag, 12 Nobyembre 1577.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Mga Suwisong salaysay na mayroong mga larawan
- Kasaysayan ng Zürich
- Historyograpiya ng Suwisa
- Reporma sa Suwisa
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- M. Senn, Die Wickiana. Johann Jakob Wicks Nachrichtensammlung aus dem 16. Jahrhundert, Zürich 1975.
- Franz Matthias Mauelshagen, Wunderkammer auf Papier. Die Wickiana zwischen Reformation und Volksglaube, Diss. Univ. Zürich, Zürich 2008.
- Wolfgang Harms, Michael Schilling (mga patnugot), Die Wickiana. Die Sammlung der Zentralbibliothek Zürich, Tübingen 1997–2005.
Mga kawing na panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- (sa Aleman) Zentralbibliothek Zürich