Pumunta sa nilalaman

Eskudo de armas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang eskudo de armas[1] (Ingles: coat of arms, literal na "kalupkop ng sandata") ay isang natatanging disenyong heraldiko na nasa ibabaw ng isang kalasag (tangkakal), eksutyon, tuniko, o kapa na ginagamit na pantakip at pangsanggalang ng baluti at upang makilala ang tagapagsuot. Kung kaya't ang termino ay kadalasang ipinapahayag bilang "kalupkop-baluti", dahil ipipakita ito noong sinaunang kapanahunan sa harap ng isang kalupkop ng tela. Ang eskudo de armas sa ibabaw ng isang eskutyon ang bumubuo sa panggitnang elemento ng buong napagtagumpayang pangsandata, armoryal o heraldiko na binubuo ng kalasag, pangsuporta, "palong" o "palupo", at bansag o kasabihan (motto). Ang disenyo ay isang simbolong natatangi sa isang indibidwal na tao, at sa kanyang pamilya, korporasyon, o estado. Ang ganyang mga pagpapakita ay karaniwang tinatawag na "dala-dalahing sandata" o "dinadalang sandata", "kasangkapang sandata", "kasangkapang heraldiko", o payak na mga "armoryal" o mga "sandata" lamang.

Ayon sa kasaysayan, ang mga dala-dalahing sandata ay unang ginamit ng mga panginoong peudal at mga kabalyero noong kalagitnaan ng ika-12 daantaon bilang isang paraan na makilala ang kakampi mula sa kalabang mga sundalo. Sa paglawak ng mga gamit ng mga disenyong heraldiko, ang ibang mga antas ng lipunan na hindi magmamartsa sa labanan ay nagsimulang humawak ng mga armas para sa kanilang mga sarili. Noong una, ang pinakamalapit sa mga panginoon at mga kabalyero ang umangkin ng mga sandata, katulad ng mga taong hinirang bilang mga konsorte (squire, alalay ng kabalyero) na magiging madalas na may kaugnayan sa mga kasangkapang sandata. Pagkaraan, gumamit na rin ang mga pari at iba pang mga dignitaryong eklesyastikal ng eskudo de armas. Sa paglaon, pagsapit ng gitna ng ika-13 daantaon, gumamit na rin ang mga magbubukid, mga pangkaraniwang tao, at mga burghero (mga mamumuhunan o kapitalista) ng mga eskudo de armas. Ang laganap na paggamit ng mga sandata ang humantong upang tabanan ng ilang mga estado ang heradriya sa loob ng kanilang mga hangganan ng nasasakupan. Subalit, sa karamihan ng Europang kontinental, malayang nakagamit ang mga mamamayan ng dala-dalahing mga sandata.

Bagaman walang malawakang regulasyon, at maging may kawalan nito sa nasyunal na antas, nanatiling parati ang heraldriya sa kahabaan ng Europa, kung saan ang mga kaugalian lamang ang namahala sa disenyo at paggamit ng mga sandata. Hindi tulad ng mga pantatak o selyo at iba pang pangkalahatang mga emblema, ang napagtagumapayang heraldiko ay may paglalarawang pormal na tinatawag na blason, na ipinapahayag sa isang pananalitang naiintindihan lamang ng isang grupo, na nagpapahintulot para sa pag-alinsunod sa heraldikong mga depiksyon o paglalarawan.

Noong ika-21 daantaon, ginagamit pa rin ang eskudo de armas ng ilang iba't ibang mga institusyon at mga indibidwal; halimbawa, may mga patakaran ang mga pamantasan kung paano gagamitin ang kanilang mga eskudo de armas, at prutektahan ang paggamit ng mga ito bilang mga palatandaan o tatak.[2][3][4] Maraming mga samahan ang umiiral na tumutulong din sa pagdidisensyo at pagrerehistro o pagpapatala ng personal na mga eskudo de armas, at ilang mga nasyon, katulad ng Inglatera at Eskosya, ang nagpapanatili pa rin magpahanggang kasalukuyan ng mga may-kapangyarihang midyibal na nagkakaloob at nagreregula ng mga sandata.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "eskudo de armas" sa diksiyonaryo.ph
  2. "Glasgow University - The Coat of Arms". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-11-14. Nakuha noong 2011-12-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Educational Institute Coat of arms". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-09-01. Nakuha noong 2011-12-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Patakaran sa paggamit ng "Workmark" at "Insignia" ng Pamantasang McGill