Ekur
Itsura
Bahagi ng isang serye hinggil sa |
Mitolohiyang Mesopotamiano |
---|
Relihiyong Mesopotamiano |
Ibang mga tradisyon |
Ang Ekur (É.KUR, E2.KUR, E-kur) ay isang katagang Sumeryo na nangangahulugang "bundok bahay". Ito ang kapulungan ng mga Diyos sa Hardin ng mga Diyos na tumutugma sa Bundok Olympus ng Mitolohiyang Griyego. Ang Ekur ang pinakapipitaganan at sagradong gusali sa Sumerya.[1][2] Sa mitolohiyang Mesopotamiano, ang Ekur ang sentro o gitna ng mundo at lokasyon kung saan ang langit at lupa ay nagkakaisa. Ito ay kilala rin bilang Duranki at ang isa sa mga istruktura nito ay kilala bilang Kiur, o "dakilang lugar". Ang Ekur ay nauugnay sa templo sa Nippur na ibinalik ni Naram-Sin ng Akkad at Shar-Kali-Sharri noong Ikatlong Dinastiya ng Ur. Ito rin ang kalaunang pangalan ng templo ni Ashur na muling itinayo ni Shalmaneser I.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Charles Penglase (24 March 1997). Greek Myths and Mesopotamia: Parallels and Influence in the Homeric Hymns and Hesiod. Psychology Press. pp. 73–. ISBN 978-0-415-15706-3. Nakuha noong 5 June 2011.
- ↑ Michael V. Fox (1988). Temple in society. Eisenbrauns. pp. 8–. ISBN 978-0-931464-38-6. Nakuha noong 8 June 2011.