Choi Si-won
Siwon | |
---|---|
Kabatiran | |
Pangalan noong ipinanganak | Choi Si-won |
Kapanganakan | 7 Abril 1986 Seoul, Timog Korea |
Pinagmulan | Seoul, Timog Korea |
Genre | K-pop, mandopop, dance-pop, hip-hop, R&B |
Trabaho | Mang-aawit, artista, mananayaw, modelo |
Instrumento | tinig, tambol, piano, gitara |
Taong aktibo | 2003–kasalukuyan |
Label | SM Entertainment |
Website | http://www.choisiwon.com |
Korean name | |
Hangul | 최시원 |
---|---|
Hanja | 崔始源 |
Binagong Romanisasyon | Choe Si-won |
McCune–Reischauer | Ch'oe Siwŏn |
Si Choi Si-won (Koreano: 최시원; Hanja: 崔始源; ipinanganak noong 7 Abril 1986 ngunit opisyal na itinala bilang 10 Pebrero 1987)[kailangan ng sanggunian], na mas kilala rin bilang Siwon (Koreano: 시원; Hanja: 始源), ay isang mang-aawit, mananayaw, at modelo na taga Timog Korea. Kinikilala siya bilang kasapi ng bandang K-pop na Super Junior at ng sub-grupo nitong Super Junior-M. Isa siya sa mga apat na artistang Timog Koreano na lumitaw sa tatak pangliham na Tsino.[1]
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bago naging mang-aawit at artista
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mayroong nakababatang kapatid na babae si Siwon - si Jiwon. Kasalukuyang CEO ang kanyang ama ng Boryung Medience, isang kompanyang parmasyutiko.[2] Nakapagtapos siya sa Gu Jeong High School noong Pebrero 2006. Debotong Protestanteng Kristyano si Siwon, tulad ng binanggit niya sa isang panayam na sa pagtapos ng kanyang karera, nais niyang maging isang misyonaryo.[3]
Namataan si Siwon ng isang ahenteng pang-talento mula sa SM Entertainment noong 16 taong gulang pa lamang siya habang hinihintay niya ang kanyang mga kaibigan sa harap ng kanilang paaralang pang-mataasan. Inirekomenda sa kanya ng ahente na mag-awdisyon para sa Starlight Casting System ng naturang kompanya. Nag-awdisyon siya nang walang pahintulot mula sa kanyang mga magulang; napaalalahanan naman ang kanyang mga magulang pagkatapos niyang pumasa sa mga awdisyon. Baga ma't pinayagan siya ng mga magulang niya na pumirma ng kontrata sa SM Entertainment, hindi siya binigyan ng ano mang tulong dahil sa pagnanais nilang akuin ni Siwon ang mga responsibilidad niya sa kanyang mga gawain.[4]
Matapos ay lumipat siya sa dormitoryo kasama ng kanyang mga katuwang sa pag-ensayo at inensayo siya sa larangan ng pag-awit, pag-arte, at pag-sayaw. Itinampok siya sa isang music video ni Dana ng The Grace habang ineensayo siyang bilang soloista noong 2003. Pagkatapos ng isang taon, gumawa ng maikling pagpapakita si Siwon sa isang munting drama na Precious Family at umulit noong 2005 sa Eighteen Twenty-Nine ng KBS Drama bilang batang Kang Bong-man at pangsuportang papel ni Park Sang-woo sa Spring Waltz noong 2006.
2005-2006: Unang paglabas kasama ang Super Junior
[baguhin | baguhin ang wikitext]Naglabas ng anunsiyo ang SM Entertainment na opisyal siyang magde-deybyu bilang isa sa mga labindalawang kasabi ng bandang pangkalalakihan. Ilang buwan bago ang debut ng Super Junior 05, isinagawa ni Siwon ang unang opisyal na pagpapakitang pang-medya kasama ang ka-bandang si Han Geng bilang isa sa mga modelong pangt-runway sa isang fashion show ni Bum Suk.
Opisyal na nagsimula si Siwon na bahagi ng Super Junior 05 na binubuo ng 12 kasapi noong ika-6 ng Nobyembre 2005 sa programang pang-musika ng SBS na Popular Songs kung saan itinanghal nila ang kanilang kauna-unahang sensilyong "Twins (Knock Out)".[5][6] Ang kanilang debut album na SuperJunior05 (Twins) ay inilabas pagkalipas ng isang buwan noong ika-5 ng Disyembre 2005 at umakyat sa ika-3 sa buwanang MIAK K-pop album charts.
