Pumunta sa nilalaman

Des-impektante

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagdidisimpekta ng sahig sa pamamagitan ng paglalampaso na may des-impektante

Ang des-impektante[1] (o disenpektante[2]) ay isang uri ng kemikal na pumapatay o pumupuksa ng mapaminsalang mga mikrobyo.[3] Hindi naman pinapatay ng pagdidisimpekta ang lahat ng mga mikrobyo, lalo na ang mga di-tinatablang espora ng baktirya; di-gaanong mabisa kaysa roon sa isterilisasyon, na matinding prosesong pisikal at/o kemikal na pumapatay sa lahat ng uri ng buhay.[4] Magkaiba ang mga des-impektante mula sa mga ibang ahenteng panlaban sa mikrobyo tulad ng antibiyotiko, na pumapatay ng mga mikrobyo sa loob ng katawan, at antiseptiko, na pumapatay ng mga mikrobyo sa buhay na tisyu. Iba rin ang mga des-impektante sa mga biosida — ang layon ng mga iyon ay patayin ang lahat ng uri ng buhay, hindi lang mikrobyo. Gumagana ang mga des-impektante sa pagsisira ng dingding-sihay ng mga mikrobyo o paghahadlang sa kanilang metabolismo.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. https://diksiyonaryo.ph/search/des-impektante
  2. Abriol, Jose C. (2000). "Disenpektanteng alak; at langis". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), talababa 34, pahina 1532.
  3. Gaboy, Luciano L. Disinfectant - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  4. "Division of Oral Health - Infection Control Glossary". U.S. Centers for Disease Control and Prevention. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Abril 2016. Nakuha noong 19 Abril 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

PanggagamotKalusuganKaramdaman Ang lathalaing ito na tungkol sa Panggagamot, Kalusugan at Karamdaman ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.