Pumunta sa nilalaman

Dumero

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Rosmarinus officinalis
Rosemary
Dumero na namumulaklak
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
(walang ranggo):
(walang ranggo):
(walang ranggo):
Orden:
Pamilya:
Sari:
Espesye:
S. rosmarinus
Pangalang binomial
Salvia rosmarinus

Ang Salvia rosmarinus ( /ˈsælviə ˌrɒsməˈrnəs/[2][3]), mas karaniwang kilala bilang dumero o romero, ay isang makahoy na pangmatagalang damong-gamot na may amoy, parating berde, may parang karayom na dahon, at may bulaklak na kulay puti, rosas, murado, o bughaw na likas sa rehiyon ng Mediteraneo. Dinala ito sa Pilipinas ng mga Kastila.[4]

Hanggang noong 2017, kilala ang ito sa pangalang siyentipikong Rosmarinus officinalis ( /ˌrɒsməˈrnəs əˌfɪsɪˈnlɪs/[3]), na isang kasingkahulugan sa ngayon.[5]

Kasapi ito ng pamilyang Lamiaceae, na kinakabilangan ng maraming ibang halamang-gamot at yerba na ginagamit sa pagluluto. Tinatawag ito sa wikang Ingles bilang "rosemary" na hango mula sa Latin na ros marinus (lit. na 'hamog ng dagat').[6][7] Mayroon ang halaman ito na mahiblang sistema ng ugat.[8]

Ginagamit ang mga dahon ng dumero bilang pampalasa sa mga pagkain,[8] tulad ng rilyeno at inihaw na tupa, baboy, manok, at pabo. Ginagamit ang sariwa o tuyong dahon sa tradisyunal na lutuing Mediterano.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Rosmarinus officinalis information from NPGS/GRIN". www.ars-grin.gov. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-10-29. Nakuha noong 2008-03-03.
  2. "Salvia". Merriam-Webster Dictionary (sa wikang Ingles).
  3. 3.0 3.1 "Rosemary". California Plant Names (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 19, 2022.
  4. "ETHNOBOTANY AND ETHNOPHARMACOLOGY OF SOME LABIATAE SPECIES". www.actahort.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-06-02. Nakuha noong 2023-02-07.
  5. Drew; atbp. (February 2017). "Salvia united: The greatest good for the greatest number" (sa wikang Ingles).
  6. Room, Adrian (1988). A Dictionary of True Etymologies. Taylor & Francis. p. 150. ISBN 978-0-415-03060-1.
  7. Wedgwood, Hensleigh (1855). "On False Etymologies". Transactions of the Philological Society (sa wikang Ingles) (6): 66.
  8. 8.0 8.1 "Rosmarinus officinalis (rosemary)" (sa wikang Ingles). Centre for Agriculture and Bioscience International. 3 January 2018. Nakuha noong 1 Abril 2023.