Pumunta sa nilalaman

Dipolog

Mga koordinado: 8°35′14″N 123°20′27″E / 8.5872222°N 123.3408333°E / 8.5872222; 123.3408333
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Dipolog

Lungsod ng Dipolog
Watawat ng Dipolog
Watawat
Mapa ng Zamboanga del Norte na nagpapakita ng lokasyon ng Dipolog.
Mapa ng Zamboanga del Norte na nagpapakita ng lokasyon ng Dipolog.
Map
Dipolog is located in Pilipinas
Dipolog
Dipolog
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 8°35′14″N 123°20′27″E / 8.5872222°N 123.3408333°E / 8.5872222; 123.3408333
Bansa Pilipinas
RehiyonTangway ng Zamboanga (Rehiyong IX)
LalawiganZamboanga del Norte
Mga barangay21 (alamin)
Pagkatatag1 Hulyo 1913
Ganap na Lungsod1 Enero 1970
Pamahalaan
 • Punong LungsodDarel Dexter T. Uy
 • Pangalawang Punong LungsodHoracio B. Velasco
 • Manghalalal67,808 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan241.13 km2 (93.10 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan138,141
 • Kapal570/km2 (1,500/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
33,154
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-3 klase ng kita ng lungsod
 • Antas ng kahirapan21.07% (2021)[2]
 • Kita(2020)
 • Aset(2020)
 • Pananagutan(2020)
 • Paggasta(2020)
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigong Pangsulat
7100
PSGC
097202000
Kodigong pantawag65
Uri ng klimaklimang tropiko
Mga wikaWikang Subanon
Sebwano
Wikang Chavacano
wikang Tagalog
Websaytdipologcity.gov.ph

Ang Dipolog, opisyal na Lungsod ng Dipolog (pagbigkas: di•pó•log; Sebwano: Dakbayan sa Dipolog) ay isang lungsod at siya ring kabisera ng lalawigan ng Zamboanga del Norte, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 138,141 sa may 33,154 na kabahayan.

Pinasinayaan ang Dipolog bilang isang ganap na bayan ng gobernador ng Lalawigang Moro John Pershing noong Hulyo 1, 1913, matapos maipatayô ang gusaling magsisilbing munisipyo ng naturang bayan. Itinalaga rin ni Pershing ang kauna-unahang alkalde ng bayan na si Pascual Martinez.

Sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, inilipat ng tubong-Dipolog na Gobernador ng Zamboanga na si Matias Ranillo ang kabisera ng lalawigan ng Zamboanga mula Lungsod ng Zamboanga papuntang Dipolog.[3] Nang masakop na ng puwersang Hapones ang kabayanan ng Dipolog, inilikas palayô ng kabayanan ang pamahalaang lalawigan patungo sa barrio ng Polanco.[4] Noong Agosto 22, 1951, hinawalay sa Dipolog ang nasabi at ilan pang barrio upang maging hiwalay na mga bayan ng Polanco at Piñan.[5]

Noong Enero 1, 1970, sa bisa ng Batas Republika 5520 naging lungsod ang bayan ng Dipolog.[6]

Ang sistema ng pamahalaan ng Dipolog ay gaya ng iba pang pamahalaang lokal sa Pilipinas alinsunod sa Kodigo ng Pamahalaang Lokal. Bilang isang nakapaloob na lungsod ang mga ordinansang ipinapasá ng pamahalaang lungsod ay isinusumite sa Sangguniang Panlalawigan ng Zamboanga del Norte upang masuri kung ito'y tumatalima sa angkop nitong kapangyarihan.

Tagapagpaganap

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang alkalde o punong-bayan ang siyang nasisilbing punong tagapagpaganap ng lungsod.

Binubuo ng Sangguniang Panlungsod ng Dipolog ng sampung regular na konsehal na halal at dalawang ex-officiong konsehal. Samantalang nagsisilbing tagapangulo ng Sangguniang Panlungsod ang bise-alkalde na siyang humahalili kapag nabakante ang posisyon ng alkalde.

Nahahati sa 21 barangay ang Dipolog, ang lima rito—Barra, Biasong, Central, Estaka, at Miputak—ay sakop ng poblacion .

Barangay Lawak (ha.) Populasyon
Barra 32.53
Biasong 32.06
Central 38.62
Cogon 1,157.79
Dicayas 594.34
Diwan 3,704.57
Estaka 80.49
Galas 703.35
Gulayon 503.01
Lugdungan 907.38
Minaog 312.24
Miputak 711.76
Olingan 711.76
Punta 446.85
San Jose 657.04
Sangkol 355.15
Santa Filomena 220.23
Santa Isabel 125.19
Sicayab 537.63
Sinaman 495.25
Turno 592.73
  • RMN DXDR TeleRadyo 2
  • GMA 4
  • RPN DXKD TeleRadyo (Channel 7)
  • ABS-CBN Northwestern Mindanao (Channel 42)
  • RMN DXDR 981
  • RPN DXKD Radyo Ronda 1053
  • DXBD Bombo Radyo 1350
  • CMN 88.9 Radyo Totoo
  • MOR 90.9
  • 92.5 Korean Radio
  • 93.3 Star FM
  • 94.1 iFM
  • 100.5 Radyo Natin
  • 102.5 Brigada News FM
  • 103.7 Energy FM
Senso ng populasyon ng
Dipolog
TaonPop.±% p.a.
1903 5,204—    
1918 15,982+7.77%
1939 31,604+3.30%
1948 40,618+2.83%
1960 32,236−1.91%
1970 46,368+3.70%
1975 48,403+0.87%
1980 61,919+5.05%
1990 79,887+2.58%
1995 90,777+2.42%
2000 99,862+2.07%
2007 113,118+1.73%
2010 120,460+2.31%
2015 130,759+1.57%
2020 138,141+1.09%
Sanggunian: PSA[7][8][9][10]


Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Province: Zamboanga del Norte". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
  2. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.
  3. "History of Dipolog". Dipolog.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-08-21. Nakuha noong 2015-08-02.
  4. "Zamboanga del Norte: Municipality of Polanco". Nakuha noong 2015-08-02.
  5. "Profile". Municipality of Piñan. Nakuha noong 2015-08-02.
  6. Republic Act No. 5520. Hinango noong 2015-08-02.
  7. Census of Population (2015). "Region IX (Zamboanga Peninsula)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link)
  8. Census of Population and Housing (2010). "Region IX (Zamboanga Peninsula)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link)
  9. Censuses of Population (1903–2007). "Region IX (Zamboanga Peninsula)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link) CS1 maint: url-status (link)
  10. "Province of Zamboanga del Norte". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]