Hagia Sophia
Ἁγία Σοφία (Griyego) Sancta Sapientia (Latin) Ayasofya (Turko) | |
Mga koordinado | 41°00′30″N 28°58′48″E / 41.00833°N 28.98000°E |
---|---|
Kinaroroonan | Fatih, Istanbul, Turkiya |
Nagdisenyo | Isidore ng Miletus Antemio ng Trales
|
Materyal | Tinabtab na bato, ladrilyong Romano |
Habà | 82 m (269 tal) |
Lápad | 73 m (240 tal) |
Taas | 55 m (180 tal) |
Sinimulan noong | 360 |
Natápos noong | 537 |
Inihandog kay | Ang Banal na Karunungan, isang pagtukoy sa ikalawang persona ng Santatlo, o Hesukristo[2] |
Website | |
Bahagi ng | Makasaysayang Lugar ng Istanbul |
Pamantayan | Kultural: i, ii, iii, iv |
Sanggunian | 356 |
Inscription | 1985 (ika-9 sesyon) |
Ang Hagia Sophia (lit. na 'Banal na Karunungan'; Sinaunang Griyego: Ἁγία Σοφία, romanisado: Hagía Sophía; Latin: Sancta Sapientia; Turko: Ayasofya), opisyal bilang Moskeng Grande ng Hagia Sophia (Turko: Ayasofya Camii),[3] ay isang moske at pangunahing lugar na pangkalinangan at pangkasaysayan sa Istanbul, Turkiya. Tinayo ng tatlong beses ang gusali ng Silanganing Imperyong Romano. Ikatlo ang kasalukuyang Hagia Sophia na itinayo noong 537 AD. Bagaman tinanggap ang titulo nito bilang isang simbahang ortodokso, isang moske, isang museo, at isang moske uli, dala ng gusali ang isang titulo ng isang Katolikong katedral sa mahabang panahon pagkatapos ng ikaapat na krusada.[4] Sa madaling salita, pagkatapos ng pagtatayo ng Simbahang Ortodokso, tapos ng Katolikong Katedral, tapos ang pananakop ng Otomano ng Istanbul noong Mayo 29, 1453, napalitan ito sa isang moske, pagkatapos ng pagkakatatag ng Republika ng Turkiya, naging museo ito noong 1935, at tapos, naging moske uli noong 2020.
Itinayo ang kasalukuyang istraktura ng emperador na Bisantino na si Justiniano I bilang ang katedral Kristiyano ng Konstantinople para sa Imperyong Bisantino sa pagitan ng 532 at 537, at dinisenyo ng mga heometrong Griyegong sina Isidore ng Miletus at Antemio ng Trales.[5] Itinuturing itong ehemplo ng arkitekturang Bisantino[6] at sinasabing "pinalitan nito ang kasaysayan ng arkitektura".[7] Ang kasalukuyang gusaling Justiniano ay ang ikatlong simbahan ng parehong pangalan na inukopa ng lugar, habang nawasak ang nakaraang gusali sa mga kaguluhang Nika. Bilang isang sedeng epispokal ng patriyarkang ekunemiko ng Konstantinople, nanatili itong pinakamalaking katedral sa mundo sa halos isang libong taon, hanggang nakumpleto ang Katedral ng Sevilla noong 1520. Simula ng kasunod na arkitekturang Bisantino, naging tipikal na halimbawang anyo ng simbahang Ortodokso ang Hagia Sophia, at tinularan ang istilong pang-arkitektura nito ng mga moskeng Otomano makalipas ang isang libong taon.[8] Sinalarawan ito na "mayroong kakaibang posisyon sa mundong Kristiyano"[8] at bilang isang ikonong pang-arkitektura at pangkalinangan ng kabihasnang Bisantino at Silanganing Ortodokso.[9][10][8]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Emerson, William; van Nice, Robert L. (1950). "Hagia Sophia and the First Minaret Erected after the Conquest of Constantinople". American Journal of Archaeology (sa wikang Ingles). 54 (1): 28–40. doi:10.2307/500639. ISSN 0002-9114. JSTOR 500639. S2CID 193099976.
- ↑ Curta, Florin; Holt, Andrew (2016). Great Events in Religion: An Encyclopedia of Pivotal Events in Religious History [3 volumes] (sa wikang Ingles). ABC-CLIO. p. 299. ISBN 978-1-61069-566-4.
Hagia Sophia was consecrated on December 27, 537, five years after construction had begun. The church was dedicated to the Wisdom of God, referring to the Logos (the second entity of the Trinity) or, alternatively, Christ as the Logos incarnate.
- ↑ Eyice, Semavi (1991). Ayasofya [Hagia Sophia] (sa wikang Turko). Bol. 4. Istanbul: Turkish Diyanet Foundation. pp. 206–210.
{{cite ensiklopedya}}
:|work=
ignored (tulong) - ↑ P.), Phillips, Jonathan (Jonathan (2005). The Fourth Crusade and the sack of Constantinople (sa wikang Ingles). Penguin Books. ISBN 978-1-101-12188-7. OCLC 607531385.
{{cite book}}
: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Kleiner, Fred S.; Christin J. Mamiya (2008). Gardner's Art Through the Ages: Volume I, Chapters 1–18 (sa wikang Ingles) (ika-12 (na) edisyon). Mason, OH: Wadsworth. p. 329. ISBN 978-0-495-46740-3.
- ↑ Fazio, Michael; Moffett, Marian; Wodehouse, Lawrence (2009). Buildings Across Time (sa wikang Ingles) (ika-3 (na) edisyon). McGraw-Hill Higher Education. ISBN 978-0-07-305304-2.
- ↑ Simons, Marlise (22 Agosto 1993). "Center of Ottoman Power". The New York Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 4 Hunyo 2009.
- ↑ 8.0 8.1 8.2 Heinle & Schlaich 1996
- ↑ Cameron 2009 .
- ↑ Meyendorff 1982 .