Cuggiono
Cuggiono | |
---|---|
Comune di Cuggiono | |
Mga koordinado: 45°30′20″N 08°48′55″E / 45.50556°N 8.81528°E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Lombardia |
Kalakhang lungsod | Milan (MI) |
Pamahalaan | |
• Mayor | Maria Teresa Perletti |
Lawak Kamalian ng Lua na sa Module:Wd na nasa linyang 1890: bad argument #1 to 'ipairs' (table expected, got nil). | |
• Kabuuan | 14.93 km2 (5.76 milya kuwadrado) |
Taas | 157 m (515 tal) |
Populasyon (2018-01-01)Kamalian ng Lua na sa Module:Wd na nasa linyang 1890: bad argument #1 to 'ipairs' (table expected, got nil). | |
• Kabuuan | 8,290 |
• Kapal | 560/km2 (1,400/milya kuwadrado) |
Demonym | Cuggionesi |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 20012 |
Kodigo sa pagpihit | 02 |
Santong Patron | San Jorge |
Websayt | Opisyal na website |
Ang Cuggiono (Lombardo: Cugiònn [kyˈdʒɔn]) ay isang maliit na bayan at comune (komuna o munisipalidad) sa Kalakhang Lungsod ng Milan sa rehiyon ng Lombardia, hilagang Italya, 50 kilometro (31 mi) sa kanluran ng Milan sa Motorway A4 hanggang Turin, tarangkahan ng Marcallo-Mesero.
Ang Cuggiono ay ang kinakapatid na lungsod ng Herrin, Illinois. Maraming mga Italyano mula sa Cuggiono, lumipat sa Katimugang Illinois upang magtrabaho sa mga minahan ng karbon na may pag-asa ng Amerikanong Pangarap sa huling bahagi ng ika-19 at unang bahagi ng ika-20 mga siglo. Bumuo sila ng mga kapitbahayan sa mga bayan sa buong Katimugang Illinois.
Ang Cuggiono ay may hangganan sa mga sumusunod na munisipalidad: Castano Primo, Buscate, Arconate, Robecchetto con Induno, Galliate, Mesero, at Bernate Ticino.
Pisikal na heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Teritoryo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang teritoryo ng Cuggiono ay may hangganan sa hilaga sa munisipalidad ng Buscate, sa timog sa bayan ng Casate (nayon ng Bernate Ticino), sa silangan sa munisipalidad ng Inveruno at sa kanluran sa nayon ng Castelletto, buhat kung saan ang teritoryong Cuggionese ay umabot sa Naviglio Grande at pagkatapos ay sa Ticino. Ito rin ay bahagi ng teritoryo ng Liwasang Ticino sa Lombardia, na nasa hangganan ng Piamonte sa kanluran, kung saan ito ay pinaghihiwalay ng ilog Ticino.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Resident population by age, sex and marital status on 1st January 2014". Istituto Nazionale di Statistica. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 October 2017. Nakuha noong 18 May 2015.