Noong Marso 2006, nagsimulang maghanap ang SM Entertainment ng mga bagong kasapi para sa susunod na henerasyon ng Super Junior. Subalit nag-iba ang mga plano at huminto ng naturang kumpanya sa pagbuo ng magiging henerasyon ng Super Junior. Kasunod ng pagkaka-dagdag ng ika-labingtatlong kasapi na si Kyuhyun, itinanggal ng grupo ang hulaping "05" at naging opisyal na rin ang pangalang "Super Junior".[7] Ang unang CD sensilyo ng kaka-bagong grupo "U" ay inilabas noong ikaw-7 ng Hunyo 2006, na siyang pinaka-matagumpay nilang sensilyo hanggang sa paglabas ng "Sorry, Sorry" noong Marso 2009.[8]
Pilmograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga pelikula
[baguhin | baguhin ang wikitext]Year | Title | Role |
---|---|---|
2006 | A Battle of Wits | Prince Liang Shi |
2007 | Attack on the Pin-Up Boys | student body president |
2010 | Super Show 3 3D | Sarili |
2012 | I AM. - SM Town Live World Tour in Madison Square Garden | Sarili [9] |
2013 | Super Show 4 3D | Sarili |
2015 | Dragon Blade | |
2015 | To the Fore | |
2015 | Helios | Pok Yu Chit |
Mga dramang pantelebisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Year | Title | Role |
---|---|---|
2004 | Precious Family | Kameyo |
2005 | Eighteen, Twenty-Nine | Kang Bong-man |
2006 | Spring Waltz | Park Sang-woo |
2006 | Mystery 6 | Sarili |
2006 | Super Junior Mini-Drama | Siwon |
2007 | Legend of Hyang-dan | Lee Mong-ryong |
2009 | Stage of Youth | Shiyuan |
2010 | Oh! My Lady | Sung Min-woo |
2010–11 | Athena: Goddess of War | Kim Jun-ho |
2011 | Poseidon | Kim Sun-woo |
2011–12 | Skip Beat! | Ren Tsuruga |
2012 | Ru Guo Hui Dao Cong Qian/ Turn Around Fall In Love | Song Chenxi |
The King of Dramas | Kang Hyun-min | |
2015 | Billion Dollar Heir | Lu Zi Hao |
Pagpapakita sa mga bidyong musika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Awitin | Mga akto o mang-aawit |
---|---|---|
2003 | What is Love | Dana |
2006 | Timeless | Zhang Liyin & Junsu |
2008 | I Will | Zhang Liyin |
2008 | The Left Shore of Happiness (幸福的左岸) | Zhang Liyin |
2009 | Firefly | Ariel Lin |
2009 | S.E.O.U.L. | Super Junior & Girls' Generation |
2010 | Hoot | Girls' Generation |
2014 | "Motorcycle" | Donghae & Eunhyuk |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Super Junior-M to appear on postage stamps". Newsen (sa wikang Koreano). 2008-12-08. p. 1. Nakuha noong 2008-12-08.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Siwon's father identified as a CEO". Allkpop. 2011-01-04. Nakuha noong 2011-12-13.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Panayam ng Talk Asia ng CNN
- ↑ An episode of Behind Story
- ↑ "2005 Super Junior's official debut" Ent.hunantv.com. Retrieved 2011-12-25 (sa Tsino)
- ↑ "SM Unveils 12-Membered Boy Group Named Super Junior" Naka-arkibo 2011-09-12 sa Wayback Machine. Arirang.co.kr. 27 Oktubre 2005. Retrieved 2011-12-25
- ↑ "Super Junior adds new member, transformed into 13-person super group" Sina.com. 24 Mayo 2006. Retrieved 2011-05-08 (sa Tsino)
- ↑ "SuperJunior releases third studio album" Naka-arkibo 2009-03-18 sa Wayback Machine. Epaper.jinghua.cn. 14 Marso 2009. Retrieved 2011-12-25 (sa Tsino)
- ↑ "Documentary Shows Top K-Pop Singers Behind the Scenes". Chosun Ilbo. 2 Mayo 2012. Nakuha noong 4 Mayo 2012.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)