Pumunta sa nilalaman

ISO 3166-1

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang ISO 3166-1 ay isang pamantayang nagtatakda ng mga kodigo para sa mga pangalan ng mga bansa, mga teritoryong dependiyente, at mga espesyal na lugar na pinag-iinteresan sa heograpiya. Ito ang unang bahagi ng pamantayang ISO 3166 na inilathala ng Organisasyong Pandaigdig para sa Pagsasapamantayan.

Binibigyang-kahulugan nito ang tatlong pangkat ng mga kodigong pambansa:[1]

  • ISO 3166-1 alpha-2 – mga dalawang-titik na kodigong pambansa na pinakagamit sa mga pinakamataas na dominyo ng kodigong pambansa ng Internet (na may ilang mga pagbubukod).
  • ISO 3166-1 alpha-3 – mga tatlong-titik na kodigong pambansa na mas madaling iugnay sa mga pangalan ng mga bansa kaysa sa mga kodigong alpha-2.
  • ISO 3166-1 numeric – mga tatlong-dihitong kodigong pambansa na kapareho ng mga binuo at pinananatili ng Dibisyon ng Estadistika ng Mga Nagkakaisang Bansa, na lamang sa pagkawalang-dependensiya sa iisang sistema ng pagsulat, at kaya nakatutulong sa mga tao o sistemang gumagamit ng mga sulating di-Latin.

Unang naisama ang mga alpabetikong kodigong pambansa sa ISO 3166 noong 1974, at unang naisama ang mga numerikong kodigong pambansa noong 1981. Nailathala ang mga kodigong pambansa bilang ISO 3166-1 mula noong 1997, nang pinalawak ang ISO 3166 sa tatlong bahagi, kung saan nagtatakda ang ISO 3166-2 ng mga kodigo para sa mga subdibisyon at nagtatakda ang ISO 3166-3 ng mga kodigo para sa mga dating bansa.[1]

Bilang pamantayang pandaigdig na ginagamit nang malawakan, inilalapat ang ISO 3166-1 sa iba pang mga pamantayan at ginagamit ng mga internasyonal na organisasyon[1] upang padaliin ang pagpapalitan ng mga kalakal at impormasyon.[1] Subalit, hindi ito ang tanging pamantayan para sa mga kodigong pambansa. Medyo o ganap na nag-iiba sa ISO 3166-1 ang mga ibang kodigong pambansa na ginagamit ng maraming internasyonal na organisasyon,[1] bagama't halos magkatugma ang ilan sa mga kodigo ng ISO 3166-1.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 "Country Codes – ISO 3166" [Mga Kodigong Pambansa – ISO 3166] (sa wikang Ingles). International Organization for Standardization (ISO). Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-01-23. Nakuha noong 2018-05-09.