Pumunta sa nilalaman

Estadong Unibersidad ng Ural

Mga koordinado: 56°50′25″N 60°37′00″E / 56.8404°N 60.6168°E / 56.8404; 60.6168
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Estadong Unibersidad ng Ural ng A. M. Gorky
Уральский государственный университет
им. А. М. Горького
SawikainHominem ūnīus librī timeō
Sawikain sa InglesBeware the man of one book (Thomas Aquinas)
Sawikain sa TagalogMag-ingat sa tao ng isang aklat (Tomas ng Aquino)
Itinatag noong19 Oktubre 1920
UriUnibersidad/Liberal na mga Sining
PanguloVladimir Tretyakov
RektorDmitriy Bugrov
Academikong kawani500
Mag-aaral8,000+ permanente
10,000+ hindi permanente at distansyang-edukasyon na mag-aaral
Lokasyon
51, Lenina str., 620083, Yekaterinburg, Rusya Mga detalye ng gusali
Gusali ng pangunahing kampus
Map
, , ,
56°50′25″N 60°37′00″E / 56.8404°N 60.6168°E / 56.8404; 60.6168
KampusUrbano
Websaytwww.usu.ru

Ang Estadong Unibersidad ng Ural (Ruso: Урáльский госудáрственный университéт и́мени А.М. Гóрького, Urál'skiy gosudárstvennyy universitét ímeni A. M. Gór'kogo, Ingles: Ural State University; kadalasang pinapaikli sa USU, УрГУ) ay isang unibersidad na matatagpuan sa lungsod ng Yekaterinburg, Oblast ng Sverdlovsk, Pederasyong Ruso. Naitatag noong 1920, isa itong ekslusibong pang-edukasyong gusali na binubuo ng mga instituto (pang-edukasyon at mga dibisyong siyentipiko) na sa kalaunan, naging malayang mga unibersidad at paaralan.

Naitatag noong in 1936, ipinangalan ang Unibersidad sa isa sa mga tagapagtatag nito, ang Rusong may-akda na si Maxim Gorky. Ito ang ikalawang pinakamatandang unibersidad sa mga Gitnang Ural (ang pinakamatanda ay ang Estadong Unibersidad ng mga Ural ng mga Mina) at isa sa mga prestihiyosong unibersidad sa Rusya; na naghahanda ng pananaliksik, pang-edukasyon at pangangasiwang pili na nakabatay sa pagsama-sama ng mga prosesong akademiko at siyentipikong pananaliksik. Nag-aalok ito ng edukasyon sa mga dosenang larangang siyentipiko at pang-edukasyon na kinabibilangan ng 43 programang gradweyt.

Noong 2007, nahalal si Dmitriy Bugrov bilang bagong rektor,[1] habang ang kasalukuyang rektor na si Vladimir Tretyakov ay naluklok sa tanggapan ng Pagkapangulo, na kinakatawan ang unibersidad sa internasyunal na mga gawain.

Nakaorganisa ang USU sa 95 luklukan at 14 na departamentp. Ang mga ito ay Biyolohiya, Pamamahayag, Kulturolohiya & Sining, Kasaysayan, Matematika at Mekaniks, Politolohiya at Sosyolohiya, Sikolohiya, Pisika, Pilolohiya, Pilosopiya, Publikong ugnayan, Ugnayang panlabas, at Ekonomika. Kabilang sa mga pakultad ng Unibersidad ang 18 akademiko ng Rusong Akademya ng mga Agham.

Mayroong liseo ang unibersidad, ang Italyanong Kolehiyo ni Leonardo, isang Instituto ng Pisika at Nilapat na Matematika, isang Interrehiyonal na Intituto ng mga Agham Panlipunan, ang Ruso-Amerikanong Instituto ng Ekonomiya at Negosyo, ang Instituto ng Pangangasiwa at Pagnenegosyo, isang sentro para sa distansyang edukasyon, ang Instituto ng Kulturang Ruso, isang obserbatoryo, isang harding botanikal, isang siyentipikong aklatan na may higit sa 1,200,000 bolyum, isang bahay ng paglalathala, isang natatanging luklukan para sa Ruso bilang wikang banyaga, isang laboratoryo para sa e-learning, at nag-aalok ng mga kursong muling nagsarariwa at Instituto para sa Karagdagang Edukasyon at Pagsasanay.

Bawat taon ginaganap sa Estadong Unibersidad ng Ural ang mga Lekturang Demidov - isang serye ng mga panayam na binibigay ng mga nanalo sa Premyong Demidov.

Simula noong 2010, ang Unibersidad ay naging Ural na Pederal na unibersidad pagkatapos kay Boris Yeltsin. Nangyari ito dahil sa isang atas ng Pangulo ng Pederasyong Ruso, ang atas #1172 mula noong 21.10.2010. Pinagsama na ang unibersidad sa Estadong Teknikal na Unibersidad ng Ural.

Mga pagranggo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nakaranggo ang USU sa ika-25 sa mga pangunahing unibersidad ng Rusong Ministro ng Edukasyon noong 2004.[2] Sang-ayon sa pagraranggo ng Webometrics na bumabatay sa dami ng presesnya sa Web at bilang ng paglalathala sa Web, nakaranggo ang USU sa ika-7 sa Rusya.[3]

Opisyal na naaprubahan ang lokasyon at ang hanay na mga simbolo ng Estadong Unibersidad ng Ural noong Abril 24, 2008.

Kinakatawan ang sentro ng sagisag ang krus ni Santa Catalina ng Alehandriya, ang patrona ng Yekaterinburg. Ito ay malukong-patulis na apat na bahaging krus. Tumutukoy ang mga patulis, na binubuo ang krus, sa isa pang sagisag – ang tungkod ng mga paring Ehipsyo, tagapagpanatili ng banal na kaalaman. Tinatawag din ang tungkod na ito bilang ang tungkod ni Antonio ang Dakila, na sumisimbolo sa paghahanap at pagtamo ng katotohanan.

Isang simbolomg pang-araw – isang cogwheel, na nakalagay sa krus, na sinisimbulo ang araw at ang liwanag ng kaalaman. Sa kaparehong kahulugan, katangian ni Santa Catalina ang gulong at krus, na, sang-ayon sa alamat, kinondena na maging sira sa gulong.

Sinasagisag ng tatlong aklat ang pagkakaisa ng likas na mga aghah, ang pormal na mga agham, at ang humanidades at tumutukoy sa kasabihan ng sagisag: “Mag-ingat sa tao ng isang aklat" (Tomas ng Aquino)

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Dmitiy Bugrov Naka-arkibo 2009-01-25 sa Wayback Machine. ay nahalal bilang isang rektor (sa Ruso)
  2. The official university ranking of the Russian Ministry for Education, 2004 (sa Ingles)
  3. USU on the top 100 Webometrics Naka-arkibo 2011-06-12 sa Wayback Machine.'s list of universities in Russia (sa Ingles)