Pumunta sa nilalaman

George Harrison

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
George Harrison
Black-and-white shot of a mustachioed man in his early thirties with long, dark hair.
George Harrison in 1974.
Kabatiran
Kilala rin bilangCarl Harrison
L'Angelo Misterioso
Hari Georgeson
Nelson/Spike Wilbury
George Harrysong
George O'Hara-Smith
Kapanganakan25 Pebrero 1943(1943-02-25)
Liverpool, Inglatera, Nagkakaisang Kaharian
Kamatayan29 Nobyembre 2001(2001-11-29) (edad 58)
Los Angeles, California, Estados Unidos
GenreRock, pop, psychedelic rock, experimental, world
TrabahoMusikero, mang-aawit-manunulat, aktor, prodyuser ng pelikula at rekord
InstrumentoGitara, vocals, bass, keyboards, ukulele, mandolin, sitar, tambura, sarod, swarmandal
Taong aktibo1958–2001
LabelParlophone, Capitol, Swan, Apple, Vee-Jay, EMI, Dark Horse
WebsiteGeorgeHarrison.com

Si George Harrison [1] MBE (25 Pebrero 1943 - 29 Nobyembre 2001)[2] ay isang Ingles na manunugtog, gitarista, mang-aawit, manunulat ng awit, aktor at prodyuser ng pelikula na naging kilala sa buong mundo bilang pangunahing gitarista ng bandang The Beatles.[3][4] Madalas na ituring bilang ang "tahimik na Beatle,"[3] naging masugid na tagasunod si Harrison ng mistisismong Indiyano at ipinakilala ito sa ibang mga Beatles, pati na rin sa kanilang mga tagapakinig.[5] Matapos maghiwalay ang banda, nagkaroon siya ng matagumpay na karera bilang isang solo artist at matapos ay naging bahagi ng grupong Traveling Wilburys, kasabay ng pagiging prodyuser ng mga pelikula at ng mga rekord. Si Harrison ay nakatala bilang ang ika-21 sa "100 Greatest Guitarists of All Time" ng magasing Rolling Stone.[6]

Kahit na karamihan ng mga kanta ng The Beatles ay isniulat/inilathala ni Lennon at McCartney, ang mga album ng The Beatles ay karaniwang nilalagyan ng isa o dalawang kanta ni Harrison mula sa album na With The Beatles.[7] Ang ilan sa mga karagdagang komposisyon niya sa The Beatles ay "Here Comes the Sun", "Something" at "While My Guitar Gently Weeps". Nang maghiwalay ang banda, maraming naipon na kanta si Harrison na hindi pa naitatala na pinalabas sa kanyang pinupuri at matagumpay na trible album na All Things Must Pass noong 1970 na sinalihan ng dalawang single: isang double A-side single "My Sweet Lord" na sinamahan ng "Isn't It a Pity" at "What Is Life". Bukod sa kanyang mga solong gawain, si harrison ay sumamang magsulat ng kanta kay Ringo Starr, isang nakaraang Beatle, pati na rin mga kanta para sa Traveling Wilburys—ang supergrupo na kanyang binuo noong 1988 na kinabibilangan din nila Bob Dylan, Tom Petty, Jeff Lynne, at Roy Orbison.

Niyakap ni Harrison ang Kalinangan ng Indiya at Hinduismo noong kalagitnaan ng 1960s at tumulong sa pagpapalawak ng Kanluraning kamalayan at pagkilala ng musikong sitar at Kilusang Hare Krishna. Sa tulong ni Ravi Shankar, bumuo ng isang malakihang kawanggawang konsiyerto na pinangalanang Konsiyerto para sa Bangladesh noong 1971.

Bukod sa pagiging musikero, siya rin ay naging prodyuser ng mga rekord at naging isa sa mga nagtatag ng kompanyang HandMade Films. Sa kanyang karera bilang prodyuser ng pelikula, nakipagtulungan siya sa iba't-ibang mga tao tulad nina Monty Python at Madonna.[8]

Dalwang beses siyang nagpakasal. Ang una ay sa isang modelong nagngangalang Pattie Boyd mula 1966 hanggang 1974 at ang ikalawa ay sa isang kalihim ng kumopanyang pang-rekord na nagngangalang Olivia Trinidad Arias na sa kanilang pagsasama ay nagkaroon siya ng isang anak na nagngangalang Dhani Harrison. Siya ay isang malapit na kaibigan ni Eric Clapton. Siya lang ang tanging Beatle na nakapaglathala ng isang autobiyograpiya noong 1980 na pinamagatang I Me Mine. Namatay si Harrison noong 2001 dahil sa kanser sa baga.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Many published sources give Harold as Harrison's middle name: Everett, The Beatles as Musicians: The Quarry Men Through Rubber Soul, p 36; The Lost Lennon Interviews, p. 246, Geoffrey Giuliano, John Lennon, Vrnda Devi, Published by Omnibus Press, 1998, ISBN 0-7119-6470-X. Others dispute that, based on the absence of any middle name on Harrison's birth certificate:("George Harrison biography". Shawstar.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Enero 2013. Nakuha noong 1 Disyembre 2008.).
  2. Harrison, George (2002). I Me Mine. London: Phoenix. p. 20. ISBN 0-7538-1734-9.
  3. 3.0 3.1 Laing, Dave (30 Nobyembre 2001). "George Harrison 1943–2001". guardian.co.uk. London. Nakuha noong 27 Disyembre 2008.
  4. The Acoustic Rock Masters, p. 23, H. P. Newquist, Rich Maloof, Backbeat Books, 2003, ISBN 0-87930-761-7
  5. Schaffner, The Boys from Liverpool, pp. 77–78.
  6. "100 Greatest Guitarists". Rolling Stone Magazine. 2003. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Nobiyembre 2010. Nakuha noong 26 Hunyo 2010. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  7. Handwritten Harrison Beatles lyrics up for auction, CBC Arts, 11 Enero 2007. Retrieved 13 Disyembre 2008.
  8. "HandMade PLC". www.handmadeplc.com. Nakuha noong 30 Oktubre 2008.