Hipokratikong mukha
Ang Hipokratikong mukha (Ingles: Hippocratic face o Hippocratic facies[1]; Latin: facies Hippocratica) ay ang pagbabagong nagaganap sa mukha dahil sa naghihintay na kamatayan ng isang tao o nilalang[2], o matagalang pagkakasakit, labis na pagdumi, lubhang kagutuman, at mga katulad. Mapapansin sa mukha ng pasyente ang pagtulis o pagtalim[1] ng pinisil na ilong, nakalubog na mga mata, humpak na mga pilipisan (binabaybay ding palipisan) o sintido, madarama rin ang panlalamig at pag-urong o pag-atras ng mga tainga, banat at tuyong balat sa noo, namumutla o kayumangging[1] kutis, nakalaylay, mahina o nangangalay at malalamig na mga labi. Tinatawag itong Hipokratikong mukha dahil una itong nilarawan ni Hippocrates. Kaugnay ito ng cachexia.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 Robinson, Victor, pat. (1939). "Peritonitis, Hippocratic facies". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 305 at 575. - ↑ "Dorlands Medical Dictionary:hippocratic facies".
Ang lathalaing ito na tungkol sa Panggagamot at Karamdaman ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.