Ina ng Pitong Hapis
Ang Ina ng Pitong Hapis (Latin: Mater Dolorosa; Ingles: Our Lady of Sorrows) ay isang titulo ng Mahal na Birheng Maria. Ito ay kaugnay ng mga hapis o dalamhati sa kanyang buhay. Isang kilala at paboritong paksa ito sa sining sa loob ng Simbahang Katoliko.
Ang Pitong Hapis ni Maria ay isang tanyag na debosyon sa mga Katoliko. Sila ay may ilang mga panalangin na humihikayat na pagnilayan ang kanyang Pitong Hapis. Gayundin naman, mayroon ding kaugnay na debosyon para sa Pitong Tuwa ni Maria.
Ang pitong mga hapis
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Pitong Hapis ay mga pangyayari sa buhay ng Mahal na Birheng Maria at isang kilalang debosyon. Madalas din itong maging paksa sa mga likhang-sining.
Ugali na ng mga Katoliko ang magdasal araw-araw ng isang Aba Ginoong Maria para sa bawat Hapis.
- Ang Hula ni Simeon sa sanggol na si Hesus (Lukas 2:34)
- Ang Pagtakas Patungong Ehipto ng Banal na Mag-Anak (Mateo 2:13)
- Ang Pagkawala ng Batang Hesus ng Tatlong Araw (Lukas 2:43)
- Ang Pagkasalubong ni Hesus at Maria sa Daan ng Krus (Lukas 23:26)
- Ang Pagkamatay ni Hesus sa Krus, kung saan ang kanyang Ina'y nakatayo sa paanan ng Krus (Juan 19:25)
- Ang Pagbababa Mula sa Krus kay Hesus, kung saan kinalong ni Maria ang bangkay ni Hesus (Mateo 27:57)
- Ang Paglilibing kay Hesus (Juan 19:40)
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.